Chapter 20

2.6K 108 4
                                    

KIM POV





'Oh Gosh sobrang awkward!!' Stressed kong turan sa sarili ko, pag pasok ko palang kasi sa loob ng bahay nang kuya ko nadatnan kong nagbabangayan na naman ang mag asawa. Dito pa mismo sa may sala.








"Lenny pwede bang tama na!! Mahiya ka naman sa kapatid ko.." Wika nang kuya ko nang nahihiya akong tumingin sa kanilang dalawa kaya lang hindi ko naman maiwasan dahil madadaanan ko sila patungo sa hagdanan paakyat nang second floor.







''Wala akong paki alam dahil bahay ko ito. Kahit magkampihan pa kayong dalawa. Mabubuking ko din kayo ng babae mo!" Kunyari nalang na hindi ko narinig pero pasaring yun sa akin alam ko. Kailangan ko na talagang maghanap nang apartment. Para tuloy gusto kong umalis ngayon,ayokong matulog dito ngayong gabi. Kung kailan naman hindi ko dala yung kotse ko.







Tumuloy na ako sa loob ng kuwarto pero habang dinig na dinig ko parin ang bangayan ng dalawa sa may ibaba. Napa isip tuloy ako kung mag bibihis ba ako nang pambahay o panlakad nalang. Kaya lang saan naman ako magpapalipas ng magdamag.
Mag transient nalang siguro ako marami namang mura dyan na pwedeng overnight..








Mag papahinga lang ako saglit,tsaka ako mag eempake ng mga dadalhin ko. Pagka tapos nito diretso na akong uuwi bukas. Mag commute nalang ako! Napa hugot ako nang malalim na paghinga. Kasabay nang pag hilot ko sa aking sentido.. Sobrang stressed sa araw na ito magmula kaninang umaga ng inalok ako ni Clinton kung pwede ba nya akong maging girlfriend! Ano yun? Agad agad! Kelan nga lang kami nagkakilala at isang beses pa nga lang sya dumadalaw dito sa bahay namin. Mga kabataan talaga ngayon ibang iba na sa amin noon,kahit naman third year high school noong naging kami ni Erick pumupunta talaga sya sa bahay namin dati. Nag porsige talaga ito hanggang mapa sagot nya ako..
Isa pang stressed ko si Gem.. Naawa ako sa kanya gusto ko syang e comfort oras oras kaso may klase ako. Gusto ko syang tawagan para kamustahin pero bakit kaya galit sya sa akin?








Nag ayos na ako nang importanteng dalahin bago ako nagpasyang maglinis nang katawan. Pansin kong tahimik na ang kabahayan pagka tapos kong naligo kaya lang desisyon ko na talagang sa labas muna ako magpapalipas ngayon gabi.
Nang natiyak kong okay na ako sa dala ko at sa itsura ko ay nagpasya na akong lumabas nang kuwarto. Mukhang nasa loob ng kuwarto ang mag asawa hindi na ako magpapaalam mag message nalang ako kay kuya mamaya..







Nag tuloy na akong lumabas sa pintuan tsaka marahan ko yung nilock. Marahan din akong nag bukas sara sa maliit na gate. Dito na lang ako sa labas mag abang ng masasakyan kong taxi, pag sipat ko ng wrist watch ko 5:30 na pala nang hapon..






Pag baling nang tingin ko sa kaliwang gilid ng daan ay napa kunot noo ako nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na sasakyan na naka parada kung saan ko lagi pinaparada ang kotse ko. Lang cruiser ni Gem yun ah! Hindi ako pwedeng magkamali. Anong ginagawa nya dito? Mabilis akong humakbang patungo sa may sasakyan.







Agad kong kinatok ang bintana ng driver side nang tuluyan akong maka lapit. Ilang sandali pa ay bumaba ang bintana nang sasakyan. Naka suot parin ito ng school uniform ibig sabihin hindi pa sya umuuwi ng bahay nila! Naka awang ang labi kong napa titig sa kanyang mukha. Kanina pa kaya sya? Pero noong umuwi ako kanina hindi ko pa napansin ang sasakyan nito dito. Halata parin ang pamumugto sa kanyang mga mata. Hay Gem ano bang ginagawa mo sa sarili mo.. Buntong hininga ko. Narinig kong in un lock nito ang pintuan sa kabilang ibig sabihin pinapa pasok nya ako sa loob ng sasakyan nito. Kaya mabilis akong umikot ng sasakyan at mabilis ding pumasok sa loob..









''Oh gosh bakit ganun...!" Wika nito habang naka yuko at mahigpit ang hawak sa manibela. Pinagmamasdan ko lang naman ito habang ang mga dala ko ay inilagay ko sa kandungan ko. Halata paring problemado..





Nag angat na ito ng mukha sabay baling ng tingin sa akin.. "Hug mo ako.." Malambing nitong turan pagka tapos ay tumulis ang nguso nito. Hay para talaga itong bata! Yayakapin ko na sana ito ng maalala ko ang mga dala ko. "Bakit yang mga dala mo?'' Pansin din nito sa nasa kandungan ko..








Nilagay ko muna ang mga bitbit ko sa may backseat bago ko syang hinarap. Dumukwang ako tsaka ko niyakap nang mahigpit..







                       "Hmmmnnn.. thank you Kim. Kanina ko pa ito kailangan.." Turan nito habang mahigpit din itong gumanti ng yakap sa akin.. Kaya lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya alam ko din na kailangang kailangan nya ako.. Hindi ko alam kung ilang segundo kami ng ganung ayos...








              Nang magbitaw kami mula sa pagkakayakap ay agad kung kinulong ang mukha nito gamit ang dalawang palad ko.
"Sorry about what happened kanina ha!"








                 "Kiss mo nalang ako para okay na ako.." Sabay nguso nito. Seriously Gem? Napa tawa naman ako ng mahina sa gusto ng brat na ito. Your wish is my command' wika ko sa isip ko.. Pagka tapos ay mabilis ko nang siniil nang halik ang mga labi nitong sobrang sarap ding halikan,kung ang labi ko ay lasang cherry. Sabi nga nya! Ang labi naman nito ay lasang fresh milk. Totoo! Yun ang nalasahan ko. Narinig ko naman ang mahinang pag ungol nito. Bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ko ay binitawan ko na ang mga labi nito. Baka maadik pa ako sa labi niya.






          "Yan okay na ba ang babe ko na super spoiled brat!!" Asar ko dito para mawala ang pagka ilang kung nararamdaman. Sinabayan ko pa nang pag tawa. Dahilan para mapa labi ito..








                  "Hindi ako spoiled brat no!" Depensa naman nito sa kanyang sarili. "Teka pala bakit may dala kang mga gamit may lakad ka ba?" Pag iiba nito sa usapan. Napa buga naman ako ng hangin nang maalala ko pag tatalo na naman ng kuya ko at asawa nito kanina.








              "Balak kong mag transient muna ngayong gabi. Lumalala kasi yung pag aaway ng kuya at hipag ko. At pakiramdam ko nadadamay na ako sa sitwasyon nila!" Wika ko sabay hugot ko ng malalim na paghinga. "Napaka selosa kasi ng asawa ng kuya ko lagi nyang pinag bibintangan ang kuya ko na may babae. Ganun ba talaga kagaganda ng lahi namin lahat nalang nang natatatgpuan namin mga seloso at selosa!" Biro ko na naman dito..
Napa iling naman ito sabay ngisi tsaka nya binuhay ang makina ng sasakyan. Maya maya pina usad na nito ang kanyang sasakyan.








             "Ihatid mo na lang ako sa isang transient house.. o gusto mo bang kumain muna.." Turan ko dito habang busy ito sa pagmamaneho..







            "No way!! Ikaw din naman ang nagsabi na spoiled brat ako so,panindigan ko na. Uuwi tayo sa bahay namin!'' What? Napa awang ang labi kong nagbaling nang tingin sa kanya. Nakaka hiya sa parents nya!







                      "Gem.. I can manage myself okay!" Kontra ko.








                    "No way!" Wika nito sabay iling.. "Dun ka nalang sa bahay mag stay at isa pa hindi ka pwedeng umuwi bukas dahil sa Saturday na ang birthday ni Mom..''
Oo nga pala gosh! Mukhang wala na yata akong lusot..

"In love With Who!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon