CHAPTER TWO

37 2 0
                                    

-Jasmin’s POV 3 years before-

Nagtama ang mga paningin namin, pero mabilis ko ding inalis ang pagkakatingin ko sa kanya. Pero siya, nararamdaman ko na nakatingin pa rin sa akin. Para bang may dumi ako sa mukha at hindi naaalis ang pagkakatingin niya sa akin. Kaya nakatungo ako na humingi ng pasensya sa kanya. Hindi ako sanay na tumingin sa mga taong hindi ko kilala e di lalo na yung ako ang titigan. Naalis lang yung pagkakatingin niya ng tawagin na siya ng mga kasamahan niya.

-Joseph’s POV 3 years before-

Ito ang unang araw ko sa University na ito, pero dahil sa mayaman at sikat ako marami na agad na nagpakilala at gustong makipag kaibigan sa akin. Nakakasawa na sa dati kong school. Nag enroll ako dito para maiba naman ang paligid. Gusto kong malaman ang feeling na sa public university pumapasok.

Sa gate nabangga ako ng isang babae. Hindi ko maintindihan pero bakit parang ayaw kong alisin ang tingin ko sa kanya. Ni hindi ko siya kilala pero bakit ganito? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Parang wala akong ibang nakikita at naririnig ngayon, siya lang at ang malambing niyang boses na humihingi ng sorry.

-Jasmin’s POV 3 years before-

“Ayos ka lang?” –Christine

“Oo, ayos lang.” -ako

“Cute pala sya?” -Mae

“Sino?” -Christine

“Yung lalaking nabangga ni Jasmin, transferee siya galing sa isang exclusive school. Maykaya ang pamilya niya. Kaya lang presko, maloko at walang interes sa pag- aaral kaya siguro inilipat siya sa public school. At least magloko siya, hindi masyadong malaki ang masasayang na tuition fee diba? Hahaha.” -Mae

Pagkarinig ko sa mga sinabi ni Mae, napatingin muli ako sa direksyon kung saan naglakad palayo na sa aming tatlo yung lalaki. Nagtataka kong iniisip kung bakit ganon ang ugali niya. Tila bigla akong naging interesado malaman ang sagot sa mga tanong ko. Habang nakatingin ako sa kanya, lumingon rin siya sa akin at nagkatinginan kami. Nagulat at umiwas muli ako ng tingin sa kanya. Pag iwas ko ng tingin napansin ko ang isang maliit bag.

Ano to?” -ako

Tanong ko habang ko itong maliit na bagay na to.

Bubuksan ko na sana ang bag ng bigla na akong tawagin nila Mae.

“Jasmin, halika na mahuhuli na tayo!” -Mae

“Oo andyan na.” -ako

Tumakbo na ako papunta sa kanila.

Mabilis lang natapos ang klase namin ng araw na iyon. First day of school kasi, kaya nagpakilala lamang ang mga bagong profs at nag discuss ng mga learning objectives para sa semester na iyon. Bago umuwi hobby ko na, na dumaan sa studio ng Arts Club. Hindi ko alam sa ko sarili kung bakit palagi akong pumupunta doon pero kapag nandito ako para bang nagiging masaya ako. Masaya ako na pinapanood ung members ng club na masaya rin sa kanilang ginagawa. Nagkakaroon ako ng insperasyon na malaman din ang kanyang craft na ipagmamalaki ko. Hindi naman kasi ako matalino, nag aaral lang ako ng mabuti kaya medyo matataas ang grades ko. Gusto ko kasing maging masaya ang mga magulang ko. Pero ako sa sarili ko, hindi gaanong masaya, parang may kulang.

“Paano ba ninyo nalaman na yan ang gusto ninyong gawin? Ako kaya?”

Tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa loob ng Arts Studio mula sa bintana.

PRECIOUS PHOTOS: My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon