-Jasmin’s POV present time-
“Nang mga panahong iyon hindi ko pa siya kilala. Ang tanging alam ko lang ay hindi ako komportableng kausap siya.”
-Jasmin’s POV 3 years before-
“Bakit ba ako umiiwas sa kanya? Hindi naman siya ganoon nakakatakot, ang totoo maamo nga ang mga mata niya at may itsura pa. Ahh! Ewan ba?”
Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
Sa loob ng classroom, hindi ko na maiwasang isipin ang lalaking iyon. Ang ugali niya, kung bakit ganon siya manamit, kung bakit ganoon ang mga kinukuha niyang mga litrato at kung bakit palagi akong tumatakbo papalayo sa kanya.
“Ano ba ‘tong iniisip ko, bakit parang naging interesado akong malaman ang mga bagay tungkol sa kanya?”
-Jasmin’s POV present time-
“Yun ang unang beses na naging interesado ako sa isang tao, sa taong noon ko lang din nakita.”
-Jasmin’s POV 3 years before-
“Miss San Jose, keep your mind in the class.” –Prof
Tawag sa akin ng aming professor dahil napansin ata niyang hindi sa lesson ang focus ko.
“Sorry Ma’am.” -ako
“Ano ba yong iniisip mo kanina, bakit parang wala ka nga sa sarili mo?” -Christine
“Bigla ko lang naisip yong lalaki kahapon.” -ako
“Bakit gusto mo ba siya?” -Mae
“Hindi ah! nakapagtataka lang talaga ang boung pagkatao niya.” –ako
Nahihiyang sagot ko pa.
“Ikaw ha. Nag usap naba kayo at napansin mo na nakapagtataka siya.” –Mae
Nakangiti si Mae habang sinabi ang pangungulit niyang yun.
“Hindi naman sa ganon. Napulot ko kasi kahapon yong camera niya ibinalik ko lang kanina, kaya ayon nagkausap kami ng konti.” -ako
“Oh eh ano naman ang nakapagtataka doon!?” –Christine and Mae
“Yoon kasing mga pictures niya sa camera puro picture ng langit ang nakasave, parang hindi tugma doon sa sinabi ninyong presko, maloko at walang interes sa pag aaral ang lalaking iyon.” -ako
Nagkatinginan at magkasabay tumawa sa akin sina Christine at Mae.
“Bakit ano ba inaasahan mo na makikita mo run, mga porn? J” –Mae
“Hindi naman. Pero iba lang talaga.” paliwanag ko.
Pagkatapos ng klase pupunta ako sa school library para maghanap ng librong kailangan ko.
“Sya yun ah.”
Nakita ko siya na kinukunan ng litrato ang picture ng langit na nakalagay sa libro. Parang nawala ang pagkatakot ko ng makita ko ang eksenang yun, lumapit ako sa kanya. Gusto ko sanang ipaliwanag kung bakit ganoon ang trato ko sa kanya. Pero hindi ko nasabi. Dahil nauna siyang magsalita ng mapansin niya na papalapit ako.
“O ikaw pala?” –Joseph
Napangiti ako ng konti. Naisip ko na ito na ang tamang pagkakataon para itanong ko sa kanya ang mga bagay na hindi ko maintindihan tungkol sa kanya.
“Bakit puro langit?” -ako
“Ha?” –Joseph
“Yan oh.” -ako
Tumingin ako sa libro.
“Dahil alam kong nakatingin din sa akin ang pinakamahalang tao sa buhay ko.” –Joseph
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Ficção Adolescente“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...