CHAPTER EIGHT

33 1 0
                                    

-Jasmin’s POV 3 years before-

Hindi ako nakasagot agad. Nagulat ako sa nabasa ko. Pero alam ko na dahil ito sa sobrang saya. Tumakbo ako papunta kay Joseph. Niyakap ko sya.

“Hindi na uli ako tatakbo papalayo sayo. Lagi akong nandito sa tabi mo.”

Yun ang mga salitang nasabi ko sa kanya. Hindi ko rin kasi alam ang gagawin o sasabihin ko. Basta yun ang nasabi ko eh.

Maraming mga babae rin ang nakabasa ng mga salita sa monitor, kinikilig sila. Feeling ko napaka espesyal ko dahil para sa akin ang mga salitang yun.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng studio. Ito ang unang pagkakataon na humawak ako sa kamay ng isang lalaki. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang saya ng pagiging inlove, at ito ay dahil sa kanya.

-Joseph’s POV 3 years before-

Ito ang unang pagkakataon na nagtiwala ako ibang tao. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang sorang saya, at ito ay dahil sa kanya.

-Jasmin’s POV present time-

“Si Joseph lang ang nagparamdam sa akin ng akwardness pero siya rin lang ang nagparamdam sa akin ng sobrang kaligayahan. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako mag bo-boyfriend hanggang makatapos ako ng college, na hindi ako magbabago. Pero kagaya nga ng sinabi niya, “Mararamdaman mo yon sa sarili mo, hindi mo maipaliliwanag kung anong klaseng saya ang mararamdaman mo kapag malapit ka sa bagay na gusto mo. Hindi mo iyon mapipigilan.”

-Jasmin’s POV 3 years before-

First day of school na para sa second semester. Nag lalakad ako papasok ng university, biglang may humintong sasakyan sa tabi ko. Bumukas yung pinto at nakita ko na lumabas mula doon si Joseph. Walang anu- ano hinawakan ni Joseph ang kamay ko at hinigit ako papasok sa sasakyan.

“Teka Joseph san tayo pupunta? May klase ako ngayon.” -ako

“Mahal mo ba ako Jasmin?” -Joseph

“Uhm.” –ako

Sagot ko habang iniisip kung saan kami papunta.

Hindi ako sinagot ni Joseph. Tumingin lang sya sa akin ng nakangiti.

May tiwala ako kay Joseph, alam kung mahal niya ako. Kaya ngumiti rin ako sa kanya at inenjoy ang biyahe.

-Jasmin’s POV present time-

“Ang mga ngiting iyon ni Joseph ang nagpapagaan ng loob ko ang nagpapawala ng takot ko. Tanging siya lang ang nakakagawa ng mga bagay na iyon.”

-Joseph’s POV 3 years before-

Mahigit dalawang oras ang byahye papuntang Tagaytay. Pero sulit naman dahil maganda ang lugar.

“Ito ang unang date natin, dapat maging masaya ka Jasmin. J”

Ngiti lang din ang isinagot nya sa akin. Namasyal kumain at kumuha kami ng maraming litrato. Kapansin- pansin kay Jasmin ang saya habang kumukuha ng litrato.

PRECIOUS PHOTOS: My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon