-Jasmin’s POV 3 years before-
Halos isang buwan din akong malungkot na pumapasok sa university. Parang laging wala sa sarili. Hindi gaanong ngumingiti at matamlay. Ngunit dahil sa mga kaibigan at bagong manliligaw ko medyo nawala sa isip ko ang kalungkutan ng iwan ako ni Joseph. Pero hanggang ngayon naghahangad parin ako na abalikan ako ni Joseph.
Mag nu-new year na. Ito sana ang unang taon na makakasama ko sa pagse-celebrate ng new year si Joseph. Pero dahil iniwan nya ako. Hindi ako magiging masaya sadarating na new year. Marami sana akong planong activities na gagawin naming ni Joseph. Pero ngayon hindi na mayuyuloy yun.
Ang bilis lang lumipas ng panahon. Ngayon matatapos naman ang school year. Wala na akong nagging balita kay Joseph. Kinalimutan na nya ako. Ako na lang ang hindi nakakalimot sa aming dalawa. Kya naman pumasok ako bilang assistant sa isang photoshop. Doon ko ginugol ang dalawang buwang bakasyon. Nagkaroon ako ng marami pang kaibigan at kaalaman tungkol sa mga litrato.
Fast forward. . .
Dumating na ang unang araw ng pasukan bilang isang fourth year student. Medyo nakakangiti na uli ako at nakakasabay sa tawa ng mga kaibigan ko. Itinuloy ko ang part time job ko sa photoshop kaya wala halos akong oras na nag iisa.
Fast forward. . .
Dumaan pa ang mga araw at matatapos na naman ang school year. Lalo pa akong naging busy dahil graduating na ko.
Dumating sa akin ang isang magandang balita. Dahil sikat at nag- aral sa ibang bansa ang photographer na may ari ng shop na pinagtatrabahuhan ko. Nabigyan sya ng dalawang slot ng scholarship para mag aral sa France. At dahil napansin nya siguro ang pagkahilig ko sa mga litrato, binigay nya sa akin ang isang slot para sa scholarship.
Nakapasa naman ako sa ginawang pagsusulit kaya naaprubahan agad ang scholarship ko. Nagbigay rin ako ng sampol larawan na kinuha ko. Ipinasa ko ang larawan ni Joseph habang nakatalikod ito at nakatingin sa paglubog ng araw. Ito ang pinakapaborito kong nacapture na litrato. Nakatakda na ang aking pag alis, pagkatapos ng graduation naming sigurado na ang pag alis ko. Masaya ang mga magulang ko sa naging desisyon ko. Excited sila para sa akin. Marami na rin akong naiisip gawin. Higit sa lahat ako ang pinaka excited.
Nang araw graduation namin, hindi ko inaasahan ang bisita na pumunta sa bahay. Si Lian. Hindi ko alam ang rason kung bakit sya nagpunta dito.
“Maupo ka, sandali lang ha ikukuha kita ng juice.” -ako
Pagbalik ko dala ang juice. Sinabi agad ni Lian ang dahilan kung bakit sya pumunta.
“May cancer si Joseph, mahigit limang buwan na lang ang ilalagi niya dito sa mundo. Nakikiusap ako puntahan mo siya sa ospital.” -Lian
Nabitawan ko ang hawak kong baso.
“Ano bang sinasabi mo?” –ako
Habang pumapatak ang luha ko. At halos mapaupo dahil sa mga narinig ko.
“Palagi niyang hinihintay na dumating ka para bisitahin sya, pero ayaw nanam niyang ipasabi sayo ang totoo dahil masasaktan ka. Patawarin mo siya sa ginawa naming panloloko sayo. Yun lang kasi ang naisip niyang paraan para magalit ka sa kanya at kalimutan na siya. Mahal na mahal ka ni Joseph, sa mga panahong nahihirapan siya dahil sa sakit niya ikaw ang palagi niyang tinatawag. Mas pinili niyang kamuhian mo sya at maging masama ang tingin mo sa kanya para mas madali mo raw syang makalimutan. Habang siya, nilalabanan mag isa ang sakit nya dahil malayo ka sa kanya. Wala siyang ibang minahal kundi ikaw.” –Lian
Pagkarinig ko sa mga sinabi ni Lian nagmadali akong lumabas para puntahan si Joseph.
Nagulat si Joseph ng makita niya ako sa kwarto.
“Ang sama mo. Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi mo sinabi sakin yung totoo?!” –ako
Mga salitang nasabi ko habang umiiyak na nakatingin kay Joseph.
“Dahil alam kung masasaktan ka.” -Joseph
“Nasaktan ako ng bigla kang nawala, ng hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, ng makita kong masaya ka sa piling ng ibang babae.” -ako
“Pero nawala rin naman ang mga iyon hindi ba? Nakalimutan mo rin naman ang sakit diba? Makakahanap ka rin ng taong makakapalit ko sa puso mo. . .” -Joseph
“Hindi mangyayari yon dahil ikaw lang ang makakapagpasaya sa akin! Wala ng iba!” -ako
“Jasmin. .” -Joseph
“Alam mo ba kung gaano kasakit ang naramdaman ko ng sabihin mo sa aking maghiwalay na tayo dahil hindi mo na ako mahal?” -ako
“Akala mo ba hindi ako nasaktan ng sabihin ko iyon? Na sa tuwing titignan kita ay umiiyak ka. Na sa tuwing iiyak ka ay ako ang dahilan? Alam mo bang iyon ang unang beses na naramdaman ko ang mamatay?” -Joseph
Niyakap ko si Joseph.
“Sorry Joseph. Nagalit ako sayo, hindi ako nagtiwala sa mga sinabi mo sa akin noon. Sorry. Hindi na ako aalis sa tabi mo. Simula ngayon makakasama mo ako.” –ako
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Teenfikce“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...