-Joseph’s POV 3 years before-
“Tao po, ready na po ba si Jasmin?” –ako
Tanong ko habang pumapasok ako ng gate.
“Umalis na siya kani- kanina lang, hindi ba ikaw yung sumundo sa kanya kanina?” –Mrs. San Jose
“Hindi po, ngayon lang po ako dumating.” -ako
“Halika pumasok ka muna sa loob, baka pabalik na rin yon.” –Mrs. San Jose
“Alam kong hindi siya sasama sa hindi niya kilala, kaya wag kang mag alala.” –Mrs. San Jose
Mamaya- maya nag ring yung cellphone ng mama ni Jasmin.
“Oh Jasmin, asan kana?” –Mrs. San Jose
“Nakalimutan ko may pupuntahan nga po pala akong importanteng bagay, kaya po baka mamaya na ako makauwi mama.” -Jasmin
“Teka sino ba yung sumundo sayo kanina?” –Mrs. San Jose
“Wala po iyon isang kakilala ko lang.” -Jasmin
“Pero si Joseph, nandito na siya hinihintay ka.” –Mrs. San Jose
“Paki sabi na lang po na hindi kami matutuloy ngayon mama. Bye.” -Jasmin
“Nakakapagtaka naman, hindi pa sumisira sa usapan ang batang iyon, ngayon lang. Naku hijo, pag pasensyahan muna si Jasmin siguro eh importante talaga ang pupuntahan niyang iyon.” –Mrs. San Jose
Sumingit sa pagsasalita yung kapatid ni Jasmin.
“Nakita ko isang babae ang sumundo kay ate kanina, maganda siya at mukang nagtatrabaho sa isang opisina kasi maganda yung suot niya.”
Sa isip ko, wag naman si ate yung sumundo sa kanya.
“Sige po mauuna na ako.” –ako
Tumakbo na ako palabas. Nagmamadali na ako sumakay sa kotse habang dina-dial ang number ni Jasmin. Pero hindi nya sinasagot.
“Jasmin, sagutin mo na ang phone, please, Jasmin. . .” -ako
Pabulong na sabi ko pa sarili habang nagda-drive at palingon- lingon sa kalsada.
Hindi ko alam pero bakit parang sa Tagaytay ako pinipilit ng sarili ko na pumunta. Pinuntahan ko yung lugar kung saan una kaming nag date ni Jasmin. Sa paghahanap ko, nandun nga si Jasmin.
“Jasmin!” –ako
Sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.
Lumingon sya sa akin. Halos madurog ang puso ko ng makita ko siya na umiiyak. Kahit hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari, parang nararamdaman ko din kung ano mang sakit na nararamdaman ngayon ni Jasmin. Niyakap ko agad sya ng mahigpit na mahigpit. Na para bang pag ginawa ko ito ay mababawasan ang lungkot na nararamdaman ni Jasmin.
Pero lalo pang bumuhos ang mga luha ni Jasmin ng yakapin ko siya. Para siyang bata na nagsumbong ng nangyari sa akin.
“Engaged ka na pala? Bakit hindi mo sinabi sa akin. Bakit hinayaan mo parin akong magustuhan ka? Bakit wala kang sinabi? T_T” -Jasmin
“Simple lang, ikaw ang gusto ko at hindi siya. Ikaw ang gusto kong makasama at hindi siya.” -ako
“Tama ang ate mo, hindi tayo bagay. T_T” -Jasmin
“Ano ba ang nararamdaman mo? Di ba hindi naman ganon? Bakit hindi mo sinabi sa kanya na mahal natin ang isa’t isa. Bakit hindi ka nagpaliwanag? Hindi ba sinabi ko naman sayo na dapat ipaalam mo rin sa iba kung ano man ang nararamdaman mo, dahil nandito naman ako para suportahan ka.” -ako
“Hindi ko kayang gawin iyon pag wala ka sa tabi ko.” -Jasmin
Napangiti ako ng sabihin yun ni Jasmin.
“Pangako ko sayo Jasmin, lagi lang akong nandito sa tabi mo. Kaya maging malakas ka lang. J” -ako
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Teen Fiction“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...