CHAPTER NINE

18 1 0
                                    

-Jasmin’s POV 3 years before-

Napakasaya ko ngayon kasama ko kasi sya.

“Masaya kabang kumukuha ng litrato?” -Joseph

“Um! Masaya pala kumuha ng mga litrato Joseph. J” - ako

“Lalo na kung maganda at masaya rin ang kinukunan mo.” –Joseph

“Ah..” –ako

“Bakit sa business course ka naka enrol?” -Joseph

“Yun ang gusto nila papa para sa akin.” -Jasmin

“Pero yan ba ang gusto mo?” -Joseph

Napaisip ako ng matagal sa tanong na uyn ni Joseph.

“Hindi. . . . pero wala rin naman akong maisagot ng tanungin nila ako kung ano ang gusto ko e. Kaya pumayag na lang din ako.” -ako

“Kaya mo yan Jasmin!” -Joseph

“Ha?” –ako

Sagot ko habang napatingin ako kay Joseph dahil sa sinabi nya.

“Maging malakas ka, dapat ipinapaalam mo rin sa iba kung ano ang nararamdaman mo. Para tunay kang maging masaya dapat maging totoo ka sa sarili mo. Wag kang mag alala kung hindi man maging okay sa iba ang opinion mo, nandito naman ako para suportahan at ipagtanggol ka.” –Joseph

Nakangiting sagot ni Joseph habang nakatingin sa langit at sa akin matapos sabihin ang mga salitng iyon.

Napangiti rin ako ng sabihin yun ni Joseph.

-Jasmin’s POV present time-

“Bawat salita ni Joseph nararamdaman ko na galing iyon sa puso nya na para bang alam na alam niya kung paano sagutin ang mga tanong sa isipan ko.”

-Jasmin’s POV 3 years before-

Bialang pumasok sa isip ko ang matagal ko ng gustong itanong kay Joseph.

“Bakit Joseph ang pakilala mo sa akin dati at hindi JM? Yung classmates mo JM ang tawag sayo diba?” -ako

“Gusto ko Joseph ang tawag sakin ng mga taong espesyal para sa akin.” -Joseph

Hindi na ako nagtanong pa at napangiti na lang sa sinabing yun ni Joseph.

-Jasmin’s POV present time-

“Maraming beses akong kinilig dahil kay Joseph.”

Sa tuwing naaalala ko ang mga yun napapangiti nalang ako.

-Joseph’s POV 3 years before-

Dalawang linggo pa ang lumipas, dumating na ang kaarawan ko. Dahil mahilig ako sa night out gimmick, sa isang resto bar ko ito ise- celebrate. Pupunta rito sina Micheal at Calvin. Pati na rin yung mga nakikipagkaibigan sa akin dahil sa sikat ako. Kasama syempre si Jasmin, Mae at Christine na personal kong inimbitahan. Balak ko na ipakilala si Jasmin sa mga tao bilang girlfriend ko. Na si Jasmin na ang babaeng gusto kong mahalin habang buhay. Nauna na kami nila Micheal at Calvin, medyo marami ng tao ng dumating sila Jasmin. Tinawag ko agad ang atensyon ng lahat para ipakilala si Jasmin.

“Guys, gusto kong makilala nyo si Jasmin, girlfriend ko.” –Joseph

Nagulat at napatigil sa paglalakad si Jasmin sa sinabi kong yun, wala siyang kaalam- alam sa plano ko. Kagaya ng dati hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin. Napaka inosente nya kaya naman ang cute nya J. Lumapit ako sa kanya.

“Nagulat ka ba? J” -Joseph

“Halika doon tayo.” –Joseph

PRECIOUS PHOTOS: My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon