Chapter 18

2.5K 99 2
                                    

GEM POV



                 Kumukulo talaga ang dugo ko sa ex boyfriend ni Kim ng sa kauna unahang pagkakataong makita ko ito. Hindi ko lang maiwasan na hindi isipin yung mga ginawa nya noon sa kanya. Kapal naman ng pag mumukha nitong magpa kita pa kay Kim at sa pamilya ni Kim.  Pasalamat sya sobrang bait ng parents ni Kim at pina tuloy parin sya sa bahay nila sa kabila ng ginawa nya noon sa anak nila..





            Inaya ako ng Mama ni Kim kanina na makipag kwentuhan sa living room pagka tapos ng dinner kaya lang hindi ko talaga maatim na pakiharapan yung lalaking yun. Nag dahilan na lang akong pagod sa beyahe at gusto ko nang magpahinga. Ayoko talagang makasalamuha ang ex boyfriend ni Kim.
Naglinis ako nang katawan at nag bihis ng pantulog,sinout ko ang pantulog ni Kim puro T-shirt naman na malaki at boxer short ang pantulog niya. Mamaya pala damit pa ito ni Erick na yun! Argh.. hindi naman siguro. Sumampa ako sa kama pagka tapos ay nagtalukbong nang kumot.




             Para lang akong tangang naka higa,nakatagilid at ang likod ko ay naka talikod sa may pinto. Mulat na mulat ang aking mga mata at nagmamaktol nang wala namang karapatan. Eih kasi naiinis lang ako bakit pa niya ini entertain ang lalaking yun! Ilang oras pa bang mag stay ito dito bakit dipa kasi umuwi gabing gabi na. Hmp!







                      Bigla namang nag ring ang cellphone ko at nang tignan ko kung sino ang tumatawag..  Si Art-
'isa ka pa eh' Wika ko sa isip ko sabay switch off nang phone ko. Lalo tuloy uminit ang ulo ko.
Bumalik na naman ako sa pag mumuni muni nang biglang narinig ko ang pag bukas nang pintuan nang kuwarto. Tyak kung si Kim na yun,buti naman at umuwi na ang bwisita nya!





              Narinig ko ang pag bukas-sara ng pinto. Pagka tapos ay naramdaman kong lumundo ang kama sa likod ko..







               "Gem gising ka pa ba?" Tanong nito. Naramdaman ko ang marahang pag haplos nito sa balikat ko sa ibabaw ng kumot..Magkunwaring mag tulog tulugan na sana ako kaya lang hindi ko matiis na hindi sya sermunan dahil kanina. Hindi nya tinapos kumain para lang sa lalaking yun.
Bigla tuloy akong napa balikwas ng bangon tinanggal ko ang kumot. At kunot noo akong humarap sa kanya..





               "Gosh Gem.. nakakagulat ka naman!" Wika nito sabay hawak sa dibdib nito..





            ''Bakit mo pa kinaka usap ang lalaking yun! Akala ko ba sobra ka nyang sinaktan noon." Pagalit kong turan na pinag taka naman ng itsura nito.. Pero nang na gets nito ang ibig nitong sabihin bigla ba naman itong napa tawa ng mahina..






                   "Yung nangyari noon nakaraan na yun! Sabi naman nya nag bago na sya-"





                "Ano??'' Bigla na tuloy akong napa tayo mula sa pagkaka upo ko sa kanyang kama at naka pamewang sa harapan nito. "At naniwala ka naman agad.. Itsura palang niya gago na!" Parang wala lang naman sa kanya ang pinag sasabi ko at tinawanan lang nya ako.
Hindi ba nya kita na galit na ako ng sandaling ito!
Tumayo na rin ito mula sa pagkaka upo,humakbang palapit sa kinaroroonan ko sabay hapit nito sa aking baywang.






             "Bagay pala sayo yang damit ko eh!" Naka ngiti nitong turan habang pinapa sadahan nito ng tingin ang kabuuan ko..







                "Ewan ko sayo.. huwag mo ngang ibahin ang usapan Kimberly.." Buo ko talagang binigkas ang pangalan nya. Napa tawa na naman ito parang nang aasar lang!





