-Lian’s POV 3 years beore-
Nagmamadali akong pumunta sa bahay nila Joseph. Sinabi ko agad kay ate Marianne at sa dad nila. Halos mahimatay si Mariane ng marinig ang sinabi ko. Hindi naman nakapag salita sa pagkagulat ang dad nila. Hindi nila agad ipinaalam kay Joseph na alam na nila ang totoo. Pumunta kami sila sa ospital upang malaman pa ang ibang impormasyon.
“Ano po ang maaari pa naming gawin?” -Marianne
“Ang dapat ninyong gawin ay kumbinsihin si Joseph na magpadala siya dito sa ospital, para maisagawa naming ang mga test sa kanya upang malaman naming ang mga maaaring sulosyon.” -doktor
Nagpatuloy pa ang kanilang usapan. Gustong dalhin ni ate Mariane si Joseph sa Amerika, nagbabaka sakali siyang mas mapapagaling si Joseph doon.
Pag dating naming sa bahay ng mga Chua. Nakangiting sinalubong kami ni Joseph.
“Bakit parang malungkot kayo ate, Dad, Lian?’ -Joseph
Dali- daling niyakap ni ate Mariane si Joseph.
“Ngayon mo lang ako tinawag na ate simula nung namatay si Mommy. Namis ko yan Joseph.” –Marianne
Napakalungkot ng aura ng bahay nila sa mga oras na ito. Umiiyak si ate Marianne at tahimik naman na nalulungko ang dad nila.
“Bakit ka umiiyak, simula ngayon tatawagin na kitang ate uli kaya wag kanang umiyak.” -Joseph.
Lalo pang humigpit ang yakap ni Mariane kay Joseph.
“Ate, hindi na ako makahinga sobrang higpit na ng yakap mo.” -Joseph
“Joseph kakausapin ka naming ng kapatid mo.” –Mr. Chua
“Galing kami sa ospital, alam na naming ang lahat. Joseph mahal ka naming gusto ka pa naming makasama ng matagal. Kaya sana sundin mo ang sasabihin sa atin ng doktor. Please Joseph.” –Mr. Chua
“Dad, alam naman ninyong hindi ako komportable sa lugar na iyon.” -Joseph
“Pero Joseph naman.” –Mr. Chua
“Dad, tama na.” -Marianne
“Pwede ko po bang maka usap si Joseph?” -ako
“Sige mag usap muna kayo. Dad doon muna tayo.” -Marianne
“Inaalalala mo siya diba? Iniisip mo kung ano ang mararamdaman niya hindi ba? Hanggang sa mga oras ito ang mararamdaman niya ang pinapahalagahan mo.” -ako
“Hindi ba dapat nga magpagaling ka para makasama mo pa siya ng matagal?” -ako
“Gusto kong makipaghiwalay sa kanya bago ako pumasok ng ospital.” -Joseph
“Hindi ba ngayon mo siya mas kailangan, bakit mo gagawin iyon? Sa tingin mo ba hindi siya masasaktan kung sakaling mabalitaan niya na wala kana?” -ako
“Ayaw kong umasa pa siya at mas masaktan. Kung ngayon ko na ito tatapusin alam kong kaya na niyang mag isa at makakahanap na siya ng taong hindi magkakasakit para sa kanya. Masaktan man siya ngayon alam kong mawawala rin iyon at tuluyan na niya akong makakalimutan.” -ako
“Kaya okay lang na lumaban kang mag isa at ikaw ang sobrang masaktan? Hehe. Noon akala ko dati nasa akin na lahat, na dahil mayaman ako makukuha ko kung ano man ang gustuhin ko, na ako ang dapat kainggitan. Ngayon alam ko na na mali pala ako, na sa dinami- dami ng tao sa mundo sa kanya pala ako makakaramdam ng inggit.” -ako
“Lian.” -Joseph
“Okay lang wag kang makonsiyensya, una palang naman sinabi mo na sa akin diba. Ako ang may gustong umasa, kaya hindi mo yon kasalanan.” –ako
Humingi ng pabor sa akin si Joseph. Ewan ko bas a sarili ko pero bakit hindo ko sya mahindian. Kahit alam kong masasaktan ako, hindi ko matiis si Joseph.
“Pwede bang tulungan mo ako? -Joseph
“Oo ba kahit ano.” -ako
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Teen Fiction“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...