GEM POV
Gutom na talaga ako.. Kailangan ko munang kumain para may lakas naman ako sa pinapa gawa sa akin ng best friend kong pinaka mamahal.. Kaya nagpasya akong tumungo muna sa cafeteria dito sa loob ng university..
Pagpasok ko sa loob napa ngiti ako dahil walang masyadong tao hindi ko kailangang pumila ng pagka haba haba.. Kapag lunch time kasi grabe punuan ang mga estudyante ditong kumakain kaya madalas sa labas nalang ng school kami kumakain ni Art. Syempre mag best friend kami kaya madalas kaming magka sama. At matagal na kaming mag best friend nasa tyan palang kami noon ng mga nanay namin dahil mag best friend din ang mga tatay namin at business partner pa sa isang car company..
Kaya may sarili din kaming sasakyan ni Art at pareho pa ang brand sa kulay lang magka iba. Sa akin blue green kay Art naman ay black..Ano bang masarap kainin.. Himas ko sa aking baba habang nagtitingin sa glass na estate..
"Miss isang fried chicken tapos isang order ng carbonara at ice tea." Wika ko sa tendera sa loob.. Agad naman itong tumalima at inayos kaagad ang aking order nagbayad na din ako. Nang mailagay sa tray ang order ko ay agad ko na itong binuhat at nag hanap ng bakanteng upuan na komportable ako.Palinga linga ako sa paligid may mangilan ngilan ding kumakaing mga estudyante yung iba parang tumatambay lang naman.. Sa wakas naka hanap na ako ng magandang mauupuan yung solo ko lang,nag martsa na ako patungo doon ng may mahagip ang aking paningin.
Oh my gosh!! Napa hinto tuloy ako sa pag hakbang. Kailangan kong maka siguro kaya tinignan ko itong muli. Mag isa syang naka upo sa pandalawahang upuan at abala ito sa pag babasa ng libro. Halatang masipag din itong mag aral ano kanyang course nya at akong year na kaya sya?
Kami kasi ni Art third year college na at pareho lang din kami ng kurso. Related din sa negosyo nang pamilya namin. Dahil pareho naman kaming solong anak kami din lang ang mag mamanage sa negosyo namin balang araw.Lalapitan ko ba sya? Napa ngiwi ako halata kasing ayaw nitong pa istorbo.. kaya lang pagkaka taon ko na ito para sa plano dahil kong ipagpapaliban ko na naman hindi ko na naman alam kong saan ko sya hahagilapin. Ito na talaga yung chance kaya pikit mata na akong lumapit sa kanya..
Para kay Art gagawin ko ang lahat maging masaya lang sya.. Napa buga ako ng hangin bago tuluyang maka lapit sa kinaroroonan ni Kim.
"Hi- ahm.. Hi Kim!!" Marahan itong napa angat ng tingin.. Gosh!! Sana hindi nya ako tatarayan.. Napa titig ito sa mukha ko at mukhang kinikilala pa nya kung sino ako..
Nanlaki naman ang mga mata ko ng mapa dako ang paningin ko sa kanyang noo. Paktay!! Namumula ito ng husto,hindi lang namumula parang nagkukulay violet na.''Makiki gamit ka ba ng mesa?" Wika nito.. obvious namang maraming bakanteng upuan. Napa awang tuloy ang labi ko at hindi ko magawang magsalita.. "Sige na ilapag mo na yan mukhang nangangawit kana eh.." Natatawa nitong turan. Oo nga noh at isa pa kumakalam na nang husto ang sikmura ko.
''Kain tayo.." Naalangan kong alok sa kanya.. at marahang umupo sa katapat nitong upuan. "Sorry pala dyan sa nangyari sa noo mo!" Paumanhin ko pa.
"Thank you pero ayos na ako dito.." Sabay taas nito sa hawak nitong libro.. Ha? Nakaka busog ba yun.."At tsaka hayaan mo na ito dahil pareho naman tayo.." Tukoy nito sa kanyang noo.. Napa ngiwi nalang ako at isa pa gutom na talaga ako kaya agad kong nang nilantakan ang naka hain na pagkain sa harapan ko. Bumalik naman ito sa binabasa nitong libro. Buti nalang talaga at konte lang ang tao ngayon dito sa cafeteria.. Kundi mag mumukha siguro akong tanga. Sarap na sarap ako sa kinakain ko samantalang itong paharap ko mukhang deadma lang sa akin..
"Ano palang course mo?" Lakas loob ko nang taong nang maubos ko na ang carbonara at nakalahati ko na ang fried chicken.. Mamaya kasi malapit na ang time. Agad naman itong nag angat ng tingin.
"Nagma masteral ako ng one year,two days lang ang pasok ko dito.. Tapos Monday to Wednesday nag tuturo naman ako sa UCU.." Tugon nito na kina awang na naman ng mga labi. Masteral? Ibig sabihin isa na din syang professor.. Kaya pala parang ngayon lang namin sya nakita dito sa university at pang ilang beses palang ngayon..
"A-anong tinuruan ko ma- ma'am." Ewan ko pero bigla nalang akong nauutal ng sandaling iyon. Nakita ko naman ang pag ngiti sa mga labi nito..
"Anong ma'am.. Kim nalang hindi naman kita estudyante.." Wika nito. "College professor ako at education students ang tinuturan ko English subject." Wow hirap nun.. nagtuturo tapos kailangan parin nyang mag aral..
"So ilang taon ka na?" Syempre may natapos na sya kaya malamang mas matanda ito sa akin,sa amin ni Art. Kaya lang hindi kasi halata eh masyado syang baby face..
"27.." Tipid nitong tugon.. hindi nga halata. para kasing kasing edad lang namin sya. Ako nga kaka 19 ko lang..
"Ahm. Kim! Pwede ba kitang maging kaibigan.." Alanganing sabi ko.. kasama din ito sa plano ni Art.. kailangan ko syang kaibiganin at kapag nakuha ko na ng husto ang loob nito tsaka ko sya ipapakilala kay Art at bahala na si Art pagka tapos.. Para kasing imposible nyang magustuhan ang best friend ko. Ngayon palang kasi nakikita ko na.. Paano kong may boyfriend na sya o di kaya fiance or asawa.. Bigla naman akong nalungkot ng isipin ko ang bagay na yun. Nalulungkot para sa best friend ko.
"Pwede naman tayong maging friends kaya lang... mas mainam siguro kong yung mga ka edad mo ang maging kaibigan mo.. Masyadong malayo ang gap ng edad natin and hindi naman ako permanent dito." Ouch!! Reject kaagad ako ang sakit naman para akong na basted kahit hindi ko pa naman yun naranasan. Ni mam basted nga hindi pa paano wala namang nanliligaw sa akin.
Napa hugot tuloy ako ng malalim na pag hinga.
"Gem nagsasabi lang ako ng totoo.." Seryoso nitong turan habang naka titig sya sa mga mata ko. Dun ko lang napag tanto na matured na nga ito mag isip kumpara sa akin.."Ahm.. oo naman! Okay lang yun. Basta friends na tayo ah!" Wika ko na kina tawa naman nito ng mahina parang hindi ito naniniwala na seryoso ako sa sinasabi ko.
"Okay.. pero maiwan na kita ha kasi may klase pa ako.." Paalam nito sabay tayo at dampot na kanyang libro.. Ha? Aalis na naman sya.. "Kim wait!!" Wika ng utak ko kaya lang hindi ko nagawa itong isatinig dahil nasundan ko na lamang ito nang tingin hanggang sa maka labas na ito ng cafeteria.
Friends na ba kami? Gosh... Ngayon lang yata ako mahihirapan sa ilang babae nang nagustuhan ni Art mula ng nag high school hanggang ngayon college na kami. At pakiramdam ko kaiba si Kim sa lahat ewan ko ba kung bakit may ganito akong pakiramdam..
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomansaGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.