GEM POV
Lalo ko pang binilisan ang aking paghakbang sa hallway ng university upang mahabol ko si Kim isang hapon. May isang subject pa ako kaya lang ngayon lang yung time ko para maka usap ko sya. Humanda talaga sya sa akin! Gigil kong turan sa sarili ko.. Pagka tapos nung nangyari sa resort ilang linggo na ang nakakaraan patuloy parin nya akong iniiwasan na para bang wala lang sa kanya yung ginawa nya. Oo andun na ako bago pa nangyari yun iniiwasan na nya talaga ako kaya lang.. Argh!! Bakit pa nya kasi ginawa ang bagay na yun kung ayaw na nya talaga akong kausapin at maging kaibigan.
Kailangan ko syang mahabol bago pa ako makita ni Art dahil kapag kasama ko na naman ito wala na naman chance para makompronta si Kim. Syempre walang alam si Art sa nangyari.Napa kunot noo ako dahil hindi naman sa parking area sya papunta kundi sa mismong main exit ng university. Pero patuloy ko parin syang hinabol,konting konte na lang maabutan ko na sya.
"Kim.." Pikit mata kong turan kasabay nun ay ang paghablot ko sa kanang braso nito. Sakto naka labas na kami sa gate ng university.Hinigpitan ko ng husto ang pag hawak sa kanyang braso upang wala na syang kawala. Nagtaka naman ako ng kalmado lang itong nagbaling ng mukha sa akin.. lalo lang tuloy nadagdagan yung inis ko sakanya.
"Gem!!Bitawan mo nga ako nasasaktan ako." Pabulong pero may diin nitong sabi.. Hindi ko naman pinakinggan ang sinasabi nya at wala akong balak binitawan ang braso niya. Nanatili akong naka titig sa kanyang mukha. Dahilan para bigla itong napa tawa nang mahina. "Gem..nagmamadali ako kailangan ko nang umalis." Kalmado na nitong turan. Ano bang problema nya kanina parang galit sya tapos ngayon bigla nagbago ang ekspresyon ng mukha nya..
"So ganito na lang ba! Pagka tapos nung nangyari sa resort patuloy mo parin ba akong iiwasan.." Ewan pero bilang nag init ang sulok ng aking mga mata ng sandaling ito. Nakaka inis kasi sya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib tuwing paggising ko sa umaga at maalalang hindi na pala kami magka ibigan na dalawa. Wala na yung natural na saya kapag kasama ko sya, yung sobrang gaan na pakiramdam. Kahit kasama ko palagi si Art parang may kulang.
"Gem.. look! Nagmamadali ako.. Tsaka nalang natin ito pag usapan okay." Malumanay nitong turan. So, alam naman nya pala yung nangyari pero bakit patuloy parin syang umiiwas? Inisip ko pa nga baka lasing lang sya that time at hindi na nya yun matandaan. Tapos ngayon sasabihin nyang tsaka nalang namin yun pag uusapan- how dare she! Kaya.. NO! Ang sagot ko. Kailangan na namin pag usapan ito ngayon din.. Kaya hindi ko parin binitawan ang braso nito. "Gem.. huwag mong pinapairal ang pagiging brat mo ngayon. Kailangang kailangan ko nang umalis." Seryoso na nitong sabi. Brat huh!
"Sagutin mo nalang itong tanong ko. Magkaibigan parin ba tayo?'' Muli nitong sinalubong ang mga titig ko.."No Gem.. hindi na tayo magka ibigan. Hindi na tayo pwedeng maging magka ibigan-'' Prankang nitong sabi.. Sabay iwas ng tingin. Parang may pumiga sa puso ko ng sandaling marinig ko ang tagang yun galing sa kanya pakiramdam ko babagsak na ang luha ko anumang oras. Napa singhap ako ng husto pagka tapos ay marahan ko nang binitawan ang kanyang braso. Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin, kahit hindi na pwede-
"Kim let's go.. Kailangan na nating umalis, nagpapanic na sila Tita sa hospital.." Dun ko lang napansin ang sasakyan na naka parada sa harapan namin at naka dungaw si Erick sa may bintana at bahagya naman nito akong tinanguan ng nagbaling ng tingin sa akin, bakas sa mukha nito ang pagka bahala.. Si-sinong nasa hospital?
"Kim-" Bigkas ko, kaya lang wala nang ibang salitang namutawi pa aking bibig. Gusto ko lang sanang itanong kung sinong nasa hospital.
Kaya lang para naman akong naka tuod sa kinatatayuan ko habang si Kim ay mabilis nang kumot at pumasok na sa loob ng sasakyan. Hanggang sa tuluyan nang naka alis ang sasakyan ay nanatili parin ako sa aking kinatatayuan.
Hindi ko maiwasang mag aalala sa nalaman ko, at biglang kinabahan sa nalaman kung sino ang nasa hospital ng sandaling ito.Tila wala ako sa sariling
humakbang patungong parking lot ng university. Diri diretso lang ang lakad ko dahil ang nasa isip ko lang ngayon ay kailangan kong malaman kung sino ang nasa hospital kaya nagmamadaling umalis si Kim. At bakit kailangang sumabay pa sya sa Erick na yun! Mag sarili naman syang sasakyan."Gem..." Mariin akong napa pikit nang marinig ko ang boses ni Art. Please lang sana huwag ngayon. Patuloy lang ako sa paghakbang, malapit na ako sa may parking area. "Gem wait saan ka pupunta!" Habol nito kaya lang hindi ko parin sya pinanpansin. Saktong nasa harapan na ako ng pinto ng sasakyan ko ng tuluyan nya akong nahabol. Ang tagal ko kasing hinagilap ang susi sa loob ng aking bag.
"Gem.. babe what's wrong?" Tanong nito at hinawakan ang isang braso ko."Art please may pupuntahan ako!" Tugon ko at binuksan ko na agad ang pintuan ng sasakyan..
"Saan naman? May klase pa tayo.." Wika nito. Pero hindi ko ito pinansin akmang papasok na ako nang sasakyan ng hindi parin nito binibitawan ang braso ko.
"Art ano ba! Bitawan mo nga ako.." Naiirita ko nang turan. Alam kong nabigla ito sa inasal ko kaya mabilis nitong binitawan ang braso ko.
"Gem.. Saan ka ba kasi pupunta sasama ako-"
"No Art... I have to go!" Pinal kong sabi sabay sara ng pintuan. Kumakatok pa ito sa bintana ng sasakyan pero wala akong pakialam dahil ang tanging nasa isip ko ngayon. Sa ayaw at sa gusto ni Kim pupunta ako ngayon sa bahay nila. Mabilis ko nang in start ang makina ng sasakyan at tsaka pinaharurot.
Dasal ko habang nasa daan na sana kung sino man ang nasa hospital ay hindi ganun kalala ang kondisyon nya. At sana maabutan ko sila Kim sa daan para sana hindi na ako tumungo sa bahay nila at susundan ko na lamang sya. Kaso ang problema hindi ko pala natandaan ang plate number ng sasakyan dahil hindi pala sasakyan ni Kim ang gamit nila.
Hay naku! Bahala na nga..Gusto ko mang mas bilisan pa ang pagpapa takbo ko baka mahuli kasi ako ng over speeding. Kung malapit lang sana para wala na itong sobrang pag aalala ko. Narinig kong may tumatawag sa phone ko ng I check ko yun ay si mommy ko. Bakit naman ito tumatawag ng ganitong oras? Baka naman may kinalaman si Art dito. Paki alamero talaga! Kahit ba boyfriend ko sya mas importante yung pupuntahan ko ngayon..
Kaya kahit yung tawag ni Mom hindi ko muna pinansin. Mamaya ko nalang syang tatawagan at pagpapaliwanag sa kanya.Pagka rating ko sa bahay nila Kim nagmamadali na akong lumabas ng sasakyan at agad na kinatok ang pinto. Kaya lang parang sobrang tahimik at naka ilang katok na ako pero wala paring nag bubukas ng pinto. Asan ba ang mga tao dito?
"Gem?" Nagulat pa ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Pag lingon ko sa direksyon sa tumawag sa akin nakita ko si aling- aling.... Ah basta nakalimutan ko na yung pangalan nya, sya yung kasama nila dito sa bahay at may dala dala itong walis tingting.
"Gem wala sila ma'am.."''Saan po sila nagpunta?" Tanong ko naman ng tuluyan na itong naka lapit, bakas din sa mukha nito ang pag aalala..
"Nasa hospital.. naaksidente kasi si Kirby sa motorsiklo kritikal ang lagay.." Turan nito..
What? Nanlaki ang mga mata ko at napa awang ang mga labi ko sa nalaman ko.
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomanceGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.