Hesitant magsalita si Jeff, naningkit ang mga mata nang tumingin kay Emma na parang nagpapatulong for the right words to say or maybe because they themselves haven’t thought about what was going on between them.
Jeff let loose from my grip. “Oras na Dom, si Emma na lang ang magpapaliwanag sa iyo. Whatever she says, iyon na iyon.” Tumayo ito saka lumapit kay Emma. I saw the same look on his face same with Niko whenever he wants to kiss me but just can’t do it for some reason. “Ems, see you tomorrow.” Bumaling siya sa akin. “Kailangan mo ba ng bodyguard bukas pag-uwi sa inyo? Pwede ako.”
“Nah,” pilit akong ngumiti nang maalala na naman ang posibleng mangyari bukas. “I’m okay. Just keep your promise. Stay away from that asshole.”
Tumango si Jeff at inihatid siya ni Emma hanggang labasan. Pagbalik ni Emma, muling umupo sa tabi ko, clasping her knees tightly together. “Galit ka ba Dom about us? I mean about Jeff and me.”
As in may ‘Us’ na talaga? “Hindi naman, nagulat lang. It’s unexpected na kaya pala wala si Jeff sa boarding house kanina kasi nandito siya. So, kelan nagsimula?”
She smiled slowly. “Well, hindi ko rin alam. Basta one night last week, wala akong magawa then tumawag ako sa kaniya. Sumagot siya at nakipagkwentuhan. Umpisa medyo awkward pa then during our convo napatawa niya ako, napatawa ko din siya. Nang mapansin namin ang oras, alas-dos na pala nang madaling araw pero sa haba ng aming kwentuhan, pakiramdam namin parang kulang pa rin. Kaya gabi-gabi na kaming nag-uusap since then.”
Parang hindi naman ako makapaniwala. Kasama ko sa room si Jeff, how come wala man lang akong napansin?
Mukhang nabasa ni Emma ang nasa isip ko ng muling magsalita. “You haven’t suspected kasi nakasentro lang ang atensiyon mo kay Niko. Tsaka tulog ka na whenever we talk on the phone.”
I leaned back on the sofa, crossing my arms on my chest. Okay, naging self-centered na ako pero wala naman akong itinago sa kaniya para itago rin niya ang tungkol sa kanila ni Jeff.
“Kaya you kept it a secret from me?”
Emma’s eyes glow. “Hindi naman, Dom. Sasabihin din naman namin sa iyo kaya lang naunahan mo na kami.”
I nodded.
“So galit ka niyan?”
Umiling ako. Kinuha ko ang isang kamay niya bago nagsalita. “No, because I understand. Isa pa, medyo naging distant din naman ako sa iyo these past few days. Nag-aalala lang ako para sa iyo, Ems.”
Isinuklay niya ang mga daliri ng isang kamay sa kaniyang hanggang balikat na buhok. “Nag-aalalang paano?”
“Jeff is not straight.”
Medyo kita ko ang pagkalat ng lungkot sa kaniyang mukha. “I know.”
“I don’t want you to be hurt. Magiging mahirap para sa iyo Ems lalo na Jeff admitted he was at number 4 sa Kinsey Scale.”
“Yeah, meaning, he’s into girls but he’s more into guys.” Parang kung dati hindi niya iyon pinapansin, mukhang ngayon pa lang sapilitang nag-sink-in. “But I really like him.”
“So, tell me what’s the real score between the two of you.” I heard my voice thickens.
“It’s complicated.”
“Ano iyon? Parang Facebook status lang?”
“Badass. You know what I mean.”
“Complicated, huh? Tapos naabutan ko kayo sa room mo na parang katatapos lang.”
Napahagikgik siya. “Ewan ko ba. Ang bilis kong na-fall sa kaniya siguro dahil matagal ko na rin siyang crush. Kagabi bigla lang naming napag-usapan ang tungkol sa sex, tapos kanina dahil wala ka nga sa school, it just crossed my mind and surprisingly, I asked him to come home with me.”
Umisod ako palapit sa kaniya. “That’s it?”
“Yeah. Hindi naman siya ang una ko Dom, so it’s not really a big deal. But honestly I can still feel him right down there kahit tapos na.”
Hindi ko mapigilang matawa as she pointed her index finger in between her legs. Naniniwala ako sa kaniya dahil sa tuwing makikita ko si Jeff na naka-boxer shorts sa room namin laging nakabakat ang bahaging iyon ng harapan na imposible namang 24/7 itong tinitigasan.
“Naughty you.”
Her eyes widened. “So hindi ka nagseselos?”
Kinapa ko ang aking dibdib. Wala akong nararamdaman kahit katiting na selos. Jeff is only a friend. “Hindi. All of me belongs only to Niko.”
Lumiwanang ang mukha niya.
“Pero kung itutuloy mo iyan, you need to brace yourself dahil hindi magiging madali para sa iyo. Gwapo si Jeff at pwede sa babae at sa lalaki na parang buong populasyon pwedeng magkagusto sa kaniya at magustuhan siya. Marami pa namang gwapo ngayon na ang hanap ay gwapo din.”
“Tama ka, pero kung ngayon pa lang hindi ko na susubukan, talo na agad ako umpisa pa lang. Jeff and I have come this far, we’ll just take it from here and see where it will lead us both.”
Funny. I want to say the same thing to Niko earlier. Ang pagkakaiba nga lang, mas determinado si Emma kumpara sa akin. She sees Jeff as someone worth fighting for. Ang subukang maging kaniya si Jeff. And I think I need to consider learning this important lesson from her.
After several minutes, nasa guest room na ako. Pagka-charge ng cellphone ko at pagbukas, nagsidating ang mga messages at bumulaga sa screen ang mga missed call alerts ni Niko. Lahat ng mensahe ay tungkol sa pag-aalala niya kung ano ng nangyari sa naging usapan namin ni Tiya.
Nataranta ako at sa kawalan ng maisasagot pinatay ko ulit ang cellphone. Sinabihan ko din si Emma na huwag munang babanggitin kay Niko ang tungkol sa pag-uwi ko bukas ng umaga bago sumikat ang araw. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero marami ng problema si Niko para dagdagan ko pa.
Hindi rin ako nakatulog ng maayos. Balisa sa buong magdamag over thinking what will possibly happen at ang magiging dulot nito sa kinabukasan ko. Pagod na katawan at stress na isipan ang nagpatulog sa akin ng ilang oras. Hindi ko na ginising pa si Emma para magpaalam. Lumabas ako ng bahay pagpatak ng alas-sais ng umaga.
Paglabas ko ng gate, nakita kong nakapark sa tapat ang kotse ni Kuya Clarence at lumitaw ang seryosong mukha ni Niko pagkababa ng windshield.
Lumapit ako feeling the excitement flooding my heart. Shit! Paano ko kakayaning iwasan ng tuluyan si Niko gayong wala pang dose oras kaming hindi nagkikita namiss ko na siya ng wagas. I even felt the urge to run directly to his embrace and feel his body against mine.
“Sakay na, ihahatid kita sa inyo.”
“Paano mo nala-”
“Nakalimutan mong sabihan si Jeff,” mas tumaas ang tono ng boses niya.
Sumakay ako sa kotse filling my lungs with his scent that smells peppermint and orange that I am already addicted to. Bago niya pinaandar ang kotse, tumingin siya sa akin, “Ihahatid kita sa inyo. Just lead me the way.”
Hindi naman sabado ngayon. Absent na nga siya kahapon tapos absent na naman ngayon. Isa pa, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari pagdating ko. I never brought anyone at home with me tapos sa unang pagkakataon lalaki pa ang dadalhin ko idagdag pa na galit ang tatay ko sa akin. I don’t want Niko getting hurt sakaling maging bayolente ang Tatay ko.
“You don’t have to do this Niko.”
“But I want to. Kung itong kotse ang inaalala mo, sinabi ko na kay Kuya Clarence na ihahatid kita at babalik ako bago siya pumasok sa trabaho. It’s fine with him.”
Tango lang ang pwede kong tugon sa determinasyong ramdam ko sa kaniyang boses.
“Isa pa Dom… don’t you ever shut me off of your life again. Ang problema mo ay problema ko na rin. Are we clear?”
“Yes.”
Nang magsimulang tumakbo ang kotse, naramdaman ko ang nagliliparang mga paro-paro sa loob ng aking sikmura. It seems I need to get ourselves ready with the worst case scenario.
//Fuel my passion to keep me writing with your Votes and Comments on every parts...tc
BINABASA MO ANG
Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)
RomanceRated SPG. R18+ Mature readers only. Contains Male-Male explicit sex. Nang mahuli ni Niko si Dom sa isang nakakainit-kalamnang sitwasyon, saka niya nabatid na pinagnanasaan din pala siya ng lalaking matagal na niyang gusto. It happens gusto din pala...