-Joseph’s POV 3 years before-
“Alam kong alam nila Marianne at papa ang tungkol ka Jasmin.” –ako
“Buti alam mo, palagi ka kayang tinatanong sa amin ni ate Marianne. Pinapabayaan ka pa nila ngayon eh pano kung makialam na sila?” –Micheal
“Kaya kung ako sayo ipakilala mo na si Jasmin bago kapa maunahan ni Marianne na puntahan at kilalanin si Jasmin. Kilala nating lahat si Marianne, baka kung ano ang masabi nya kay Jasmin.” –Calvin
Sila Micheal at Calvin ang mga bestfriends ko. Kilala na namin ang isa’t isa simula pa noong bata kami. Kaya kung meron man na nakakakilala sa akin ng lubusan, sila yun. Sa aming tatlo si Micheal ang pinakamatalino, masipag syang mag- aral at matino sa buhay. Si Calvin ang pinakamatanda sa amin, isa na syang businessman sa eded nyang 23. Katulad ko medyo presko rin sya pero strict pag dating sa negosyo. Alam nila ang kwento ng buhay ko kaya naman naiintindihan nila ako.
Pinuntahan ko si Jasmin sa classroom nya para ipaalam na ipapakilala ko siya sa pamilya ko.
“Gusto kong ikaw naman ang makilala ng papa at kapatid ko.” -Joseph
Nakatingin lang sa akin si Jasmin. Alam kong hindi nya alam ang isasagot nya sa akin. Alam kong wala syang idea sa mga ganong sitwasyon, na sya naman ang ipapakilala.
“Ngayong weekends nandito sila, susunduin kita para makilala mo na sila.” –Joseph
-Jasmin’s POV3 years before-
Ito na ang araw na ipapakilala ako ni Joseph. Hindi ko alam kung ano ang magiging tingin nila sa akin. Pero sana katulad din sila ni Joseph. Nakakatakot pero sweet. J
“Andyan na yata si Joseph.” –ako
Sabi ko sa sarili ko kasi may nakita na akong pumarada na kotse sa labas.
Tumakbo ako palabas para salubungin si Joseph, pero nagulat ako ng hindi si Joseph ang bumaba mula dun sa kotse. Hindi sya pamilyar sa akin pero maganda at mukha namang mapagkakatiwalaan. Siya pala ang nakakatandang kapatid ni Joseph. Pinasakay nya ako sa sasakyan, hindi ko alam kung saan kamin papunta. Pero sumakay na rin ako at naghintay na mag salita sya sa akin.
Pumasok kami sa isang restaurant, mukhang mamahalin at pang mayaman talaga. Nakatungo ako at nakaupo ng bigla na syang magsalita.
“Jasmin, hindi kita gusto para sa kapatid ko, isa pa engaged na siya sa babaeng nararapat niyang pakasalan kaya ako na ang nag sasabing itigil na ninyo ang kung ano mang relasyon ang namamagitan sa inyo.” –Marianne
Napatitig lang ako ng sabihin nya yun sa akin.
“Inaamin ko hindi nya gusto ang mapapangasawa nya kaya siguro kung anu- anong nga bagay ang ginagawa niya, pero kilala ko ang kapatid ko at naniniwala akong hindi ikaw ang taong gusto niyang makasama habambuhay.” –Marianne
Bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi ko akalain na ganito ang magiging pakitungo nya sa akin.
“I’m sorry pero masasaktan kalang sa huli, kaya sinasabi ko na ito habang maaga pa.” –Marianne
“Ganon po ba? pasensya na po pero maaari na po ba akong umalis?” –ako
Yun lang ang nasabi ko, pagkatapos tumayo na ako.
“Uhm, yon lang naman ang sasabihin ko kaya sige, makakaalis kana.” -Marianne
Tumakbo ako palabas ng restaurant.
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Teen Fiction“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...