CHAPTER TEN

34 1 0
                                    

-Jasmin’s POV 3 years before-

Simpleng damit lang ang suot namin nila Mae at Christine. Hindi kasi kami sanay sa mga ganito. Kaya naman medyo nahiya ako ng tabihan kami nila Micheal at Calvin at nung iba pa nilang friends. Nagpakilala kasi sila sa amin. Mayayaman at may mga kaya rin sa buhay ang mga kaibigan ni Joseph. Katulad ni Joseph mga sosyal at matataas din ang katayuan nila sa buhay pero katulad din ni Joseph, masayahin at palakaibigan din pala sila kaya mabilis na naging palagay ang loob namin.

-Jasmin’s POV present time-

“Dahil kay Joseph, nadagdagan ang mga mabubuti kong kaibigan, dahil sa kanya natuto akong maki salamuha sa iba’t ibang klase ng tao.”

-Jasmin’s POV 3 years before-

Nag hanap ako ng CR dahil gusto ko rin naman na maging maganda sa paningin ng iba lalong- lalo na kay Joseph. Maglalagay sana ako ng konting make- up. Pero pagtapat ko sa pinto sa banyo.

“Yun pala yong bagong girlfriend ni JM?” –girl 1

“Oo nga, walang kadating dating. Akala ko pa naman mataas ang standards niya sa babae.” –girl 2

“Mataas nga. Napaka ganda kaya ng ex- girlfriend nya. Mukang model.” –girl 3

“Tapos yun lang ang ipinalit nya?” –girl 2

“Hahahaha, baka ginayuma nung girl. Hahahaaha.” –girl 3

Dahil sa mga narinig ko na pag uusap. Hindi na ako tumuloy sa pag pasok sa banyo. Imbes ay dumiretso ako pabalik kung nasaan si Joseph.

“Joseph, bakit mo ginawa yun?” -Jasmin

“Ang alin?” -Joseph

“Ang ipakilala ako sa mga tao? Hindi kaba nahihiyang malaman nila na isang simpleng estudyante lang ang girlfriend mo?” -ako

“Ikaw, nahihiya kabang ako ang boyfriend mo? Maloko at parang walang direksyon sa buhay?” -Joseph

Umiling lang ako.

“Kung ganon bakit ako mahihiyang ipakilala ka bilang girlfriend ko?” –Joseph

Seryosong sagot nya.

“Hindi ba kasama ka mga dean’s lister? Hindi ba virgin ka pa? At cute ka naman ah.” –Joseph

“Joseph!” –ako

Nahihiyang sigaw ko.

-Joseph’s POV 3 years before-

Tumawa ako ng mahina dahil sa reaksyon ni Jasmin. Halata kasing nahihiya siya ng sabihin ko na virgin pa siya. Grabe college na sya pero nagba blush parin at nahihiya si Jasmin kapag tungkol sa mga maseselang bagay ang pinag uusapan.  J

PRECIOUS PHOTOS: My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon