HINDI MAKAPAGSALITA si Kuya Jake na tumingin sa akin na tila tinatanya kung sasabihin niya ang nakitang ginagawa namin ni Niko o hindi. Blanko ang ekspresyon ng mukhang ipinukol ko sa kaniya. Kung dati’y hindi naman niya ako ipinagtatanggol kay Tatay, ngayon pa kaya ako mage-expect sa kaniya?
Naibulsa ko ang dalawang kamay at parang nanliliit sa sarili nang tumingin si Tatay sa akin saka lumipat kay Niko. “Sino siya Dom at anong ginagawa niya dito?” His chin was up and his rigid body supported by his wider stance. Kagaya pa rin ng buhok ko ang sa kaniya na hati sa gitna but with strands of graying hairs and handsome face that is a version of me as I reach age forty five.
Napalunok ako ng laway saka pinilit labanan ang naninigas kong dila. “Siya po si Niko ‘Tay,” nag-alangan ako sa sasabihin. Paano kung kilala siya ni Tatay sa pangalan? So I decided to be play it safe. “Kasamahan ko po sa boarding house.”
Mukhang tama nga ako ng hinala dahil nang marinig ni Tatay ang pangalan ni Niko, kita ko ang paglaki ng butas ng ilong niya at gumaspang ang tingin kay Niko.
“Magandang umaga po-” magalang na pagbati ni Niko na hindi na natapos.
“Ihatid mo na ang bisita mo palabas Dom at hindi siya welcome dito kahit kailan.” Umalis sa pagkakaharang sa pintuan si Tatay at tumabi kay Kuya Jake.
Tumingin ako kay Kuya Jake na kahit hindi siya magsalita, the look in his eyes screamed, ‘Paalisin mo na ang bisita mo.’
Pakiramdam ko, kakapusin ako ng hininga nang magsalita. “Bisita ko siya ‘Tay.” Si Niko ang kauna-unahang bisitang dinala ko dito sa bahay at sa nagiging daloy ng mga pangyayari, hiyang-hiya ako sa parang pambabastos na rin sa kaniya.
Tumalim ang tingin sa akin ni Tatay, I saw a vein pulsing in his left temple. “Huwag mong hintaying ipagtabuyan ko siya Dom. Kilala ko siya sa pangalan. Siya ang lalaking tinutukoy ng ka-boardmate niyong si Jim at hindi ko lubos maisip kung saan ka humugot ng lakas ng loob para dalhin siya dito sa pamamahay ko. Wala akong balak makilala siya. Kahit kailan.”
I folded my arms over my clenching stomach. “Wala siyang ginawang masama.”
Shit! I just can’t believe this.
Lumapit sa akin si Niko, hinawakan ako sa kaliwang braso. “Ihatid mo na lang muna ako sa labas Dom,” pabulong nitong sabi. Gusto na rin niyang umiwas sa paglaki ng haharapin kong problema sa pagitan namin ni Tatay.
Sabagay, getting Niko out of here is maybe the best thing to do at the moment. Sighing dejectedly, I took one of his hands with mine and the fuck I care nang tumingin si Tatay sa mga kamay namin hanggang makalabas ng bahay.
Nakatingin sa amin si Oliver nang tumigil ako sa parteng bago magsimula ang pilapil papuntang labasan. Wala si Dario sa inuman at hindi ko alam kung pinaalis o sadyang umalis pagdating ni Tatay.
“I’m sorry Niko. Ako na ang humihingi ng pasensiya sa iyo. Tama ako that this will not turn out right kaya ayoko sanang ihatid mo ako hanggang dito sa bahay.”
Umiling si Niko. “I understand. Wala kang dapat ihingi ng paumanhin. Isa pa, umuwi ka para mag-usap kayo at pahindian anomang kasinungalingan ang sinabi sa kaniya ni Jim.”
Ngayon pa lang hindi na ako umaasang magiging maayos ang pag-uusap namin ni Tatay pagbalik ko. Nandito man o wala si Niko, the result will still be the same.
“Hindi mo kailangang umalis Niko. I will stand for you in front of my father. Ngayong kilala ka na niya, there’s no reason to hide anymore. Kaya kitang panindigan.”
“Panindigan bilang boyfriend mo?”
Ano nga ba ngayong hindi naman ako pumayag sa gusto niya? “It’s not because we don’t use label doesn’t mean there’s nothing going on between us.”
BINABASA MO ANG
Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)
RomanceRated SPG. R18+ Mature readers only. Contains Male-Male explicit sex. Nang mahuli ni Niko si Dom sa isang nakakainit-kalamnang sitwasyon, saka niya nabatid na pinagnanasaan din pala siya ng lalaking matagal na niyang gusto. It happens gusto din pala...