-Joseph’s POV 3 years before-
“ Mararamdaman mo yon sa sarili mo, hindi mo maipaliliwanag kung anong klaseng saya ang mararamdaman mo kapag malapit ka sa bagay na gusto mo. Hindi mo iyon mapipigilan.”
Bigla ko yung nasabi sa kanya, nagulat ko pa ata siya ng bigla ko siyang sinagot. Nagsasalita siyang mag isa at nakatingin sa loob ng Arts Studio. Ang cute niyang tignan, kaya naman lumapit ako sa kanya. Pero lumakad siya ng mabilis papalayo sa akin. Nakakatawa siya, ang ibang babae kinikilig pag nakikita ako. Pero siya parang nandidiri pa.
-Jasmin’s POV 3 years before-
Hindi ako nakasagot at napatingin nalang ako sa kanya dahil nagulat ako na bigla nalang nitong sinagot ang tanong ko, ni hindi ko siya nakitang lumalapit papunta sa kinatatayuan ko. Dahil na rin siguro sa mga sinabi ni Christine na presko ang lalaking iyon kaya natakot ako sa kanya at bigla na nalang naglakad papalayo. Nakarating ako sa bahay ng humahangos dahil sa mabilis kong paglakad.
“Andito na po ako.”
Dumiretso ako sa kwarto ko, binuksan ang T.V. at nahiga sa kama. Maya- maya tumunog ang cellphone ko. Binubo ko ang laman ng aking bag dahil hindi ko makita kung saan ko nailagay yung cellphone ko. Kasabay nahulog ng cellphone ko ang maliit na bag na napulot ko kaninang umaga.
“Tumatawag si Mae, bakit kaya?”
“Hello Mae.” -ako
“Bakit hindi kana pumunta dito sa Cafeteria?” -Mae
“A pasensya na, sumakit kasi ang ulo ko kaya umuwi na ako.” -ako
“A ganon ba sige magpahinga kana. Bye bye.” -Mae.
Nakalimutan ko na dumaan sa Cafeteria dahil sa pagmamadali kong makalayo sa lalaki kanina. Napatingin ako dun sa napulot ko kaninang maga. Binuksan ko nakita ko na isang digital na camera ang laman nya.
“Kanino naman kaya ito?”
Binuksan ko para tignan ang picture ng may ari. Pero ano to bakit puro picture ng langit ang nakasave dito? Wala ni isang picture ng tao.
“Paano ko malalaman kung kanino ka?”
Kinabukasan, nabasa ko sa bulletin ang post na naghahanap ng isang nawawalang camera. Ito na nga yung hinahanap niya. Nakalagay din naman kasi kung anong klaseng model ng camera at kung kelan ito nawala. Kinopya ko agad yung number. Tinext ko na para maisauli ko na yung camera.
-TEXT-
Good morning, nasa akin ang camera na hinahanap mo. Napulot ko kahapon ng umaga.
-END OF TEXT-
Nag ring ang cellphone ko. Tumatawag yung may ari ng camera. Hindi ko inaasahan na lalaki ang may ari ng camera na napulot ko. Maganda ang boses niya, isang gentleman ang nai-imagine ko na sa kanya.
“Hello, libre ka ba ngayon? Nasaan ka ba para mapuntahan kita ngayon?”
Tanong sa akin ng lalaki sa kabilang linya, pero dahil wala pa naman akong klase naisip ko na ako na alng ang magdala nito kung nasaan man siya sa loob ng university.
“Kapapasok ko palang ng university, sabihin mo na lang sa akin kung nasaan ka para ako na lang maghahatid nito.” -ako
“A ganoon ba, nandito ako ngayon sa Arts Studio, pwede bang dito mo nalang yan dalhin?”
Sagot uli nung nasa kabilang linya.
“A, oh sige dadalhin ko dyan itong camera mo ngayon.” –ako
Natuwa ako sa pagaakala kong member ng Arts Club ang may ari ng napulot ko.
Dali- daling akong pumunta sa Arts Studio. Pero ng makita kong ang lalaking nabangga ko kahapon ang may ari. Napaatras ako at nawala bigla yung ngiti ko.
“Ikaw pala ang nakakuha nyan?” –Joseph
“Bakit kahit naka ngiti siya, natatakot parin ako?” –ako
Pabulong na sabi ko pa sa sarili ko.
“Hindi ka naniniwala? Ito ang text mo na na sayo ang camera ko oh.” –Joseph
Hindi parin ako sumagot, kaya siguro inakala iya na hindi parin ako naniniwala na siya ang may ari ng camera. Kaya sinabi naman niya kung anu- ano ang mga picture na laman ng camera.
“Pasenya na, ito oh.” –ako
Nakatungong sabi ko sa kanya habang inaabot ko ang camera.
“Salama. . .” –Joseph
Naputol yung pag papasalamat niya dahil nagmadali akong lumabas.
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Fiksi Remaja“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...