CHAPTER FIVE

33 1 0
                                    

-Joseph’s POV 3 years before-

Noong sinagot ko yung tanong niya sa akin, naalala ko bigla ang pinaka malungkot na pag- uusap para sa akin.

 “Mama. . .” umiiyak na tawag ng isang 12 gulang na lalaki sa kanyang ina na nakahiga sa kama sa loob ng ospital.

“Anak, wag kang umiyak. Kahit wala na ako tandaan mo na palagi ko kayong babantayan. Mula sa langit asahan mong palagi akong nakatingin sa inyo. Mahal na mahal ko kayo kaya pangako ko yan. Tahan na, dapat maging matapang at malakas ka. Huwag mong hayaan na isipin ng iba na mahina ka, dahil sa mga susunod na panahon wala na ako para suportahan at ipagtanggol ka.” tugon naman ng ina sa anak.

-Jasmin’s POV 3 years before-

Nakatingin ako sa kanya habang sinasabi niya sa akin ang kanyang sagot. Naramdaman at nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot. Parang may inaalala siyang malungkot na pangyayari.

“Malay mo mahuli at makunan ko siya ng litrato na nakatingin nga sakin diba.” –Joseph

Dugsong niya na sagot sa akin ng tila mawala na sa isip niya ang malungkot na pangyayaring iyon.

Hindi ko parin maintindihan ang sinasabi nitong lalaki na to. Sinong siya? Sinong nakatingin? Bakit nasa langit? Ang dami kong hindi naintindihan sa sagot niya. Ngunit napangiti na lang ako, parang nawala ang pagkatakot ko sa kanya, bukod kasi sa gwapo siya, magandang ngiti, maganda rin ang boses niya. Kaya naman pala ang dami kong naririnig na mga babaeng siya ang pinag- uusapan.

“Eheh. Hindi mo naintindihan noh? Willing kabang pakinggan ang kwento ko para mas maintindihan mo?” –Joseph

“Uhm, ano ba yon?” -ako

-Joseph’s POV 3 years before-

“May isa kasing 12 years old na batang lalaki. Malapit siya sa kanyang ina, siguro dahil dito naging mahina at iyakin siya. Kasi alam niya na andyan ang kanyang mama para ipagtanggol siya. Isang araw nalaman niya na malapit ng mamatay ang kanyang mama, sa sobrang lungkot palagi siyang umiiyak. Dahil don kinausap siya ng kanyang mama na maging matapang dahil kahit na wala na siya, palagi parin niyang babantayan ang kanyang anak mula sa langit.”

Tumawa ako ng medyo malakas dahil napansin kong hindi parin niya ito maintindihan.

-Jasmin’s POV 3 years before-

Sino ba sila? Ano ba ang kinalaman nila sa tinatanong ko? Bakit may batang umiiyak? Mga tanong sa isipan ko. Parang lalong gumulo at hindi ko na lalo maintindihan kung bakit puro langit ang kinukunan niya ng litrato.

“Sigurado ba silang kasama ka nga sa Dean’s Lister? J” -Joseph

Tanong niya sa akin kaya bigla akong napatingin sa kanya.

“Anong sabi mo!?” -ako

Ngumiti siya at iba ang isinagot sa akin.

“Ganito nalang, pag dumating yong panahon na ikaw ang mapalagay sa katayuan ng batang lalaking iyon sigurado ako na maiintindihan mo na ang kwento ko.” –Joseph

 “Um.” –ako

Hindi ko talaga makuha yung sinassabi niya.

“Parang hindi mo na ako ngayon iniiwasan? Dati parang takot na takot ka sa akin? Hindi ko nga malaman kong bakit ka ganon e, yung ibang mga babae gumagawa pa ng paraan para makausap ako, ikaw lumalayo pa.” -Joseph

Napangiti si ako sa sinabi niyang iyon.

“Nagkamali ako ng pagkakakilala sayo, hindi ka naman pala ganoon nakakatakot, konti lang.” -ako

Nagkatinginan at napangiti kami sa isa’t isa.

“Joseph.” –Joseph

Habang inaabot nya ang kanyang kamay sa akin.

“Pati pangalan mo hindi naman pala nakakatakot, Jasmin ang pangalan ko.” -ako

“Hmmm. Alam ko. Kahapon ko pa alam, nung mabangga mo ako.” –Joseph

Nakangiti sya habang nagpapaliwanag sa akin.

Nagtaka ako.

“Pano mo nalaman? –Jasmin

“Ipinagtanong ko. J” –Joseph

“Alam mo na rin ba na ako ang nakakuha na camera mo?” –Jasmin

“Oo, nakita ko kasi na hawak mo yan ng pumunta ka sa Arts Studio.” –Joseph

Dumaan pa ang mga araw. Hindi namin napapansin na nagiging palagay na ang loob namin sa isa’t isa. Palagi kaming magkatawagan sa cellphone na parang hindi nauubusan ng pagkukwentuhan. Bakas sa aming mga mukha ang saya na nararamdaman dahil sa isa’t isa.

Sa Cafeteria nagkita- kita kami nina Christine at Mae. Alam kong nagtataka sila sa kakaibang sigla at saya ko.

“Ngayon ka lang namin nakitang ganyan? J” -Christine

“Oo nga. Inlove ka noh? J” -Mae.

“Inlove?” –ako

Sagot ko naman na may pagtanggi pa.

“Kay Joseph ano?” -Mae

“Dati- rati ayaw mong lumapit sa kanya dahil natatakot ka ngayo. . . “

Naputol na sabi ni Christine dahil sa pagtatanggol na paliwanag ko.

“Nagkamali ako noon, mas lamang pala ang gentle side nya.”

“Inlove ka nga Jasmin.” -Mae

“Inlove ako? J”

Pabulong na tanong ko sa sarili pero halatang kinikilig naman.

-Jasmin’s POV present time-

“Yoon ang unang pagkakataon na sigurado ako sa aking nararamdaman na may gusto ako kay Joseph.”

PRECIOUS PHOTOS: My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon