Chapter 22

2.6K 88 21
                                    

GEM POV





"Art...Can we talk?" Birthday na ni Mommy bukas,ayoko namang maging awkward ang sitwasyon naming dalawa sa harapan ng magulang namin. Isa pa yung tungkol kay Kim baka ma supresa pa ito bukas pag nakita nya ito na nasa bahay namin.. Mahabang paliwanagan na naman ito! Hinawakan ko ang braso nito habang sinalubong ko sya dito sa hallway ng university. Nagtaka naman ako ng malamlam ang mga matang nitong tumitig sa mga mata ko.







"Gusto rin talaga kitang maka usap Gem." Seryoso din nitong turan. "Tara muna sa parking maaga pa naman.. Dun lang tayo mag usap." Aya nito. Agad naman akong pumayag dahil gustong gusto din talagang magka ayos na kami. Best friend ko parin sya at ayoko ding nagkaka ganito kaming dalawa dahil lang sa iisang babae.
Nagulat pa ako ng hawakan nitong ang kanang palad ko at first time lang nyang hawakan ang kamay ko ng ganito. Isa rin ito sa pinapangarap kong mangyari noon pa. Naglalakad kami sa public places habang magka hawak ang aming mga kamay. Hinila na nito ako patungong parking lot ng university. Pagka tapos ay tinungo namin ang kanyang sasakyan. Inalalayan nya akong pumasok sa loob ng kanyang tsaka mabilis itong umikot sa at umakyat na rin ito sa driver seat at agad na sinara ang pintuan.








Bigla namang naging awkward ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. At namayani ang naka bibinging katahimikan. Nilingon ko ito sakto namang nagbaling sya nang tingin sa akin. Kapwa kami napa ngiti at ito ang unang nagbawi nang tingin.








"I'm sorry!?" Sabay naming wika sabay pa kaming napa tawa.






"Ladies first..." Bigla naman nitong turan. Okay let's do this.. Turan ko pa sa isip ko.. Huminga muna ako ng malalim bago sinimulang magsalita.








"Ayokong nagkaka ganito tayo Art. Alam mo naman na siguro itong nararamdaman ko para sayo, hayaan mo mawawala din siguro ito. Ang mahalaga sa akin ay ikaw at itong pagkaka ibigan natin." Sincere kong sabi sabay titig sa mukha nito ng saktong humarap ito sa akin.






"Gem.." Sabay hawak nito sa dalawang kamay ko. "I'm so sorry din kung lagi nalang kitang nasasaktan. Na realize ko na..'' Bigla namang para akong kinabahan ng sandaling ito. Na realize na ba nya na mahal din nya ako? "Gem.. Babawi ako promise..." Naka awang lang ang mga labi ko habang naka titig sa guwapo nitong mukha..








"Mahal mo ako diba?" Tanong nito. Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa mga mata ko. Mahal? Oo naman noon pa.






"O-oo.'' Nauutal kong tugon. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi pagka tapos ay bigla nalang akong kinabig ang niyakap ng mahigpit.








"Kung ganun sinasagot na kita.." Turan nito. Ano daw? Nabibigla parin ako sa mga nangyayari ngayon. "Biro lang.." Agad namang bawi nito. "Ibig kung sabihin tayo na." Sabay bitaw nya mula sa pagkaka yakap sa akin at muling tumitig sa aking mukha. "Girlfriend na kita at boyfriend mo na ako.." Ha? Paanong nangyari...








"Art.... uhhmmpp-" Bigla nalang nitong siniil ng halik ang mga labi ko. Nang hindi ko pa nga tapos ang gusto kong sabihin. Uumpisahan ko pa nga lang sana. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito sobrang nabigla ako sa mga nangyayari.
Buti nalang at binitawan din agad nito ang mga labi ko.
Hinalikan nya ako! Dapat masaya ako dahil noon pa man gusto ko nang gawin namin ito, ini imagine ko pa nga dati na naghahalikan kaming dalawa. Ibig sabihin pinag papantasyahan ko sya.. Kaya lang bakit nakaramdam ako ng takot ngayon at pagka ilang!.. Parang pakiramdam ko ang lamig ng labi nyang lumapat sa labi ko kanina..







"Ako yung first kiss mo diba?" Masayang masaya nitong wika habang ang isang palad nito ay hinahaplos ang kaliwang pisngi ko. First kiss? Pag uulit na naman ng utak ko sa sinabi nito. Bigla ko tuloy naalala si Kim. Yung kiss kagabi..
Gosh! Ang galing galing nyang humalik at nakaka adik ang labi niya. Buti nalang at kinatok na kami ni Mommy sa kuwarto kagabi at bigla akong natauhan sa aking ginawa.
Bigla akong napatayo mula sa pagkaka upo sa kama at bigla akong nahiya sa kanya.








"Gem okay ka lang?" Untag ni Art sa akin. "Ano ba yan babe.. Isang kiss ko palang sayo natutula ka na laagad!" Natatawa naman nitong turan. Babe? Endearment sa akin yun sa akin ni Kim. Parang ayaw nang kalooban kung itawag sa akin yun ni Art.









''Hmn- Art!" Tikhim ko.. "Parang sobrang bilis naman yata-"









"Gem I promise magiging mabuting boyfriend ako. Diba sabi ko sayo na babawi ako!" Seryosong turan nito.. Kaya lang naguguluhan parin ako.. "At isa pa tama yung mga sinabi ni Kimberly sa akin." Wika nito. A-anong ibig sabihin na nagkausap sila? Kelan? kagabi pa kami magkasama ni Kim at sabay din kaming pumasok kanina tapos si Art naman kakarating lang nya.








"Nagka usap na kayo ni Kim?" Lakas loob kung tanong... Agad naman itong napa iling.









"Nope.. diba sabi niya kahapon na may isang taong nararapat sa pagmamahal ko. Alam kong ikaw ang tinutukoy niya Gem.." Turan nito. Oo nga narinig ko nga yun kahapon at tinitigan pa ako ni Kim that time.









"Girlfriend na kita.." Masayang wika nito sabay halik sa likod ng palad ko. Bigla nalang akong napa luha ng sandaling ito. Ang tagal ko nang inasam na mangyari ang lahat ng itong. Bigla ko nalang dinaluhan si Art ng mahigpit na yakap at napa iyak ng husto. Tears of joy ba ito? Agad naman akong inalo ni Art. Mahal ko sya at masayang masaya ako dahil boyfriend ko na sya.







"Okay na ba ang babe ko?" Malambing nitong turan habang pinapahid nito ang luha na umagos sa aking pisngi. Ang sweet naman ng boyfriend ko kaya lang naiilang ko kapag tinatawag nya ako ng babe parang naririnig ko yung boses ni Kim. "Okay ka na so tara na may klase pa tayo." Aya na nito na agad ko namang kina tango.









"Wait lang Art.." Pigil ko sa kanya ng akmang bubuksan nito ang pintuan ng sasakyan. "May sasabihin pa pala ako sayo." Wika ko kaya muli itong humarap sa akin. "Tungkol pala kay Kim!" Bigla itong nag iwas ng tingin sa sinabi ko. Bigla tuloy akong naalangan kong sasabihin ko pa ba sa kanya? Kaya lang...







              "Art sa bahay pala tumutuloy si Kim ngayon nagka problema kasi sila ng kuya niya.. Wala kasi syang ibang matuluyan?" Napa kunot bigla ang noo nito sa sinabi ko.. "Yun pa ang isang sasabihin ko sayo."












              "A-ano? Papaanong-" Sasabihin ko ba kung gaano na kami ka close ni Kim sa isat isa.











          "Pumunta kasi ako sa bahay ng kuya niya kahapon gusto ko sana syang kausapin. Saktong nakita ko sya paalis nang bahay.." Totoo naman ang sinasabi ko kay Art. Nagpunta ako dun para kausapin sana si Kim kung totoo bang nagka balikan na sila ng ex boyfriend nya kaso nga lang hindi ko naman kayang tanungin. Ewan ko kung bakit..
Marahan namang itong napa tango. Ibig sabihin okay lang sa kanya na nasa bahay namin si Kim? "Hanggang bukas lang naman sya dahil in invite na din sya sa birthday ni mommy.."Dagdag ko pang turan










             "Okay babe.. no problem! Importante sinabi mo sa akin." Naka ngiti nitong sabi. Hay salamat gumaan yung nasa dibdib ko. Ang mahalaga ngayon ay ang tungkol sa aming dalawa aalagaan at iingatan ko ang aming relasyon.
               

"In love With Who!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon