Chapter 33.2

10.9K 200 17
                                    

"You're kidding, right?" tanong ni Kuya Clarence nang sabihin ko sa kaniya ang balak kong humingi ng tulong sa parents namin para kay Dom.

Kahihinto ko pa lang ng kotse sa tapat ng aming bahay nang mag-ring ang cellphone ko at tumawag siya para makibalita. I told him about my last plan that sounded to him so ridiculous.

"No, I'm not."

Napabuntonghininga si Kuya Clarence sa kabilang linya. "May pera sila, no doubt about that Nik. Pero sa tingin mo ba, tutulungan ka lang nila ng basta-basta ganoon na lang ng wala silang hihingin na kapalit?"

Sapul. Inisip ko na rin iyan kanina habang nasa daan. But time is running out. Dom is my responsibility and I have to do everything whatever it takes to save him. "I have to hear what they have to say then I will decide for the sake of Dom."

"Naaalala ko dati noong time na humihingi ako ng tawad at pabalikin na nila ako diyan sa bahay. Ang sabi sa akin ni Daddy, kakalimutan niya ang nangyari, babalik sa normal ang lahat kung papayag ako sa kagustuhan nila. Iwanan ko ang buhay na pinili ko at sumailalim sa theraphy. Hindi ako pumayag at until this day, hindi pa rin nila ako tanggap."

I was clouded by doubts but I still want to see a positive outcome with this. "I'm still hoping for the best Kuya," sabi ko kahit ngayon pa lang natatakot na rin ako sa maaring hingin nilang kapalit.

"Goodluck Nik."

"Ingat Kuya." Pinindot ko ang end call button saka ako lumabas ng kotse.

Amoy brewed coffee at toasted bread pagpasok ko ng living room. Tumuloy ako sa dining room. Inabutan ko si Daddy sa harapan ng mesa, humihigop ng kape while reading the morning electronic newspaper on his iPad tablet.

He looked at me and smiled. "Niko, galing ka na ba ng ospital?" he smiled sa pag-aakalang sinunod ko ang sinabi niya kagabi.

Inilapag ni Mommy ang egg fritata at slices of cheeze sa tabi ng toasted bread at basket of fruits saka iginiya ako paupo sa bakanteng silya bago niya inokupa ang katapat ng kay Daddy. "Salamat naman anak at pinili mong sumunod sa kagustuhan namin ng iyong ama.

Nakaramdam lalo ako ng guton sa amoy ng pagkain pero mahalahaga ang bawat segundo ng sadya ko sa kanila and filling my mouth and stomach with food is the last thing on my list. "Galing nga po ako ng ospital pero hindi kay Cherryl."

Napakunot-noo si Dadddy pero naunahan siyang magsalita ng aking ina na nawalang ng ngiti sa mga labi. "Sinong pang nasa ospital?"

"Si Dom po. Kagabi nang lumabas siya ng apartment bago tayo mag-usap, someone attacked him at ngayon malubha ang kalagayan niya. Kailangan ng pandeposito sa ospital na paglilipatan at kaya ako nandito para ihingi siya ng tulong sa inyo."

Pabagsak na ibinaba ni Daddy ang tasa ng kape na nag-splash at pumatak sa salamin ng mesa. "Bakit namin gagawin iyon?"

Bakit nga ba nila tutulungan si Dom? Kung tutuusin magiging pabor pa nga sa kanila kung mamatay si Dom at mawala siya ng tuluyan sa akin. "Dahil mahal ko po siya."

Nanlilibak ang tawa ni Daddy. I have readied myself with this kind of reaction that I have to bear in front of them. Ako ang humihingi ng pabor kaya kailangang magpakababa ng loob.

"Hindi kaya senyales iyang nangyari sa kaniya para malaman mo anak na kasalanan sa Diyos at sa mata ng tao ang gusto ninyong mangyari? At paraan na rin iyan para panagutan mo ang responsibilidad sa batang dinadala ni Cherryl."

Gusto kong sabihing muli sa kanila na hindi ako ang ama ng bata pero hindi ito ang tamang panahon para magsimula ng isang pagtatalo. I need them for Dom and time is running out.

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon