-Jasmin’s POV present time-
Nang mga panahong yun, nawala sa isip ko na yun ang araw ng graduation ko. Ang tanging naisip ko lang ay ang mapuntahan si Joseph. Hindi ako naka attend ng sarili kong graduation ceremony.
-Lian’s POV 3 years before-
Tahimik akong nakikinig at umiiyak sa labas ng kwarto. Ngayon handa na akong umalis.
-Jasmin’s POV 3 years before-
Hindi napansin ko ang oras. Marami akong ikinuwento kay Joseph. Katulad ng dati, para akong bata na nagsumbong sa taong magtatanggol sa akin.
Tinatawagan na pala ako ng mga magulang pero hindi ko ito nasagot.
Nang umuwi ako sa bahay kinagabihan.
“Bakit hindi ka pumunta sa sarili mong graduation ceremony? May mas mahalaga pa bang bagay ang pinuntahan mo kanina?”-mama
“Si Joseph, si Joseph mama. . .“ –ako
Habang tumutulo ang luha ko.
Ipinaliwanag ko lahat ang mga totoong pangyayari.
“Hindi na po ako tutuloy sa France. Gusto kong alagaan si Joseph. Gusto kong bantayan sya araw- araw. Gusto kong mabayaran namin ang mga araw na nagkahiwalay kami.” –ako
“Anak hindi kaya awa na lang ang nararamdaman mo sa kanya?” –mama
“Hindi po mama. Kailanman hindi nawala ang pagmamahal ko para kay Joseph.” –ako
Sa una ay hindi pumayag ang mga magulang ko. Pero dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman ko pumayag na rin sila.
-Jasmin’s POV present time-
Araw- araw pumupunta ako sa ospital para alagaan at bantayan si Joseph. Bumawi kami sa mga panahong nalayo kami sa isa’t isa. Alam ko na nararamdaman ni Joseph ang lungkot sa mukha ko. Dumaan pa ang anim na buwan. Tila pahina ng pahina si Joseph.
-Joseph’s POV present time-
“Jasmin, naaalala mo pa ba ang kwento ko tungkol doon sa batang lalaki na mahina at iyakin?” -ako
“Oo bakit mo naitanong?” -Jasmin
“Ako ang batang iyon, ako ang batang iyon na mahina at iyakin. Dahil pinalaki ako ng mama ko na malapit sa kanya, wala akong inasahan kundi siya. Kaya naman ng malaman ko na may sakit siya at pwedeng mamatay, palagi akong umiiyak. Hindi ko matanggap na mawawala ang taong inaasahan ko na magtatanggol sa akin hanggang huli.” -ako
“Bakit mo sinasabi sa akin yan?” -Jasmin
“Anak, wag kang umiyak. Kahit wala na ako tandaan mo na palagi ko kayong babantayan. Mula sa langit asahan mong palagi akong nakatingin sa inyo. Mahal na mahal ko kayo kaya pangako ko yan. Tahan na, dapat maging matapang at malakas ka. Huwag mong hayaan na isipin ng iba na mahina ka, dahil sa mga susunod na panahon wala na ako para suportahan at ipagtanggol ka. Iyon mismo ang sinabi sa akin ni mama ng magpaalam siya sa akin. Kaya naman pinilit kong maging malakas. Kaya sana ganoon din ang gawin mo para sa akin, maging malakas ka, dahil hindi ko na matutupad ang pangako ko sa iyo na palagi kitang ipagtatanggol.” -ako
“Joseph ano ba yang sinasabi mo, hindi ko hahayaang mamatay ka. Ayoko. Kaya tigilan mo na yan pwede ba?” -Jasmin
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Fiksi Remaja“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...