-Jasmin’s POV 3 years before-
Mamaya ipakilala ko si Joseph kila papa. Gusto kong makilala na nila si Joseph, alam kong magugustuhan nila siya.
-Joseph’s POV 3 years before-
Nakita ko si Jasmin na papasok na ng gate ng University. Tumakbo ako papunta sa kanya. Inakbayan ko sya, noong una nagugulat sya kapag gingawa ko yun. Ngayon hindi na, alam kong alam nya na ako lang ang gumagawa nun sa kanya.
-Jasmin’s POV 3 years before-
“Joseph, gusto kong makilala ng pamilya ko ang unang taong nagbigay sa akin ng sobrang pagpapahalaga.” -ako
“Ipapakilala mo ako sa kanila?” -Joseph
“Uhm. J Magugustuhan ka nila, alam ko na kung sino ang gusto ko gusto rin nila para sa akin.” -ako
“Dapat lang, dahil ako lang ang taong makakapag paligaya sayo habang buhay.” -Joseph
“Haha, ang taas din ng confidence mo noh?” –ako
“Kaya mo nga ako nagustuhan diba?” -Joseph
Tawa lang ang isinagot ko kay Joseph.
Kinahapunan, dumiretso kami sa bahay. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad. Napakasaya ko talaga.
“Nandito na po ako.” –ako
Sigaw ko habang papasok kami ng pinto.
Ay naku nasabi ko na nga pala kina papa na may ipapakilala ako ngayon. Kaya naman pala naghihintay sila dito sa sala.
“Parang handang- handa na kayong kilatisin si Joseph ah? J”
“Magandang hapon po, ako po si Joseph Miguel Chua.” -Joseph
“Magandang hapon naman, kung ganoon ikaw pala si Joseph, matagal ka na namin gustong makilala.” –Mr. San Jose
“Papa. . . “ –ako
Naputol yung mga sasabihin ko pa dahil sa pagmamadaling hinigit ni mama at ni Cielo (lil’ sis ko) si Joseph sa kusina at pilit na tinatanong kung ano ang gusto nyang kainin.
“Mukang pinaghandaan talaga nina mama ang araw na to ah? J” -ako
“Okay lang po kahit ano, basta luto ng mama ni Jasmin kakainin ko. J” -Joseph
Dahil sa ugaling ito ni Joseph, mabilis naging palagay ang loob nila mama sa kanya.
“Akala talaga namin magiging matandang dalaga yan si ate Jasmin, buti na lang at nakilala ka nya.” -Cielo
“Ang totoo ako ang masuwerte dahil dumating sa buhay ko si Jasmin.” -Joseph
Sabay- sabay kaming naghapunan at nagkwentuhan pa ng konti. Gabi na kaya pinapauwi ko na si Joseph. Ang loko gusto pa atang dito matulog. Sinamahan ko siya hanggang sa gate ng bahay namin.
“Mag iingat ka Joseph, bye bye.” -ako
“Oo naman, para sayo mag iingat ako.” –Joseph
Sagot nya sa akin habang nakangiti at nakahawak sa dibdib.
Patalikod na ako ng biglang hawakan ni Joseph ang kamay ko. Niyakap niya ko. Masaya ako ng yakapin nya ako. Nararamdaman ko ang tibok ng puso nya. Alam kong massaya rin sya ngayon.
-Joseph’s POV 3 years before-
Napangiti ako sa sobrang saya sa pakiramdam na yakap ko sa Jasmin ngayon. Sa sobrang saya ko para bang ayoko ng bitawan pa siya. Hinalikan ko siya sa noo. Hindi ito ang unang beses na may hinalikan akong babae pero bakit ngayon ko lang naramdaman ang ganito.
-Jasmin’s POV 3 years before-
Nagulat si ako sa ginawa ni Joseph. Ito ang unang beses na may humalik sa akin. Napapikit nalang ako.
“Mahal ko si Joseph.” –ako
Mga salita na naisip ko habang nakalapat ang labi nya sa noo ko.
-Jasmin’s POV present time-
“Masaya ako, napakasaya ng mga sandaling iyon dahil si Joseph ang nagparamdam sa akin ng unang halik. Ang halik na kailanma’y hindi mabubura sa aking ala- ala.”
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Teen Fiction“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...