WHENEVER expectation did not equate with reality, that’s where disappointment is coming from. Sa tatlong buwan na naging kami ni Cedric, kung tutuusin dapat manhid na ako sa ganitong pakiramdam. Iyong masaya ka for sometime then immediately you feel like a hollow space was dug inside your heart that would instantly make you feel restless and all your strengths and gained positivity is going down the drain.
Ilang beses ba akong umasa sa mga pangako ni Cedric na hindi natupad? Ilang gabi ba na inabot ako ng madaling araw sa labas ng bahay nila kahihintay ng hudyat niya para dumaan ako sa bintana ng kaniyang kwarto na hindi nangyari? Ilang daang lamok na ang nag-piyesta sa aking dugo at kaya pala hindi niya binuksan ng kalahati ang bintana niya na iyon ang cue sa akin dahil kasama pala niya ang girlfriend niya sa loob ng room na malalaman ko na lang after sometime sa naririnig kong kwentuhan ng mga kabarkada niya as I eavesdrop from a distance.
Ilang beses ba akong walang tigil na nag-aabang sa pag-ring ng telepono ko hoping that he will call me? Kasi hindi ko siya pwedeng tawagan. Hindi ko siya pwedeng i-text. Hindi ko siya pwedeng i-friend sa Facebook. Wala din ang number ko sa phone niya, minemorize lang niya at binubura din agad sa call logs pagkatapos niya akong tawagan. Hindi ko pwedeng kaibiganin o maging kakilala ang mga kaibigan niya. Hindi pwedeng magkaroon ng koneksiyon o malagyan ng trail ang pangalan ko sa kaniya.
Ang sagot: marami na. Kung ilang beses hindi ko na mabilang.
Now, looking back at those three horrible months of my life, with the help of Emma I was able to cope up. Nakapag-move on ako. Slowly the next several months I’m moving on with my life and getting over him. Everything is getting back to normal.
And now I can proudly say I am good and everything is on the right track.
So hindi ko rin maaalis kay Emma ang mag-alala sa akin. Dahil kilala niya ako, madali akong magmahal at ibigay ang lahat ng ako without sparing a little percent of me for myself. So if I’m willing to take another chance with Niko and take the risk of blurring my now-ordinary life then I have to keep a promise to myself, this time it must be different. Kailangan kong guwardiyahan ang sarili ko.
Habang tinitingnan ko ang text message ni Niko at muling naramdaman ang disappointment sa loob ko, I found myself replying.
Ako: Gnun b? K lng. Just do wat u hav 2 do. If u need help I can go wid u.
After tapping send, I found myself holding my breath. Para akong bagong dating sa swimming pool at ibinaba ang daliri sa paa sa level ng tubig para testingin kung malamig, manageable o mainit ba ang tubig. Kung i-welcome ba ako ng swimming pool at kaya kong i-fit in ang sarili ko na kapag lumusong ako sa tubig magiginhawaan ako.
Shit! I knew he will be dealing with family matters and I haven’t control myself in knowing at this early stage kung handa ba siyang makita ako ng family niya which I assume he will be meeting at least one of the members sa term niyang family matters sa kaniyang text. At this point I find it a bit inappropriate but will I be blamed after Cedric made me invisible?
Niko: No. Kaya ko n 2. Tnx enway.
Ini-expect kong tatanggi siya but I never expected it would make me sadder than I thought. Sobrang lamig pala ang tubig sa swimming pool and plunging down is not a good thing to do.
***
KUNG MERON mang bagay na naging bihasa ako, iyon ay walang iba kung hindi ang itago ang aking tunay na pagkatao. Totoo ang sinabi ko kay Dom kagabi habang nag-uusap kami sa may shade. High school nang
magsimula akong ma-attract sa kapwa ko lalaki. Dismissing the idea and not delving into it really helps. Having relationship also with girls covered the real me.
BINABASA MO ANG
Niko & Dom - A Bedspacers Romance (SSPG - COMPLETE)
Roman d'amourRated SPG. R18+ Mature readers only. Contains Male-Male explicit sex. Nang mahuli ni Niko si Dom sa isang nakakainit-kalamnang sitwasyon, saka niya nabatid na pinagnanasaan din pala siya ng lalaking matagal na niyang gusto. It happens gusto din pala...