KATAMTAMAN LANG ang bilis ng pagpapatakbo ko ng kotse pero ang isip ko nag-o-overspeed na sa kakaisip ng detalye ng gagawin kong plano para mapapayag ang Tiyahin ni Dom na ibalik ang suporta at payagang makabalik siya ng boarding house.
Binubuo ko na sa isip lahat ng steps as there were no room for even a slight error that will spoil the plan. I was confident when I told Dom about this. Ito lang talaga ang paraang naisip ko to help his life go back to normal. Kagaya nang hindi ko pa siya nahuling inaamoy niya ang pulang underwear ko.
Less than an hour later, I parked the car in front of Kuya Clarence apartment. Pagpasok ko sa loob ng bahay, naabutan ko siya sa kaniyang kwarto na nag-aayos ng damit sa isang itim na backpack bag na unusual dahil hindi naman siya nagdadala ng bag kapag papasok sa restaurant.
“Saan ang punta mo Kuya?” Umupo ako sa gilid ng kama.
Tumingin siya sa akin, blond-highlighted bangs almost covering his left eyebrow. “Sa Manila. Katatawag lang ng boss ko, hindi siya makaka-attend doon sa isang seminar at ako ang gagawin niyang proxy.”
Ngumiti ako saka kinuha ang pares ng medyas at iniabot sa kaniya na isinuksok sa may gilid. “Baka ma-promote ka na niyan pagbalik.”
Natatawang umiling si Kuya Clarence. “Malayo. Bago ako ipromote noon, unahin muna niya siyempre iyong anak niya.”
Naisip ko, kung tanggap lang sana nina Mommy at Daddy si Kuya Clarence, hindi na siya kailangang manilbihan sa restaurant ng ibang tao. Kaya naman related ang course na kinuha niya dahil iyon ang ipinilit sa kaniya ni Daddy at iyon din ang kinuha kong course para makatulong sa family business namin.
“Tsaka kapag na-prommote, dagdag lang ng kaunti ang sweldo pero exponential ang increase ng trabaho,” paliwanag ni Kuya Clarence saka hinila ang zipper ng back pack bag pasara. “Nanghihinayang lang ang amo ko sa ibinayad niya kaya sinabihan akong gamitin ang slot niya. Anyway, its a good thing at marami naman ang natututunan sa ganoong seminar.”
“Ilang araw ka doon?”
“Three days.”
“Dadalhin mo ba ang kotse?”
Itinabi niya ang bag para makaupo siya sa tabi ko. “Kailangan mo ba?”
Well, the truth is mas okay kung ipahihiram niya sa akin ang kotse, masusundo ko si Dom sa kanila kapag nagtagumpay na ang plano ko. “Kung hindi mo dadalhin, gagamitin ko muna sana kung papayag ka.”
“May service kami at nakakapagod ding mag-drive.” Tumango si Kuya Clarence. “Sige gamitin mo pero huwag na huwag mong gagasgasan kundi patay ka sa akin.”
Natawa ako. “Siyempre hindi ko hahayaang magalusan iyan. Takot ko lang sa iyo.”
Tumunog bigla ang aking cellphone. Kinuha ko sa aking bulsa at pagkakita ko pa lang sa caller ID I felt tightening on my shoulders.
“Sino iyan?”
“Si Daddy,” maikling tugon ko. Most of the time, si Mommy lang ang tumatawag sa akin. Mabibilang lang ang pagkakataong tatawagan ako ni Daddy at kapag siya ang tumawag, parang red alert kaagad as if something bad is going to happen.
“Sagutin mo na at baka mabagot ng kahihintay.”
Kabadong pinindot ko ang answer key saka isinunod ang loudspeaker button ng cellphone para marinig din ni Kuya Clarence ang sasabihin ni Daddy. “Hello, Daddy…”
Mukhang good vibes at masaya ang tinig na narinig ko sa kabilang linya. “Hello, Nik?”
“Yes Dad?”
“May klase ka pa ba ngayon?”
Ano bang isasagot ko? Absent nga ako ngayon dahil sa paghahatid kay Dom sa kanila sa bukid. “Bakit Dad, anything important came out?”
BINABASA MO ANG
Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)
RomanceRated SPG. R18+ Mature readers only. Contains Male-Male explicit sex. Nang mahuli ni Niko si Dom sa isang nakakainit-kalamnang sitwasyon, saka niya nabatid na pinagnanasaan din pala siya ng lalaking matagal na niyang gusto. It happens gusto din pala...