CHAPTER SIXTEEN

14 0 0
                                    

-Lian’s POV 3 years before-

Naisipan kong puntahan yung ospital kung saan na- admit si Joseph. Napansin ko kasi na matamlay at maputla si Joseph.

“Maari ko po bang makausap si Dr. Atienza?” -Lian

“Sandali lang po.” -nurse

“Ako po yung kasama ni Mr. Chua, yung pasyente ninyo last week.” -Lian

“Oo naaalala kita, ikaw yung girlfriend niya hindi ba?” -doktor

“Ah? Eh opo, ako nga po. Napansin po kasi naming na matamlay si Joseph pagkagaling niya dito, kaya naisip ko pong magtanong sa inyo?” -Lian

“Kung ganoon hindi pa pala niya nasasabi ang tungkol sa kanyang sakit?” -doktor

“Sakit po?” -Lian

“May cancer si Joseph, naki usap siyang wag itong ipaalam sa inyo. Mahalaga ang confidentiality sa ospital na ito ngunit mas mahalaga ang buhay ng tao. Ikaw na ang bahalang magsabi nito sa kanyang pamilya. Kung maari kumbisihin ninyo siyang magpadala sa ospital, hindi tiyak na gagaling siya pero mas mabuti na rin ito.” -doktor

Natulala ako sa sinabing yun ng doktor.

-Jasmin’s POV 3 years before-

Nag aalala na ako kay Joseph, nasa ospital pa rin siya hanngang ngayon at hindi tumatawag sa akin. Gusto ko syang puntahan sa ospital. Pero nag aalala ako na hindi ako papasukin manlang ng ate nya. Pero ngayon, kahit ano pa ang mangyari, pupuntahan ko na sya. Hindi na ako mapakali, hindi ko maintindihan pero parang may masamang nangyari sa kanya. Kasama ko sina Mae at Christine. Sa pag pasok naming sa ospital may nakasalubong kaming babae, maganda sya pero mukha syang malungkot. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko sya kilala pero para bang konektado sya sa buhay ko.

Nagpatuloy na lang kami sa pagpasok sa ospital.

“Saan po ang kwarto ni Joseph Chua?” -ako

“Wala na po rito si Mr. Chua, nakalabas na po siya noong isang lingo pa.” - nurse

“Ah ganon ba? Sige salamat po.” –ako

Nagtatakang sagot ko dahil hindi man lang tumawag o nag text si Joseph na nakalabas nap ala sya.

Narinig yata ng doktor na hinahanap namin si Joseph kaya nilapitan nya kami.

“Kaibigan ba kayo ni Joseph?” -doktor

“Opo.” –Christine at Mae

“Kaaalis lamang ng kanyang girlfriend, maabutan pa ninyo siya, maaari kayong sumabay sa kanya para makita ninyo si Joseph.” -doktor

“Pero si Jasmin po ang. . . . “ –Christine

Naputol sa sabi ni Chrstine.

“Christine. . .! “ -ako

“Siya yung babaeng nakasalubong ninyo sa pinto.” -doktor

“Siya po ba si Miss Lian?” -ako

“Oo siya nga.” -doktor

“Salamat po.” –ako

Malungkot na sagot ko.

“Bakit hindi ka nagpakilala na ikaw ang girlfriend ni Joseph at hindi ang girl na yun?” -Mae

“Hindi na kailangan.” –ako

Sagot ko habang nakatingin ako sa cellphone hinahanap ko yung text na galing sa cellphone ni Joseph pero iba ang nagtype.

-Text-

Good morning, si Lian ito. Gusto ko lang ipaalam na nasa ospital si Joseph ngayon. Pero okay lang siya wag kang mag alala.

-End of text-

PRECIOUS PHOTOS: My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon