Chapter 29

3K 103 8
                                    

GEM POV




                  Humahangos akong naglalakad sa may hallway ng hospital, lakad takbo na ang ginawa ko. Gosh sobrang pagod ko na matapos sabihin ng kasambahay nila Kim na dito pala sa isang hospital sa Baguio isinugod si Kirby.. Makaraan kung malaman agad na din akong nagpaalam at nagmamadali na ding bumalik dito. Bakit ko ba ito ginagawa? Hindi ko din alam sa sarili ko basta ang alam ko lang kailangan ako ni Kim ngayon-







                Bigla na lang akong napa hinto sa paghakbang ng makita ko si Kim sa hallway, naka sandal ang likod sa pader habang nasa harapan nito si Erick. Mukhang kino comfort sya nito dahil marahan pa nitong hinahagod ang balikat ni Kim. Biglang kumabog ang dibdib ko ng akmang hahalikan na nya si Kim. Oh no! Nanlaki ang mga mata ko aatras na sa ako ng kitang kita ko kung paanong iniwas ni Kim ang kanyang mukha. Bigla namang nag diwang ang kalooban ko at hindi ko napigilang mapa ngiti ng sandaling iyon.








          Nagkaroon tuloy ako nang lakas ng loob na tuluyang lumapit sa kinaroroonan ng dalawa.




                "Kim!" Turan ko at sabay pang nagbaling ng tingin ang dalawa sa gawi ko. Parang may sumundot sa puso ko nang makitang hilam ng luha ang mga mata nito. Kahit paulit ulit pa niyang sabihin na hindi na kami magka ibigan paulit ulit ko ding isisiksik ang sarili ko sa kanya. Lalo na ngayon kailangan nya din ang comfort ko.







           "Gem!Anong ginagawa mo dito.." Wika nito pero hindi naman patanong, halata din sa boses nito ang lungkot ang pag aalala..




            "Nag alala kasi ako ng husto nung narinig ko ang hospital tapos nagpapanic si Tita.. Kaya nagmamadali akong tumungo sa bahay ninyo kaso ang sabi andito daw kayo Baguio kaya bumalik din ako kaagad.. So kamusta si Kirby?'' Sunod sunod kong turan dahil sobrang nag alala na din ako. Naka awang naman ang mga labi ni Kim habang naka titig sa mukha ko.






             "What??" Mataas ang boses ng pagkaka sabi nito. "Damn it Gem! Hindi ka ba nag iisip nagmaneho ka papunta at pabalik.. hindi ka talaga nag iisip!! Paano kong maaksidente ka din sa pinaggagawa mo.. Dagdag ka pa sa alalahanin ko,  namin.." Galit nitong turan sabay mariing isinabunot ang mga daliri sa kanyang buhok.
Agad namang hinawakan ni Erick ang magkabilang balikat nito. Sabay dinig ko pang sabi niya na relax.. 





             Bakit ba sya nagagalit sa akin! Nag aalala lang naman ako at isa pa nag ingat naman ako ng husto sa pagmamaneho ko. Kaya nga andito na ako ngayon sa harapan nya.safe na safe..
"Safe naman akong nakarating ah!" Parang batang katwiran ko rito sabay yuko. Kasi naman hindi lang ako sanay na masesermunan.




           "Damn it!!" Gigil nitong turan. "You know what mas mabuti pang umalis ka na lang.. hindi ka naman nakaka tulong, kundi dagdag ka pa sa iniisip ko.." Dahil sa sinabi nito. Nagtagis ang bagang ko at kuyom ang dalawang kamao kong dahan dahang nag angat ng mukha at matalim ang titig na sinalubong ko sa kanya. Ganun ba ang tingin nya sa akin walang silbi? Ang sakit sobrang sakit ng mga binitawan nyang salita.. Sa sobrang sakit kusang umagos ang masagang luha sa aking mga mata. Fine! Napa singhap ako ng husto.




                 "I HATE YOU!!" May diin kong turan. Sobrang nanginginig na ang buong kong katawan. Konting konte nalang sasabog na ako. Buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Siya lang ang bukod tanging naka gawa nito sa akin.. Simula ngayon kakalimutan ko na din na nakilala ko sya.
Sabay talikod ko at malalaking hakbang kong naglakad palayo habang hilam ng luha ang aking mga mata.



         "Gem...." Narinig ko pang tawag nya sa akin. Lalo lang akong napa iyak ng husto ng sandaling iyon. Mas masakit pa sa pisikalan ang mga salitang binitawan nya sa akin. Napatakbo na akong palabas ng naturang hospital habang patuloy ang paghikbi ko,  hanggang sa maka rating sa pinag paradahan ng aking sasakyan. Kahit na pakiramdam ko sobrang nanlulumo na ako sa sandaling ito nagawa ko paring pumasok sa loob ng sasakyan.




            Pagka pasok ko sa loob. Mahigpit kong hinawakan ang manibela tsaka snubsob ko ang mukha ko roon, dun ko ibinuhos ang sakit na aking nararamdaman. Wala naman akong masamang intensyon para pagsalitaan nya ako ng ganun!
Umiyak lang ako ng umiyak nang biglang bumukas ang pintuan sa driver side dun ako biglang nag angat ng mukha.






              "Gem..." Naluluhang turan ni Kimberly habang marahan nitong sinarang muli ang pinto. Matalim naman ang tinging pinukol ko sa kanya. Bakit pa nya ako sinundan? Akala ko ba wala din naman akong maitutulong! "Sorry sa mga nasabi ko.. Sobrang stressed lang ako sa nangyari kay Kirby, pagka tapos ikaw!! Muntik mo nang pinahamak ang sarili mo. Dapat kasi tinawagan mo nalang ako hindi yung basta basta ka nalang pumupunta sa bahay.." Litanya nito. Habang pareho na kaming umiiyak sa loob ng sasakyan.





            


             "Paano kita tatawagan diba nga ayaw mo na akong maging kaibigan! Hindi ko alam kong anong kasalanan ko sayo bakit mo ko ginaganito.." Hikbi ko.. Agad naman nitong kinulong ang mukha ko gamit ang dalawang palad..







          "I'm sorry Gem kung nasasaktan man kita- kung alam mo lang kung gaano din kasakit para sa akin na gawin ito.. Gusto na kitang iwasan dahil ayoko ito.." Sabay iling nito. Anong ibig nyang sabihin? Hindi ko sya maintindihan..
"Ayoko itong nararamdaman ko para sayo.. kaya lang kahit anong gawin ko hindi ka parin mawala dito.!" Sabay turo dibdib nito. "Alam kong mali ito.  God!! Kaya lang... Mahal kita Gem.. mahal kita higit pa sa isang kaibigan.." Pagtatapat nito na kina awang nang labi ko ng sandaling iyon.. Kahit ako, hindi makapaniwala sa narinig ko.






               "Kim-" Yun lang ang tanging nabigkas ng labi ko. Mahal nya ako? Hindi ko alam kung anong isasagot ko..






          "I'm so sorry, hindi ko sinasadyang mangyari ito.. Basta naramdaman ko nalang." Mahina nitong turan.. "Iloveyou Gem.." Bulong pa nito habang naka titig sa aking mukha. 
Oh gosh!! Hindi ko magpaliwanag pero may kakaiba akong naramdaman habang naka titig sa mga mata niya.
Tila may sariling isip ang katawan ko, dahil imbes ba sagutin ang sinabi nito. Mabilis kong tinawid ang pagitan naming dalawa at siniil ko ng halik ang kanyang mga labi.
Nang sandaling nagka hinang ang mga labi namin bigla domoble ang kabog ng dibdib ko. Lalo na nang maramdaman kong mabilis nitong tinugon ang halik ko.







           Oh gosh... Namiss ko sya sobra.. namiss ko ang labing ito.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minutong magka hinang ang aming mga labi ng kailangan na naming sumagap ng hangin kaya marahan ko nang inilayo ang labi ko. At pinag dikit ang aming mga noo.









                "Iloveyou Gem..." Bulong nito.. hindi ko alam kung kailangan ko bang tumugon. Mahal ko na rin ba sya? "Handa ka bang iwan si Art para sa akin?" Sa sinabi niyang iyon ay biglang nalito ang damdamin ko. Bigla akong nakaramdam ng takot at pangamba! Para akong biglang napaso at napa ayos ng upo. Ako makikipag commit sa kapwa ko babae? Si Art nga hindi ko kayang ipapakilala sa magulang ko bilang boyfriend ko! Si Kim pa kaya.
"Gem!" Wika nito at muli akong pinaharap sa kanya..
















            Tinitigan ko ito ng husto.  Ang ganda ganda nya para syang isang anghel na bumaba sa lupa. Kaya lang.....
"I'm sorry Kim.." Iling ko sabay napa singhap. "Hindi ko kayang iwan si Art, sya ang mahal ko..."

"In love With Who!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon