Chapter 27

2.6K 92 2
                                    

GEM POV




                  Sinuot ko ang two piece kung dala tsaka ko pinatungan ng coat. Wala naman kasi akong dalang ibang damit kundi pang swimming at pantulog. Tsaka yung isusuot kong pauwi bukas.. Baka lang maisipan kong mag swimming dahil yun naman ang propose kaya nagtungo sa ganitong lugar. Ayoko namang lumabas na naka pantulog.








                  Mag hating gabi na nang nagpasya akong lumabas ng suite ko. Mukha mahimbing na nga ang tulog ni Art,mas mainam para makapag muni muni naman ako. Medyo mahangin pero mukhang hindi naman uulan dahil maraming nagkikinang na butuin sa kalangitan. Nag pasya akong maglakad lakad sa may dalampasigan, may mga gising pa naman yung iba mga life guard dito sa resort at yung mga mahilig mag night swimming..







            May nag bobonfire pa malapit sa matatayog na puno ng niyog, mukhang grupo iyon ng magkaka ibigan na nagkakasiyahan. Hindi ko na sila pinagka abalahang tignan at humakbang na ako patungo sa dalampasigan. Tumungo ako hanggang sa parteng nahahampasan ng alon at hinayaan kong mabasa ng aking mga mata. Tinanggal ko pa ang suot kong tsinelas para mas feel ko ang aking natatakpan..Sarap ng tubig katamtaman lang ang lamig. Parang gusto ko tuloy bumalik dito yung mag isa ko lang.. Tahimik naman ang buong paligid, maliban lang sa ingay ng isang grupo na nadaanan ko kanina. Halatang mga lasing na ang mga iyon.
Naririnig ko pang naglalaro sila ng truth or dare sobrang lalakas ng boses.









          Napa hugot nalang ako ng malalim na paghinga, wala kasi akong ganyang karami ng circle of friends. Buong buhay ko si Art lang ang naging kaibigan ko, ang best friend ko at ngayon boyfriend ko na. Nagkaroon man ako ng isa pang kaibigan kaya lang tinakwil na nya ako..Napa ngiwi tuloy ako!
Sabagay balak ko naman sya noong iwasan nung minsay naiipit ako sa sitwasyon kaya lang.. hindi ko pala kayang gawin yun dahil importante na sya sa buhay ko! Samantalang sya sobrang dali lang para sa kanyang na kalimutan ang aming namuong pagkaka ibigan..
Hayy naku bakit kasi sya na naman ang sumasagi sa isip ko.. pinilig ko ang ulo ko. Inaabot tuloy ako ng inis at sama ng loob..
Lalo tuloy akong hindi dinadalaw ng antok.









           "Kimberly..go girl truth or dare!" Napa baling tuloy ako sa grupo ng biglang marinig ko ang pangalan ng babaeng ayoko ng isipin pa. Sa dinami rami kasi ng pangalang babanggitin bakit... Argh! Marami ba syang kapangalan.. Pero mabilis din akong nagbawi.
Kesa tuluyan pa akong ma bad trip nagpasya na akong bumalik ng cottage. Habang bitbit ko ang aking tsinelas nag paa paa na akong humakbang pabalik.. Puro bungahin naman ang naapakan ko at sarap ito sa talampakan parang minamasahe yung paa ko.









              Bago pa ako tuluyang makarating sa may cottage, biglang may humablot sa isang braso ko at hinila patungo sa madilim na bahagi ng resort.. Teka! Sino ba to?
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko ng sandaling ito.
"A-no ba! B-bitawan mo nga ako!!" Kanda utal ko nang turan kong sino man itong mapangahas na humila sa akin pilit kong binabawi ang braso ko hindi ko namalayang nabitawan ko na pala yung dala kong tsinelas. Mabilis nito akong sinandal sa  isang puno ng niyog tsaka nya binitawan ang braso ko..








               "Babe ssshhh..." Anas nito sa tainga ko para hindi ako magpahic, pagka tapos dinikit nito ang kanyang katawan sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko at nakilala ko kaagad kung sino ang may ari ng boses at nagsi tayuan yata lahat ng balahibo ko. Marahan nitong hinaplos ang magkabilang balikat ko habang magka dikit ang aming katawan.
Lalong kinalaki ng mga mata ko ng naramdaman ko ang malambot at mainit nitong labi na humahalik sa punong tainga ko. Patungo sa aking pisngi ang mga labi niya, hindi ko naman maiwasang mapa singhap ng sandaling ito lalo na nang malapit na sa labi ko. Naamoy ko ang magka halong alcohol at cherry..









                "K-kim teka..." Saway ko.






                "Yes babe.." Bulong nito sa labi ko.. Oh gosh!! Yung Kimberly na narinig kong binigkas na pangalan kanina, hindi lang basta kapangalan nya kundi sya mismo at paanong nangyari na andito din sya ngayon sa resort na ito.. Akala ko ba hindi na kami magka ibigan-








                 "Kim... Lasing ka- uhhmmpp-" Bigla nalang nitong sinunggaban ang labi ko at siniil ng halik lalong kinalaki ng mga mata ko.. Halos sakupin nito ng buo ang mga labi ko at tsaka marahas ang paraan ng pag halik niya sa akin. Kaya lang kahit ganito ang paraan ng paghalik nito sobrang nagustuhan ko parin. Oh gosh!! Ito yung lasa nang halik na hinahanap ko na hindi ko nalasahan sa mga halik ni Art sa akin..
Si Art.. si Art na boyfriend ko.. Bahagya ko tuloy naitulak si Kim nang sandaling ma realize kong mali itong ginagawa nya sa akin. At isa pa galit pa ako sa kanya.
Kapwa kami hinihingal ng maglayo ang aming mga labi.








           "Babe..." Malambing nitong turan.. pagka tapos ay pinagdikit nito ang aming mga noo.
Naramdaman ko ang isang palad nito na humahaplos sa aking pisngi pababa sa akong leeg.









              "Huwag mo akong matawag tawag nyan.." Saway ko rito.. Narinig ko naman itong napa tawa ng mahina. Naramdaman ko nalang ang kamay nitong tinatanggal ang pagkaka botones ng suot kong coat.







           "Ako naman ang unang tumawag sayo ng ganyan.." Turan nito tsaka mabilis na muling siniil ng halik ang mga labi ko. Hindi ko din namalayan na tumutugon na pala ako sa bawat halik nito sa labi ko. Narinig ko mula sa kanya ang mahina nitong pag ungol. Hindi ko din namalayan na tuluyan na nitong natanggal lahat ng pagkaka botones ng coat ko at naramdaman ko ang isang palad nito sa dibdib ko. Marahan nitong minamasahe sa ibabaw ng suot kong swimsuit. Samantalang ang isang braso naman nito ay mahigpit na naka yakap sa aking baywang.









          "Oh gosh Kim..." Ungol ko nang lumipat ang mga labi nito sa leeg ko.. It feels good.. "Hmmnn.." Diko napigilang bigkas ng nakapasok na ang palad nito sa loob ng swimsuit. Mainit at malambot ang palad nitong marahang minamasahe. Nag simula nang nag iinit ang aking pakiramdam..








            "Kimberly.. where are you?"  Biglang may maulinigan ako kung saan, dahilan para bahagyang maitulak ko ito.. pagka tapos ay mabilis kong inayos ang suot kong coat. Hinahanap na sya ng mga kasama nya. Gosh ano ba itong ginawa ko ay namin pala.. Akmang aalis na ako ng mabilis nitong hinawakan ang braso ko.








             

               "Babe dito ka lang..." Bulong nito.  No!! Mali ito. Yung boyfriend ko na payapa ng natutulog tapos ako andito sa labas at nakikipag lampungan- Argh!










                 "Hindi pwede.. kailangan ko nang umalis, baka hinahanap na ako ni Art!" Wika ko dahilan para bitawan na nito ang mga braso ko.. Narinig ko ang pag hugot nito ng malalim na paghinga. "Bumalik ka na sa mga KAIBIGAN mo." Pinag diinan ko talaga yung word na kaibigan. Bago ako tuluyang umalis sa lugar. Kahit medyo madilim lakad takbo ang ginawa ko pabalik ng cottage habang naka paa paa. Hindi ko alam kung saan na banda ko nabitawan yung tsinelas ko kanina.







             Nang makabalik na ako sa may cottage mabilis na akong tumungo sa loob ng kuwarto. Hawak hawak ko ang dibdib ko habang hinihingal at marahang umupo sa may kama.

"In love With Who!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon