CHAPTER TWENTY TWO

25 1 0
                                    

-Jasmin’s POV present time-

Maraming pumunta sa burol ni Joseph, nandoon ang kanyang mga kaibigan at kaklase. Lahat sila ay malungkot sa pagkawala ng kaibigan na katulad ni Joseph. Maloko, mahilig sagimmick parang walang direksyon ang buhay yan ang mga karakter na tingin ng mga taong hindi lubusang kilala si Joseph. Masayahin, sweet, my isang salita at mahal na mahal si Jasmin, yan naman ang pagkakakilala ng mga kaibigan at mga taong malalapit sa kanya. Palagi kong naaalala ang mga ngiti na tanging sya lang ang may kakayahang gumawa. Ang mga yakap na palagi ko paring hinahanap- hanap ay hindi ko na muling mararamdaman pa. Dahil sya na nag bago sa akin ay wala na.

-Jasmin’s POV 3 years before-

Dumating ako sa burol ni Joseph ng napakalungkot. Halos hindi maipaliwanag ng aking katawan ang sobrang sakit na nararamdaman ko. Dahan- dahan akong lumapit sa kinalalagyan ng katawan ni Joseph. Tahimik na umiiyak. Nakatingin sa mukha ng taong buong buhay kong mamahalin.

“Bakit napakasama mo? Bakit ginawa mo sakin ito? Bakit iniwan mo na naman ako?” –ako

Sumbat ko kay Joseph habang tuloy- tuloy ako sa pagiyak.

“Jasmin anak.” –mama

“Paano na naman ako magsisimula?” -ako

-Jasmin’s POV present time-

Nakaupo sa unahan ang ate at ama ni Joseph. Nakatingin sila sa akin. Naawa sa akin, naiintindihan nila ang sakit na dinaramdam ko ng mga panahong yun. Dahil tulad ko, mahal na mahal din nila si Joseph.

Alam ko ng mga sandaling iyon lubusan na nilang naintindihan ang pagmamahalan naming ni Joseph at Jasmin. Pero huli na ang lahat, naintindihan nila yun ng mga panahon na ako naman ang hindi lubusang makaintindi sa mga pangyayari.

-Marianne’s POV 3 years before-

Nalala ko bigla ang mga sinabi ng doktor ni Joseph.

“Sumusuko na ang katawan ni Joseph, ngunit parang ayaw pang sumuko ng isipan nito. Parang ayaw pa niyang umalis dahil sa inyong maiiwan niya. Napakalaki ng kanyang pagmamahal, para magawa niya ang mga bagay na ganito. Sa nakikita ko sumaya at medyo sumigla siya ng dumating ang babae na kasama niya ngayon na mamasyal sa labas.” –doktor

-Jasmin’s POV present time-

Natapos ang araw na yun na parang katapusan na rin ng mundo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahong yun. Hindi ako lumabas ng kwarto ng halos isang linggo. Mas pinili kong mag isa at alalahanin ang mga panahong Masaya kaming dalawa sa isa’t isa.

Ng unang araw ng ikalawang linggo ng pagkamatay ni Joseph pumunta si ate Marianne sa aming bahay para bumisita sa akin.

-Jasmin’s POV 3 years before-

“Nandito ako Jasmin para humingi sa’yo ng sorry.” –Marianne

Malumanay nyang sabi sa akin habang tulala parin akong nakikinig sa kanya.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Tumulo lang ang luha ko. Nakita nya yun, pinunasan nya ang mga luha sa mata ko. May ibinigay syang maliit na box. Gamit daw yun ni Joseph noong panahong nasa ospital pa sya.

“Araw- araw si Joseph na nagsusulat. Hindi namin alam kung para saan at kanino ang mga sulat na yun hanggang sa panahong dumating ka. Sinabi nya na ibigay ko ito sa’yo sa oras na mawala na sya. Doon naming naisip ni dad kung gaano ka nya kamahal para pilitin ang sarili nya na mag sulat kahit nahihirapan sya.” –Marianne

Tumingin ako kay ate Marianne. Ang malungkot kong mga mata ang nag sabi sa kanya hindi ko kayng wala si Joseph.

“Ngayon alam ko na kung bakit nabuhay si Joseph. At yun ay para makilala ka, at Masaya akong nakilala ka nya. Masaya akong ikaw ang naging dahilan kung bakit nakasama namin si Joseph ng 22 years.” –Marianne

Niyakap ako ng mahigpit ni ate Marianne. Sinabi nya sa akin na maging malakas ako at Masaya dahil alam nya na ganun din ang gusto ni Joseph para sa akin.

PRECIOUS PHOTOS: My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon