“NAKAKAINIS ka talaga, Babe. Muntik mo na akong napaniwala,” bungad ni Cherryl sabay yakap sa akin. Parang ahas na ipinulupot ang mga kamay sa katawan ko. Walang pakialam kung pagtinginan man kami ng mga ibang estudyante sa paligid.
Tumango lang ako out of nothing words to say and out of desperation to keep her mouth shut. Jesus! I just needed some quiet time for myself. I needed to be alone. My mind is a whirlpool of emotions. Hindi ko alam kung alin ang pakiramdam ang humihigit. Naglalabang inis, guilt, galit, kaba, takot and everything is leading me to feel depressed.
Tumayo ako na nagpataas ng kilay ni Cherryl. “Saan ka pupunta?”
“May klase pa ako,” malamig kong sabi kahit lampas pang kalahating oras bago mag alas-dose para sa pananghalian at ala-una pa ang simula ng susunod kong subject.
“About Sunday…” sabi niya encouraging me to talk about it which at this moment is the least thing I wanted my mind to be occupied of. “I am coming with you right?”
“Yeah. See you around,” sabi ko trying to keep my gentlemanly manners intact.
Tumayo siya and caught me off-guard when she kissed me on the lips. Wala na ang init na dating naroroon. Wala na ang pagpitlag ng nasa loob ng aking pantalon na dati nagsisimulang mabuhay sa mga ganoong pagkakataon.
I never kissed her back as my mind drifted away to Dom. It was his lips that I wanted to kiss. He is surely waiting for my messages or calls. Nawala na ang saya ko na sorpresahin siya dapat ngayong lunchtime. Alukin siyang sabay kaming kumain at sabihin sa kaniyang wala na kami ni Cherryl at nagawa ko na ang ipinangako ko sa kaniya. Hindi na iyon mangyayari at kami na ulit ni Cherryl sa pamba-blackmail ni Jim.
Alam kong naramdaman ni Cherryl ang panlalamig ko as I stand still, never moving a bit like a dead log in the middle of a cold storm. As she pulled back, she hissed. “I love you, Babe.”
Hindi ko siya sinagot, I just turned around and walk away. Hindi ako nagtungo sa cafeteria. Dumiretso ako palabas ng gate, like a lost wandering soul and mindlessly just kept walking fast amidst the scorching heat of the sun.
Dom. Scandal picture. Jim. Daddy. Mommy. Cherryl. My mind is thinking cyclically at each one of them. The sudden rage and helplessness filling every fiber of my being that is new to me and the fuck I don’t even know how to cope up with.
Malayo na ang nalakad ko pero hindi ako makaramdam ng pagod kaya tumakbo na lang ako, against the direction of moving vehicles in the highway at palayo sa bayan.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang halos manginig na ang mga paa ko, ramdam ko ang pamamaltos ng ilang daliri sa paa sa black leather shoes kong suot. Finally nag-deplete to zero ang lakas ko na nagpahinto sa akin. Tagaktak ang pawis sa buong katawan. Parang mga pinong tusok ng karayom sa balat ang matinding sikat ng araw na nagpapula sa balat kong nasinagan. Humarap ako sa palayan na nasa tabi ng highway. Sumigaw ako ng sumigaw to expel the emotions gnawing at my heart.
Para akong nagpepenitensiya sa gitna ng initan. Wala akong clue kung ilang kilometro ang inabot ng mga paa ko, naglakad-lakad ulit ako hanggang makakita ng isang karatula. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa, hinanap sa contacts list ang nag-iisang taong sa tingin ko ang tanging makakaintindi sa akin at makikinig ng walang panghuhusga.
“Niko, napatawag ka,” dinig kong tanong ni Kuya Clarence.
“Pwede mo ba akong sunduin Kuya? Nandito ako bago pumasok ng bayan ng San Jose.”
Nagtataka ang tinig na tumugon siya. “Anong ginagawa mo diyan? May klase ka pa ‘di ba?”
I want to be honest even for once. “Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makarating ako dito.”
“Why? You must be sore now,” nag-aalalang sabi niya na hindi ko sinagot. “Okay. Tatawag lang ako sa amo ko na male-late ako ng pasok. Hintayin mo ako diyan.”
“Okay.”
Makalipas ang mahigit tatlumpung minuto, huminto na sa tapat ko ang pulang kotse ni Kuya Clarence. Naabutan niya akong nakaupo sa tabi ng kalsada, nakapatong ang backpack bag sa semento sa aking kanang tabi. Ayokong magdrama pero nang makita ko siyang bumaba at tumingin sa akin, hindi ko napigilan ang mapaluha.
Hindi siya nagsalita pero bakas ng pag-aalala ang mukha. Parang gusto niyang magtanong kung anong nangyayari sa akin pero nagpasya siyang ipinid ang bibig. Nilapitan lang niya ako at inilahad ang kamay. That gesture from him touched my heart. Bigla kong na-miss ang kapatid kong inilayo sa akin ng mga magulang namin dahil sa kaniyang pagkatao. I realized I’ve lost a brother because of homophobia, a disease like alcoholism or drug abuse unlike homosexuality which was declared by the American Psychiatric Association in 1973 not a disease.
Inabot ko ang kamay niya at paghila ni Kuya Clarence, sinabayan ko ng tayo. Tumingin lang siya sa mga mata ko. Hindi ako makapagsalita. Yumakap ako sa kaniya at sa mga sandaling iyon napanatag ako kahit papaano. Naramdaman kong hindi ako nag-iisa. May kapatid akong dadamay sa akin. May kapatid akong iintindi.
He drive back going to his apartment without either of us breaking the continuing silence. Nirerespeto niya ang pananahimik na gusto kong mangyari.
Pagdating sa bahay, pinahiram niya ako ng damit pampalit sa uniporme kong basa pa rin ng pawis. Pinakain niya ako and asked me to stay and take a lot of rest. Hindi pa rin ako nagsasalita pero sinunod ko ang bilin niya.
“Nik, I’ll be back before midnight,” Kuya Clarence said, the highlighted blond strands of his bangs covering his forehead. “If you’re still awake and you feel like talking, I just want you to know I’m more than willing to listen. Kung kailangang hindi matulog hanggang sumikat ang araw, kaya kong gawin iyon just to hear anything from you.”
I nodded and he left.
BINABASA MO ANG
Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)
DragosteRated SPG. R18+ Mature readers only. Contains Male-Male explicit sex. Nang mahuli ni Niko si Dom sa isang nakakainit-kalamnang sitwasyon, saka niya nabatid na pinagnanasaan din pala siya ng lalaking matagal na niyang gusto. It happens gusto din pala...