                "Look at your face babe, your acting like a nagging girlfriend.." Sabay bitaw nito sa akin. At umalingaw ngaw ang malutong nyang halakhak sa loob ng kuwarto. Tumalikod na ito at humakbang patungo sa banyo at hanggang sa loob dinig ko parin ang malulutong na tawa nito.
Argh!! Nakaka inis.. Mukhang ang saya saya nya nakita lang nya yung ex boyfriend nya!! Maktol ko.




                 Padabog akong bumalik sa pagkaka higa.. pagka tapos ay nagtalukbong nalang ng kumot. Mabuti pa itulog ko nalang itong inis ko. Inis ko kay Art sa ex boyfriend ni Kim.  Ah basta.. Hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako at naramdaman ko na lang na ginising na ako ni Kim dahil maaga kaming babalik ng Baguio.. Naka bihis na ito ng ginising nya ako,medyo madilim pa nga sa labas dahil 4am palang nang umaga.




  
             Mabilis na akong nag linis nang katawan at sinuot kong muli ang uniform kong suot ng nagpunta ako dito. Yung sasakyan ko nalang ang ginamit namin mag ko commute nalang daw ito pag uwi nito ng Friday nang hapon. Ah basta ihahatid ko sya pero hindi ko pa sinabi sa kanya ang balak kong iyon.
Sya naman itong nag presentang magmaneho.






             "Ang tahimik naman.." Wika nito ng wala kaming imikan habang nasa sasakyan. Paano naalala ko kasi yung surprise ni Art sa kanya at ngayon na iyon.  Hindi ko lang maiwasang isipin kong anong mangyayari sa surprise na yun!







         "Inaantok pa kasi ako. Pwede bang maidlip muna!" Katwiran ko naman. At bahagyang in slide ang likod ko sa sandalan ng upuan.





           ''Okay ka na ba?" Bigla namang nag seryoso ang salita nito kaya agad akong nagbaling ng tingin sa kanya. Naka tutok lang naman ang tingin nito sa daan.







             "What do you mean okay!" Turan ko naman habang naka titig parin ako sa gilid ng mukha nito. Ang ganda naman nitong driver ko..









         "Okay na ba yung pakiramdam mo about sa pag uusap ninyo ni Clinton kahapon!'' Turan nito. Medyo gumaan naman yung pakiramdam ko kaya lang parang hindi ko pa kayang harapin si Art. Oh! I forgot naka off parin pala yung phone ko hanggang ngayon. Mabilis kong kinalkal ang phone ko sa aking bag,nang mahanap ko ay agad ko itong binuhay..






             "Hindi pa okay..." Tugon ko sa kanya habang ang atensyon ko naman ay nasa phone ko. Sunod sunod na alert tone ang bumungad sa akin. Galing kay Art yung message.. Kung pwede daw ba kaming mag usap. Hindi ko pinansin ang message nyang yun!. Tapos yung iba galing kay Mommy tinatanong kung asan na daw kami ni Kim. Agad ko namang sinagot na on the way na.. "Si Mommy aga nagising nag handa ng breakfast natin. Parang mas anak pa ang turing sayo ah!" Biro ko lang naman yung huli kong sinabi sa kanya..







               "Well,bawing bawi ka naman sa parents ko." Natatawa naman nitong turan sa akin. Napa tawa na rin ako ng mahina sa sinabi nito sabay titig sa kanyang mukha. Masayang masaya ako na nakilala ko sya at naging kaibigan. Parang bigla akong nakaramdam ng lungkot na isiping kung sakaling magka balikan sila ni Erick na yun mawawala na yung ganitong atensyon na pinupukol nya sa akin.. Kaya siguro ganun nalang yung inis ko kagabi sa ex nya..
Kusang kumilos ang katawan ko at sumiksik sa tabi nito habang nagmamaneho at sinandal ang ulo ko sa balikat nito.









                  Napa pikit naman ako nang maramdaman ko ang palad nitong humaplos sa kanang pisngi ko.  Bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko magpaliwanag kong bakit. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam yung init at lambot nang palad nitong humahaplos sa pisngi ko..

"In love With Who!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon