CHAPTER EIGHTEEN

17 1 0
                                    

-Jasmin’s POV 3 years before-

Sa cafeteria, kumakain kami nila Mae at Christine. Napag usapan nila Mae bigla ang biglaang hindi pagpaparamdam ni Joseph.

“Bakit ganon si Joseph? Ni wala manlang siyang pasabi. Hindi tuloy natin alam ang nangyayari sa kanya. At bakit may iba siyang pinakilalang girlfriend doon sa ospital?” -Mae

“Oo nga, ang sama nya. Ito tuloy si Jasmin 2 weeks ng malungkot at hindi makausap ng maayos. Hay! Na bubwisit ako kay Joseph! Sino ba siya para iwan nalang ng ganito si Jasmin!” -Christine

Maya- maya biglang dumating si Joseph.

“Maaari ba kitang makausap Jasmin?” -Joseph

Napatitig ako kay Joseph. Sumunod ako kung saan sya. Sa Arts studio sya pumunta. Ano ba itong nararamdaman ko, bakit kinakabahan ako. Bakit feeling ko gusto nyang makipaghiwalay sa akin.

“Jasmin, tapusin na natin ang ito. Hindi na ako masaya. Sorry pero may iba na akong mahal.” -Joseph

“Si Lian ba?” –ako

Halos mapaiyak ako ng tanungin ko yun kay Joseph.

“Uhm.” –Joseph

Tumakbo ako palabas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang kong makalayo kay Joseph.

-Jasmin’s POV present time-

Ang unang beses na lubos akong masaktan dahil sa pag-ibig.

-Joseph’s POV 3 years before-

Kasabay tumakbo ni Jasmin palabas, pumatak naman ang luha mula sa mata ko.

“Kahit kalian hindi ko akalaing sasabihin ko ang mga salitang yun kay Jasmin.”

-Lian’s POV 3 years before-

Nakasalubong ko si Jasmin na palabas ng university. Nagkatinginan kami parehong malungkot ang aming mga mata. Ang pinag kaiba nga lang, malungkot sya dahil hindi nya alam na mahal na mahal sya ni Joseph. Ako, malungkot dahil alam ko ang bagay na yun. Pagpasok ko sa studio, tumulo rin ang luha ko ng makita ko si Joseph na pinupunasan ang mga bakas ng luha sa kanyang muka. Nalulungkot ako para sa aming tatlo. Bakit kailangang magkaganito.

-Jasmin’s POV 3 years before-

Hindi ako pumasok sa university, napakalunkot ko ngayon. Tulad ng dati, hindi ko alam ang gagawin ko. Tumunog ang cellphone ko. Nag text si Mae.

-Text-

Pupunta kami dyan friend, wait for us ha: )

-End of text-

Narinig ko ang boses ni Mae, andito na sila.

“Jasmin, gusto mo bang mamasyal ngayon?” -Mae

“May sale ngayon sa mall, halika mag tingin tayo.” -Christine

“Gusto kong makita si Joseph.” -ako

“Jasmin naman, pinahihirapan mo yang sarili mo. Hindi ba’t nakipaghiwalay na siya sayo. Bakit gusto mo pa rin siyang makita? Marami pang iba diyan.” -Mae

“Si Joseph ang gusto ko. Siya LANG ang magugustuhan ko. Wala ng iba.” -ako

“Jasmin!” -Mae

“Gusto mo siyang makita, halika pupuntahan natin siya. Titignan natin kung ganyan din ba ang nararamdaman ni Joseph para sayo.” -Christine

Tinawagan ni Christine si Micheal. Tinanong niya kung nasaan ba si Joseph ng mga oras na iyon. Pumunta kami sa isang restaurant dahil nandoon daw si Joseph. Hindi na kami tumuloy sa pagpasok sa loob dahil kita na namin mula sa labas sila Joseph at Lian. Masaya silang kumakain doon. Parang malaking bato ang ipinukpok sa puso ko sa sobrang sakit ng naramdaman ko.

“Ano masaya kana ngayon na nakita mo siya?” -Christine

Hindi nakasagot ako nakasagot. Tumalikod ako at naglakad na pauwi.

PRECIOUS PHOTOS: My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon