“WANNA GRAB some beer Dom, a bottle or two?”
Tumingin ako sa guwapong mukha ni Niko, nabawasan na ng bahagya ang iniisip mula kaninang umalis si Emma at ngayon ilang minuto na kaming naglalakad sa tabi ng kalsada pagkatapos niyang magyayang umalis sa gasoline station. Kung saan man papunta, hindi ko alam and for sure hindi pa kami pauwi at palayo sa subdivision ang direksiyon ng lakad namin.
Napatigil ako sa paghakbang at ibinigay ang buong atensiyon sa kaniya. Naisip ko kahit saan siguro ako dalhin ni Niko, sasama ako. I felt so happy and safe being with him na ngayon ko lang naramdaman all my life.
“Okay,” tugon ko sa kaniya inching a little closer to fill my nostrils with his peppermint and orange scent.
Iminuwestra niya ang madadaanan naming isang simpleng restaurant na may mga bar stools sa labas na siyang pinuntahan namin nang tanungin niya ako and I nodded in agreement. Pagkakuha ng apat na boteng light beer sa counter at ilang pirasong choco-nut candy, inokupa namin iyong stools sa may bandang hulihan malayo sa entrance at sa mga pang-grupong mesa na karamihan, puno na ng mga parokyanong medyo lasing na at maingay na rin ang kwentuhan. Okay ang puwestong iyon dahil malayo na kahit papaano sa ingay at magkakarinigan na kami. Hindi na rin kami mapapansin ng mga nagdaraang tao at sasakyan sa highway.
“Okay lang?” tanong niya na lalong nagpatingkad sa kaputian at pagka-pinkish ng mga pisngi ang pag-strike ng malamlam na liwanag ng incandescent bulb sa kisame. Ang lugar ang tinutukoy niya.
Hinawakan ko ang aking beer saka nilagitik ang sa kaniya. “Okay lang,” nakangiting sabi ko.
Kahit saan mo pa ako dalhin Niko, okay lang basta kasama ka.
Ngumiti siya sa unang pagkakataon mula nang umalis si Emma. Kinuha niya ang bote ng beer at sinabayan niya ako sa pagtungga ng ilang lagok. “So I assume you’re out,” sabi niya, more of saying it rather than asking.
Napatingin ako sa mga mapupulang labi niyang kuminang sa natirang beer na dinilaan niya hanggang mawala. Bigla tuloy akong nag-imagine na hinahalikan ko na ang mga labing iyon saka kinakagat ng marahan.
“Not really. Si Emma alam niya dahil sinabi ko. Sa amin naman hindi ako nag-confirm sa kanila na ganito ako, inassume na lang nila. Siguro mas okay na yon kay Tatay at least not hearing me saying it and not confirming it would not make it as real to himself as it seems to be.”
“Okay sa kanila that you’re…”
“Gay,” itinuloy ko na ang sasabihin niya. “Siguro. Ewan ko. I never told my mother about it pero alam kong alam niya na ganito ako. Hindi ko lang inamin sa kaniya ng diretso hanggang mamatay na siya sa sakit na kanser.”
Sumersyoso ang mukha ni Niko, “I’m sorry to hear that.”
Umiling ako, “Don’t be. That was three years ago. Madalas naalala ko siya pero pag naiisip ko na sobrang pinahirapan siya ng sakit niya, nakabuti na rin that she finally gave in ending her sufferings. Naging mahirap lang sa akin dahil nawalan ako ng supporter sa pamilya namin. Simula ng pumanaw siya, I was technically on my own.
“Ayaw kasi ni Tatay ang pagiging ganito ko. Nang magpasya akong kunin na kurso ay Electrical Engineering, one way to reach out, wala pa ring pinagbago ang treatment niya sa akin. Iyon kasi ang kursong pangarap niya nang binata pa kaya lang nabuntis niya si Nanay at hindi na siya nakapag-college. Kumuha na lang ng vocational course at naging Electrician. Si Kuya naman, kahit binata pa hindi ko rin naman totoong maaasahan at iyong sinasahod niya sa trabaho niya kulang pang pam-bisyo niya. Buti na lang tinulungan ako ni Tiya kaya heto nandito ako, nakakapag-aral at nakilala mo.”
Ngumiti si Niko sa huling narinig. “Malaki pala ang utang na loob ko sa Tiyahin mo.”
I kept silent, hiding the smile I felt on my lips as I realized what he meant.
BINABASA MO ANG
Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)
RomanceRated SPG. R18+ Mature readers only. Contains Male-Male explicit sex. Nang mahuli ni Niko si Dom sa isang nakakainit-kalamnang sitwasyon, saka niya nabatid na pinagnanasaan din pala siya ng lalaking matagal na niyang gusto. It happens gusto din pala...