-Jasmin’s POV 3 years before-
Hinatid ako ni Joseph sa bahay. Nagpaliwanag si Joseph sa akin kung bakit siguro nakapagsalita ng ganun ang ate nya. Pero kahit narinig ko ang mga paliwanag nya, parang wala akong ibang naramdaman kundi takot na tuluyan nila akong hindi magustuhan at mapalayo kay Joseph. Hindi ko akalaing may mga ganitong bagay na pwedeng mangyari dahil sa minahal ko si Joseph.
-Joseph’s POV 3 years before-
Pagdating ko sa bahay, nagulat ako ng makita ko si Lian. Siya ang babaeng sinasabi ni Marianne na fiancé ko raw. Mayaman at sosyal si Lian, isang perpektong example ng makabagong babae dagdag pa dun mabait din sya at masunurin sa magulang. Pero kahit ganun, hindi ko nagustuhan si Lian. Sa Amerika siya lumaki, kababata ko siya dahil malapit na kaibigan ng pamilya naming ang pamilya nila. Ng magpasya ang mga ito na doon na manirahan sa Amerika kasabay nito ang pagpapangako ng magulang namin sa isa’t isa na kami ang magkakatuluyan sa aming paglaki. Hindi rin ako gusto ni Lian noong una, pero ng medyo tumagal na siya dito sa Pilipinas nararamdaman ko na parang napapalapit siya sa akin. Para sa akin kaibigan ko sya kaya ayoko rin naman siyang masaktan. Kaya sasabihin ko na sa kanya na may iba akong mahal. Na hindi pwedeng mangyari ang gusto ng pamilya naming para sa amin. Tapos na kaming mag hapunan, pinahahatid sa akin ni Marianne si Lian sa kanilang bahay.
“Parang hindi mo kilala ang kapatid mo, dahil sa hindi naman niya gusto si Lian alam kong hindi nya ihahatid si Lian.” –Mr. Chua
“Alam ko po Dad, pero sinabi ko na rin para naman hindi tayo magmukang bastos kay Lian.” -Mariane
Kahit alam kong iba ang iisipin ni Marianne kapag pumayag ako na ihatid si Lian, gagawin ko na rin para masabi ko na rin sa kanya ang gusto kong sabihin.
Habang nasa kotse kami sinabi ko na agad kay Lian.
“Lian may ibang babae akong gusto at mahal na mahal ko siya. Kung natutunan mo na akong mahalin, please pigilan mo na ang damdamin mo para hindi ka masaktan.” –ako
Ngumiti lang si Lian na parang hindi nya sineryoso ang sinabi ko.
“Hindi ko ito sinasabi para isipin mong nagpapakipot ako at lalo ka pang magkagusto sa akin, sinasabi ko ito para. . . . . . . “ –ako
Bigla syang nagsalita kaya hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin.
“Parang ang bilis mo naman akong i- reject? Hindi ba pwedeng i- consider mo manlang ako na nakapagpagulo sa nararamdaman mo.” –Lian
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Teen Fiction“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...