-Jasmin’s POV present time-
Noon ko naiintindihan ang kwento ni Joseph tungkol sa isang batang umiiyak. Naramdaman ko ang sakit na naramdaman ng batabg yun. Kung gaano kasakit mawala ang taong inaasahan mong magtatanggol sa’yo habambuhay.
-Jasmin’s POV 3 years before-
Kinagabihan, binuksan ko ang box na binigay ni ate Marianne. Puno ito ng mga sulat. Sulat ni Joseph para sa akin. Bawat isa nakalagay talaga sa envelope tulad ng mga regular na sulat. Kumuha ako ng anim para basahin.
-Letter 1-
Dear Jasmin,
Kamusta kana? Ako, nandito parin sa ospital. Hindi ko alam kung kelan ako makakauwi. Marami pa kasing test na gagawin sa akin. Ikaw anong pinagkakaabalahan mo ngayon? Siguro marami kang dapat reviewhin. Malapit na ang finals diba? Malungkot ditto dahil wala ka. Peri in some reason Masaya rin dahil cute ang mga nurses ditto. Hehehehe. Joke lang. Alam mo naman na ikaw lang ang cute para sa akin. Hanggang dito nalang muna. Mahal kita Jasmin.
-Joseph
-Letter 2-
Dear Jasmin,
Katatapos ko lang maglunch. Ayoko talaga ng pagkain sa ospital. Wala silang lasa. Sana madalhan mo ako ng lunch next time. Namimiss ko na ang luto ng mama mo. Pati na rin ang luto mo, kahit medyo magkalasa ang luto mo at ang pagkain dito, ang luto mo parin ang gusto kong matikman araw- araw. Sa ngayon, yun lang ang gusto kong gawin, ang kainin ang lahat ng mga niluto mo para sa akin.
-Joseph
-Letter 3-
Dear Jasmin,
Sixth month na ‘ko dito bukas. Malungkot kasi wala ka. Gusto kitang makasama pero hindi maaari. Ayokong maging Masaya kung ikaw naman ang masasaktan. Kaya sana sa pagtulog ko doon na lang kita makita. Good night Jasmin.
-Joseph
Habang binabasa ko ang pangatlong sulat, napansin ko na may mga salitang parang nabasa dahil faded na ang mga ito pero nababasa pa naman. Biglang sumagi sa isip ko na dahil yun sa mga luha ni Joseph na tumulo habang ginagawa niya ang sulat na yun.
-Letter 4-
Dear Jasmin,
Galing ako sa Universisy kanina. Pinuntahan kita dahil hindi ako makatiis na hindi ka makita. Alam mo ba gumaan ang pakiramdam ko ng makita kita? Nakakangiti kana ngayon. Masaya ka na uli tulad ng dati. Sana magtuloy- tuloy na ang ngiti mo para hindi na ako mahirapan magisip kung papaano magpapaalam sa’yo.
-Joseph
-Letter 5-
Dear Jasmin,
Nandito ako sa harap ng school ngayon. Nagbabaka sakaling ikaw ang lalabas mula sa gate. Naaalala mo ba na sa gate tayo unang nagkita? Kaya mahalaga sa akin ang lugar na ito. Sana ganoon din ang nararamdaman mo.
-Joseph
-Letter 6-
Dear Jasmin,
Mahigit 1 and a half year na simula ng nagpasya akong lumayo sa’ yo. Pero parang kahapon lang nangyari ito dahil hanggang ngayon ganoon parin kasakit ang sakit na nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil marami pa akong gusting gawin, puntahan at kunan ng litrarto kasama ka. Pero parang hindi na natin magagawa ang mga yun. How I wish na madagdagan pa ang buhay ko para sa’yo.
-Joseph
-Jasmin’s POV 3 years before-
Ngumiti ako at tumulo ang luha ng mabasa ko ang mga sulat. Mahal na mahal ako ni Joseph. Lahat ng sulat ay puro tungkol sa akin. Nabasa ko na ang anim na sulat bago ko pa mabasa ang maliit na papael na may nakalagay na.
“Jasmin ang lahat ng sulat na ito ay para sa ‘yo. Kumuha ka ng isa bawat araw para basahin. Para magkaroon ka ng lakas ng loob na mabuhay kahit wala na ako.” –Joseph
Dahil doon gusto kong basahin na lahat ang sulat ni Joseph ng mga oras na yun. Pero tama sya. Dahil sa sulat nya gusto kong gumising araw- araw para mabasa ko ang isa sa mga sulat nya.
-Jasmin’s POV present time-
Ngayon, natapos ko ng basahin ang lahat ng sulat na ginawa nya. At ngayon tanggap ko na rin na wala na si Joseph. Alam talaga ni Joseph kung papaano ako mapapatigil kapag ako ay umiyak.
One year na ang nakalilipas na mamatay si Joseph. Tinanggap akong muli para sa scholarship papuntang France.Susubukan kong magsimula uli, mabuhay gaya ng dati. Noong mga panahong wala pa si joseph sa buhay ko. Pero dala ang mga ala alang binigay niya sa akin ang mga pagbabagong ginawa niya sa akin bilang inspirasyon ko upang mapagbuti ang pagkuha ko ng mga litrato.
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Teen Fiction“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...