GEM POV
"Bye Mom!" Paalam ko kay Mommy habang busy na naman ito sa mga halaman nya sa garden sa harapan nang bahay namin. Plain house wife lang si Mommy si Dad na talaga ang namamahala sa business namin. Pero pinagkakakitaan na din ni Mom ang kanyang mga halaman tru-on line..
"Okay baby ingat ka lalo sa pag da drive mo ha!" Bilin naman nito bago ko tinungo ang aking land cruiser. Yes land cruiser ang gusto kong sasakyan.. astig lang kasi same lang kami ni Art.. oh my! I miss my best friend already. Araw araw ko naman syang namimiss kapag hindi ko sya nakikita.. "By the way anak malapit na ang birthday ko magsama ka naman ng mga friends mo hindi puro si Art nalang ang nakikita ko.." Pahabol nitong turan na kina ngiwi ko. Kasi wala akong ibang friends bukod kay Art,dahil sa kanya lang umiikot ang mundo ko.. Kung si Kim kaya? Kaya lang magkikita naman sila ni Art dito.. Bahala na nga!
"Yes Mom i will iloveyou..!" Tugon ko nalang bago ako pumasok sa driver seat ng aking sasakyan. Halos nag sisigawan lang kaming dalawa. Ganun talaga.. Mga 30 minutes lang naman ang beyahe ko mula dito sa bahay namin hanggang sa school kapag hindi trapik.
May pasok na pala si Kim ngayon sa school.. Actually na miss ko din sya nung wala sya sana kinuha ko pala yung contact number nya.. Kukunin ko nalang pala kapag magkita kami mamaya. Napa ngiti naman ako sa ideang naisip ko habang minamaneho ang aking sasakyan.
Buti at walang gaanong trapik at hindi ko namalayan nakarating na pala ako sa university pinasok ko na ang sasakyan sa may basement kong saan ang parking area..Pagka tapos maipark nang maayos. In off ko na ang makina bitbit ang aking gamit marahan na akong umibis ng sasakyan. Dinouble check ko muna ang lock bago ako umalis.. Nag simula na akong maglakad nang may tumawag sa akin.
"Kim?" Napa hinto ako sa paghakbang nang makita ko itong katapat lang nag sasakyan ko sya nag park ng kotse nya. Kulay pula na Toyota corolla. Kumaway ito sa akin at heto na naman yung ngiti niyang pagka tamis tamis.. Hinintay ko nalang itong makalapit sa akin.
"Hi..!" Wika nito nang tuluyang maka lapit at nagulat pa ako ng bigla nito akong halikan sa kaliwa kong pisngi.. Wala lang nagulat lang.. Ang lambot lang kasi ng labi niyang dumampi sa aking pisngi.. "Kamusta ka naman?" Tanong pa nito at sobrang lapit lang namin sa isat isa. Na amaze akong tumitig sa mukha nito.
"I'm good..!" Agad ko namang tugon. Napa pitlag pa ako nang hinawi nya ang ilang hibla ng buhok kong tumabing sa aking mukha.
"Tara breakfast muna tayo.. Gutom na ako galing ako sa amin dumiritso na ako dito.." Wika nya at nag pout pa.. Ang ganda nang labi niya natural na mapupula.. maganda naman talaga lahat sa kanya walang maipintas. Naipilig ko nalang ang aking ulo karibal ko parin sya!
"Halika ka na bata.." Sabay hila nito sa isang kamay mo.. Napa kunot noo naman ako sa tinawag nito sa akin.
"What did you say?" Tanong ko habang naglalakad na kami sa parking lot ng university..
Napatawa naman nito nang mahina habang hawak hawak ang kamay ko."Bata... Bata ka naman talaga! Halos kasing edad mo lang yung bunso kong kapatid.." Talaga lang ha! Marunong pa pala itong mambully. Hmmn! At least nakikilala ko pa sya lalo malay natin may bad side din sya..
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomanceGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.