-Jasmin’s POV 3 years before-
Lunch time na, kagaya ng dati magkakasabay kaming tatlo kumain. Sila parang naging hobby na ang pag- usapan si Joseph at ang closeness nya sa akin.
“JM ang tawag ng mga classmates nya sa kanya, bakit ikaw Joseph?”-Christine
“Huh? Eh Joseph ang pakilala nya sa akin e. Bakit JM ang tawag nila?” –ako
Nagtaka rin ako ng malaman ko yun kay Christine.
“Short for Joseph Miguel yun noh.” -Mae
“Talaga? Akala ko kasi Joseph lang talaga.” -ako
“Siguro kasi hindi pa naman kayo masyadong close kaya yun ang ipinatawag nya sayo. Haha.” -Mae.
“Ganun kaya?” -ako
Sagot ko sa kanilang dalawa habang nag iisip pa ako ng ibang dahilan.
“Malapit na ang exams, magreview na ng lang tayo!” –ako
Sagot ko sa kanila para lang tigilan na nila ang pangungulit sa akin.
Pagdating ko sa bahay. Pumunta na ako sa kwarto. Nasa harap ako ng study table. Nag aaral ako para sa final exams, pero bakit ganito? Parang may hinihintay ako. Wala sa pag aaral ang konsentrasyon ko, hawak ko pa nga ang cellphone habang nakatingin sa labas. Ilang sandali pa tumunog na nga ang cellphone ko. Biglang akong nabuhayan ng loob at napangiti na lamang habang sinasagot ko ang tawag sa cellphone.
“Hello?” -ako
“Busy ka ba?” -Joseph
“Nag aaral ako para sa exams. Bakit?” -ako
“Ah ganun ba? Sige sa last day of school ngayong sem pwede bang makipagkita ka sa akin?” -Joseph
“Sige.” -Jasmin
“Sa Arts Studio, hihintayin kita.” -Joseph
“Okay.” -ako
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Teen Fiction“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...