"NASAAN KAYA siya?"
Napayuko na ako sa manibela ng kotse, my forearms gripping the circular ring. I lost track of time looking for him. Ang papaliwanag lang na kalangitan ang nagsabi sa aking malapit ng mag-umaga. Nagpunta na ako ng boarding house pero wala siya doon. Wala din si Jeff at wala din ang Tiyahin niya. Ang mga bedspacers na naroroon ay clueless sa mga taong hinahanap ko. Tinawagan ko naman si Emma pero hindi ko makontak at out of coverage area. Nakabalik na ulit ako ng apartment sa pag-asang baka nandoon na siya pero wala pa rin. Ngayon nandito na naman ako sa tapat ng boarding house.
Hindi kasi ako dapat pumayag na lumabas siya ng bahay. I should have insists na magkasama kaming kumausap sa mga parents ko. Maybe now I won't be like this looking for him to nowhere land.
Naiisip ko ng puntahan ang bahay nila pero that will be the least place na puntahan niya. Wala pa rin ang Tiyahin niya kaya kinukutuban na ako. Something is definitely wrong. Kahit ayaw kong mag-isip ng hindi maganda, ngayong wala din si Jim sa boarding house at tumawag ako sa kapatid niya at wala din sa bahay nila, I felt sick with worries.
Sinubukan ko ulit idayal ang cellphone ni Emma. I realized I was holding my breathe when I heard her answer as if coming from a deep sleep. "Hello?"
"Emma, pasensiya na sa tawag ko. Magkasama ba kayo ni Dom?"
May narinig akong nagsalita sa background, boses ng lalaki pero hindi si Dom. "Sino iyan?"
Hindi siya sinagot ni Emma. "Hindi ba kayo ang magkasama? Hindi pa kami nagkikita simula nang sunduin mo siya para samahan ihatid sa kanila."
"Si Jeff ba ang narinig kong nagsalita?"
"Oo."
"Baka siya alam niya."
Narinig kong nag-usap sila ni Jeff saka muli akong binalikan. "Hindi rin niya alam. Bakit, ano bang nangyari sa pag-uwi niya?"
"Mahabang kwento Emma," sabi kong wala sa focus ko sa tanong niya. "Hey, may cellphone number ka ba ng Tiyahin niya?"
"Meron. Wait hanapin ko lang," sabi niya na hindi naman nag-end call. "Oh no!"
Nagitla ako sa pagtaas ng boses niya. "Bakit Emma, anong nangyari?"
"Ngayon ko lang nakita ang text message ng Tiya ni Dom..."
Nilamon ng matinding kaba ang dibdib ko. "Anong sabi?"
"Nasa ospital siya diyan sa bayan at nasa critical na kondisyon daw si Dom ngayon."
Narinig ko silang nag-usap ni Jeff nang dumulas ang telepono sa pagkakahawak ko papunta sa aking kanduungan. Nanghina lalo ang aking katawan. Oh God. No. No. No. Don't take my Bey from me. Marami pa kaming gagawing plano para sa hinaharap. We'll get old cuddling evrey night and wake up with ech other's kisses. I still have to ask him to marry me. We'll build a family of our own. Please. Please.
Nang makabawi ako ng lakas, mabilis kong pinaandar ang kotse papuntang ospital. After several minutes, nadatnan kong nakaupo ang Tiyahin ni Dom sa mahabng upuan sa labas ng ICU ng ospital. Balisa ang histura habang hawak ang cellphone. Tumingin siya sa akin paglapit ko.
"Niko, si Dom," sabi niya na pilit pinigilan ang pag-iyak.
"Nasaan po siya?" tanong kong halos pilit ang paglabas ng aking tinig. Natatakot ako sa pwedeng isagot niya. Ayokong marinig na wala na siya.
"Nasa loob siya."
"Kumusta na ang lagay niya?"
"Wala pa rin siyang malay," tumingin siya sa akin. "Bawal ang bantay kaya nandito lang ako. Bakit nangyari sa kaniya ang ganito? Akala ko magkasama kayo pero bakit hindi?"
BINABASA MO ANG
Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)
RomanceRated SPG. R18+ Mature readers only. Contains Male-Male explicit sex. Nang mahuli ni Niko si Dom sa isang nakakainit-kalamnang sitwasyon, saka niya nabatid na pinagnanasaan din pala siya ng lalaking matagal na niyang gusto. It happens gusto din pala...