Chapter 28

11.8K 236 41
                                    

I WAS OBLIGED to help my father today in his work even I really wanted to get back to the boarding house and continue schooling. Sa mga oras na ito, malamang naghahanap na sina Emma at Jeff sa akin lalong-lalo na si Niko na hindi ko na nagawang tawagan kagabi nang kumpiskahin ni Tatay ang aking cellphone.

Isinara ko ang bintanang kahoy at tanging liwanag na lang ng pang-alas-sais na umagang papasikat na araw sa siwang ng kawayang sahig ang nagpaliwanag sa buong silid. Mabigat ang mga paang humakbang ako palabas ng kwarto pababa sa apat na baitang na hagdang kawayan. Kung hindi pa napukaw ang atensiyon ko ng komosyong nangyayari sa labas, malamang patuloy lang ako sa usad-pagong na pagkilos.

“Umalis ka na, Pare,” dinig kong sabi ni Kuya Jake.

“Gusto ko lang pong makausap si Dom.” Holy shit, boses ni Niko. Just hearing his voice made me want to jump and scream with happiness flooding my heart and made me realize how much I missed him.

“Hindi ka talaga nakakaintindi. Hindi ka welcome dito. Mabuti pang umalis ka na bago pa kita ipa-baranggay,” marahas ang tinig ni Tatay.

Ang sayang naramdaman ko pagkadinig sa boses ni Niko ay biglang nahalinhan ng pagkatakot. Napatakbo ako palabas ng bahay. Naabutan kong nasa gitna nina Tatay at Niko si Kuya Jake, nakalapat ang kaliwang palad sa dibdib ni Tatay sa pag-awat na makalapit kay Niko. Sa tingin ko naman, walang balak lumaban si Niko pero si Tatay mukhang kaunti na lang ang natitirang pasensiya, makakapanuntok na.

“Pare, please lang… umalis ka na,” ulit ni Kuya Jake.

“Niko…” iyon lang ang nasabi ko paglapit sa kanila. Tatlong pares ng mata ang tumingin sa akin.

“Pumasok ka sa loob, Dom,” parang batang inangilan ako ni Tatay na nakakuyom ang mga kamao saka muling ibinaling ang tigin kay Niko . “Alis.”

Binalewala ko ang sinabi ni Tatay sa pag-aalalang magpang-abot sila at masaktan nila si Niko. Lumapit ako kay Niko, hinawakan siya sa kanang braso at iginiya ng ilang piye palayo kina Tatay at Kuya Jake. “Bakit ka nandito?”

Seryoso ang kaniyang mukha pero narinig ko sa tinig niya ang itinatagong tuwa. “I was trying to call you last night but I can’t reach you.”

“Kinuha ni Tatay ang cellphone ko.”

Napailing si Niko saka tinapunan ng tingin sina Tatay. Huminga siya ng malalim at nakangiting tumingin sa mga mata ko. “I have good news.”

Nakaramdam ako ng excitement at paghinga ko, napuno ang ilong ko ng amoy ng katawan niya, the smell of peppermint and orange that I was already addicted to. “Ano iyon?”

“Nakausap ko na ang Tiyahin mo kagabi at pumayag na siyang bumalik ka sa boarding house.”

“You did it?” Alam niya na iyong parteng pinakamahirap na gawin ang tinutukoy ko. Iyong sinabi niyang aakitin niya si Jim at kuhanan ng video para gamiting pangontra sa pamba-blackmail nito. Isang planong ayoko sanang payagan dahil isipin ko pa lang na hahawakan siya ni Jim, pakiramdamko mamamatay na ako sa selos.

Hindi na niya napigilan ang pagluwang ng ngiti sa mga labi. “Yes. Kaya pwede ka ng bumalik ang everything will be back o normal.”

Gusto kong yakapin si Niko pero hindi ko magawa. Tumingin ako sa direksiyon nina Tatay, kita ko ang pinipigilan nitong galit sa nag-aapoy na matang nakatitig sa amin. Binitiwan ko ang braso ni Niko. “I can’t.”

Nanlaki ang mga mata ni Niko. “What the fuck are you saying you can’t?”

Huminga ako ng malalim. “Sinabihan ako kagabi ni Tatay na kahit magbago ng isip si Tiya, hindi na rin niya ako papayagang bumalik ng boarding house.”

Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon