-Joseph’s POV 3 years before-
“Nasan ako?” –ako
“Nandito ka sa ospital, bigla ka nalang nahimatay kagabi.” -Lian
“Oo nga pala.” -ako
“Stressed ka raw sabi ng doktor, pahinga raw ang kailangan mo, alam na ng ate at dad mo na nandito ka nasabi ko na sa kanila. Nasabi ko na rin pala kay Jasmin na nandito ka, don’t worry hindi ko sinabi sa ate mo. So Jasmin pala ang name niya, sorry ha pero nakita ko na yung picture niya ng tinawagan ko si ate Mariane.” -Lian
“Kung wala ka ng kailangan aalis na muna ako. Uuwi muna ako para magpalit ng damit, hindi na kasi ako nakapasok manlang sa bahay dahil nahimatay ka eh.” –Lian
Nakangiti si Lian ng magpaalam sya sa akin.
Hindi ako sumagot sa kanya. Kaya tumalaikod na sya at nag lakad na palabas ng kwarto ko. Pagkaalis ni Lian. Pumasok naman ang doktor ko.
“Good morning Mr. Chua.” -doktor
“Ang swerte mo naman sa girlfriend mo, binantayan ka niya buong gabi. Sana ganyan parin siya kapag nalaman niya ang tungkol sa sakit mo.” -doktor
“Sakit po? Anong sakit po?” –ako
nabiglang tanong ko.
“Kailangan natin itong i-discuss mamaya kapag nandito na ang guardian mo hijo.” -doktor
“May kinalaman po ba ito sa madalas kong pagkahilo?” -ako
“Actually oo.” -doktor
“Doc, gusto ko na pong malaman kung ano yun.” -ako
Ilang minute din nyang pinag isipan kung sasabihin na ba niya yun sa akin ng wala ang guardian ko, pero nasa legal age naman na ako kaya sinabi na rin nya sa akin.
“Meron kang cancer hijo, malala na ito. Curable sana ito kung naagapan pero ngayong malala na ito tanging ang magagawa nalang ng mga gamot ay para mabawasan ang sakit na mararamdaman mo sa mga susunod pang mga araw.” -doktor
Hindi ako nakapagsalita sa pagkagulat.
“Ang nangyari sa iyo kagabi ang ikalawang sintomas na malala na ang sakit mo, ang sabi mo kanina madalas kang nahihilo hindi ba, iyon ang unang sintomas. Sana nagpatingin ka na ng maramdaman mo ang palaging pagkahilo.” -doktor
Likas na hindi ako komportable na pumunta ng ospital dahil sa namatay si mama sa ospital. Sa tuwing napapapunta ako sa lugar na to hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga sandaling yun. Namatay si mama dahil sa cancer din. Natatakot akong malaman na isang araw katulad ni mama may sakit din pala ako. At ngayon, narinig ko mismo sa doktor na may sakit nga ako. Halos matumba ako sa pagkakaupo. Hindi ko alam ang gagawin. Nablangko bigla ang utak ko.
Ayoko kong malaman nila dad na may sakit ako.Sinabi ko sa doktor na wag sasabihin kay dad at Marianne ang tungkol dito. Hindi ko pa alam ang gagawin kaya ayaw ko pang malaman nila o ng kahit sino.
Ilang araw din akong hindi pumasok sa university, ni hindi nagparamdam kay Jasmin at kahit sa kina Micheal at Calvin. Napansin ni Marianne na Nagkukulong lang ako sa kwarto kaya narinig ko na humihingi siya ng tulong kay Lian.
“Kamusta na kayo ni Joseph?” -Mariane
“Hindi pa kami nagkikita ni Joseph simula ng makalabas siya sa ospital ate.” -Lian
“Akala ko gusto na ninyo ang isa’t isa? Hinatid ka pa nya diba?” -Marianne
Napatawa si Lian at nagtanong.
“Bakit hindi po ba siya ganoon dati?” -Lian
“Hindi, kaya ang akala ko eh gusto ka nya.” -Mariane
“Hindi po ako ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Natitiyak ko pong hindi ako ang dahilan ng kanyang pagbabago. Habang nasa kotse kami sinabi niya sa akin na wag na akong umasa sa kanya dahil may mahal siyang iba.”-Lian
“Kahit na ganoon maaari mo ba akong tulungan na malaman kung ano ang nangyayari sa kanya, mahigit isang lingo na siyang hindi pumapasok, nag aalala na kami ni Dad.” –Marianne
Binisita nga ako ni Lian. Nagtatanong kung ano ba ang nangyayari sa akin. Pero kahit kay Lian hindi rin ako nagsabi ng totoo. Hindi na sya nagpumilit pa na tanungin ako.
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Teen Fiction“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...