CHAPTER TWENTY ONE

29 1 0
                                    

-Jasmin’s POV 3 years before-

Kinabukasan bago ako pumunta ng ospital dumaan muna ako sa simbahan. Nagdasal ako, ipinakiusap kong huwag munang kunin si Joseph.

Pagkadating ko sa kwarto ni Joseph nakabihis ito ng panlabas at mukang may pupuntahan. Naki usap ito na lumabas ng ospital para mamasyal kasama ko.

“Jasmin andyan ka na pala, gusto ko sanang mamasyal sa labas, pwede mo ba akong samahan?” -Joseph

“Oo naman.” -ako

Inihataid kami ng sasakyan nila Joseph sa dati naming pinapasukan na University. Pumunta kami sa studio ng Arts Club. Inalala namin ang mga pangyayari na naganap doon.

“Dito mo ako tinanong kung gusto kitang maging boyfriend diba? Naaalala ko pa ang mga sandaling iyon. Alam mo bang napakasaya ko ng tanungin mo ako.” –ako

Masayang pagkukwento ko.

“Oo naaalala ko rin iyon. Alam mo ba kung bakit naghanda ako na mini exhibit ng mga kinunan kong litrato noong nagpropose ako sayo?” -Joseph

“Para maganda yong background?” -ako

“Hahaha. Nagtataka talaga ako kung talagang matalino ka?” -Joseph

“Anong sabi mo?” –ako

Naalala ko bigla ang mga panahong malakas at napakaganda pa ng mga ngiti ni Joseph. Sa tuwing tinatanong nya ako kung dean’s Lister ba talaga ako.

“Si mama, sinabi niya sa akin na nandoon lang siya sa langit, nakatingin sa akin. Kaya naman hinanay ko lahat ng nakunan kong larawan ng langit, kahit saan pa si mama na nandoon ng mga oras na iyon sigurado akong nakita niya ang taong gusto kong makasama habambuhay. Sigurado akong nakilala ka niya.” –Joseph

Paliwanag ni Joseph habang nakangiti sa akin, pero malungkot na ang mga ngiti niya ngayon hindi na tulad ng dati na napakasigla.

Naglakad lakad na uli kami, hanggang makarating kami sa gate ng University. Umupo kami sa bench na bagong lagay sa gilid ng gate.

“Naglagay na pala sila dito ng mga upuan.” -ako

“Sa gate na ito una tayong nagkita. Dito ko napulot ang camera mo na naging dahilan kung bakit tayo ngkakilala. Dito rin tayo nagpasyang huwag pumasok at mag date na lang hindi ba?” -ako

“Oo at mula naman sa classroom namin dito ako nakatingin at hinihintay ka na pumasok at lumabas sa gate na ito.” -Joseph

“Talaga ginagawa mo yun?” -ako

-Jasmin’s POV present time-

Ngumiti si Joseph sa akin. Isang napaka maaliwalas na pagngiti ang nakita ko ng sandaling iyon. Sumandal si Joseph sa akin kasabay nito hinawakan din niya ng mahigpit ang kamay ko.

-Jasmin’s POV 3 years before-

“Marami na pala tayong alaala sa gate na ito. Kaya mag pagaling kana para makagawa pa tayo ng mas marami pang alaala hindi lang dito kundi sa iba pang mas magagandang lugar ha Joseph?” -ako

Dahan- dahang lumuwag ang pagkakahawak ng kamay ni Joseph sa kamay ko, hanggang sa tuluyan na itong bumitaw.

“Joseph. . Joseph. . Joseph!” -ako

Sigaw ko habang unti- unting tumutulo ang aking mga luha.

Namatay si Joseph sa gate ng University, ang lugar kung saan una rin kaming nagkita.

PRECIOUS PHOTOS: My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon