Chapter 11

2.6K 113 10
                                    

GEM POV



Hindi maka get over si Mommy kay Kim todo kwento ito kay Dad habang nag didinner kami. Si kim na sobrang ganda,sobrang bait. Masarap kausap.. lahat na yata nang papuri nasabi na nito. Well,totoo naman ang lahat ng sinasabi ni Mom. Hindi nga rin ito makapaniwala sa edad ni Kim dahil ang alam nya magka edad lang kami. Ayaw pa nga nitong paalisin kanina kaya lang kailangan namang umuwi ni Kim sa kanila. Take note nag kuhanan pa sila ng contact number. Naunahan pa nya ako. Binabalak ko pa nga lang yun!






Malalim na ang gabi pero hindi parin ako dalawin nang antok. Bumabalik balik sa alaala ko ang mga pinag usapan namin ni Kim. Wala syang gusto kay Art? Hindi alam ni Art basted na pala sya, ako pa talaga ang unang naka alam. Bakit ba ang bait bait niya? Bakit nakakaramdam ako ng comfort kapag kasama ko sya! Nasaktan din ako noong iniwasan ko sya,hindi lang nasaktan nalungkot din.






"Hi Gem naka rating na ako dito sa amin- Kim!" Nabasa ko sa text message nang tumunog ang phone ko na katabi ko lang sa higaan. Awtomatiko naman ang pag bilis nang tibok ng puso ko ng sandaling ito. Kanino nya kaya nakuha ang phone number ko. Baka kay Mommy! Nakaramdam ako nang pagka miss sa kanya. hinatid ko pa ito sa tapat ng university kanina dahil naka park pa doon yung kotse nya..Di ko tuloy maiwasang mapa ngiti sa nabasa ko. Magkaibigan na nga kami. Kaya lang bigla namang napawi ang ngiti ko ng maalala ko si Art.








Mahal ko si Art at hangad ko ding mahalin nya din ako kaya lang gusto ko yung kusang maramdaman nya ang bagay na yun. Pero napaka imposible dahil sa tagal na naming magkakilala dapat nga noon pa. Pagka tapos may alam pala sya sa nararamdaman ko pakiramdam ko tuloy ngayon matagal na nyang pinag lalaruan ang damdamin ko. Parang nahiya na tuloy akong humarap sa kanya para kasing pagdating sa talikuran pinagtatawanan nya ako dahil alam nyang mahal ko sya... Narinig kong tumunog ulit ang phone ko.






"Babalik ako bukas dyan,susunduin kita.. nagpaalam ako kay Tita at pumayag syang ipasyal kita dito sa amin. Gusto ka din mameet ng parents ko..'' Really!! Bigla naman akong napa hawak sa dibdib ko ang bilis kasi ng tibok. "Goodnight Gem.. see you tomorrow." Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Makaka tanggi pa ba ako kung nauna na pala syang nagsabi sa Mommy ko!





"Goodnight too Kim.. thank you at nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo." Tugon ko naman. Parang bigla tuloy akong na excite sa lakad ko bukas.. So, kailangan ko na palang magpahinga para makapag ready ako sa lakad ko bukas. Umayos na ako ng higa yung komportable ako sa aking pag tulog.. Napa pikit na ako ng mga mata na may ngiti ang aking mga labi. Nang biglang tumunog ulit ang cellphone ko..
Bigla na namang kumabog ang dibdib ko..





Kaya lang bigla akong nakaramdam ng pagka dismaya nang makita ko kung sino ang nag message.. Si Art! Bakit ganun.. Samantalang dati kapag may mabasa lang akong message nito lumulundag na ang puso ko.
Parang nasaktan pa nga ako sa message galing sa kanya.








"Okay na kami ni Kim thank you hindi ko na kailangan ang tulong mo." Sabi nya sa message. Hindi na kailangan o pinapa iwas lang nya ako dahil may alam na si Kim tungkol sa naging plano namin noon at sa kanya naman mismo nanggaling iyon. Bahala nga sya!! Maktol ko.. Napa hugot nalang ako nang malalim na paghinga hindi ko nalang pinansin ang text message nyang iyon. Sabay hagis sa phone ko dito sa tabi ko at pinikit ko nang muli ang aking mga mata. Tsaka ko nalang haharapin si Art! Dahil bukas gusto ko munang kalimutan itong nararamdaman ko para sa kanya.








Nauna pa akong nagising kesa sa na iset kong alarm sa cellphone ko. At mabilis na akong naligo at nag ayos nang nasarili. Kaya lang bigla kong naalala nakalimutan ko palang itanong kay Kim kong kailangan ko pa bang magdala ng extrang damit. Magpapa tuyo na sana ako ng buhok ko nang naisipan kong tawagan si Kim!





"Yes hello babe.. I'm on my way na!" Wika nito nang agad nitong sinagot ang tawag ko. Ang aga naman nya pero ang napag tuunan ko nang pansin ay yung endearment nito sa akin.







"Ahm- Kim good morning... Aga mo yata!" Turan ko,hindi ko na tuloy masabi yung itatanong ko dapat sa kanya.
Narinig ko naman itong napa tawa ng mahina. Bigla tuloy akong na excite na makasama sya.







"Oo para maka habol ako ng breakfast dyan..Sabi kasi ni Tita pinagluto daw nya ako eh!" Really!! Close na talaga sila ng mommy ko.. Kung naging babae siguro si Art baka mas may chance pang maging close sila ni Mom.. Kaya lang kung babae naman sya malabo naman akong mainlove sa kanya.. "Gem andyan ka pa ba?" Oo pala may kausap pala ako.





"Kim... Itatanong ko pala sayo kung balikan lang ba tayo-"







"No.. nagpaalam na ako kay Tita na mag over night ka sa bahay.. bukas nalang kita ihahatid okay!" Agad nitong turan. Hay ang lakas nya talaga kay Mommy..








"Okay.. copy! Ingat sa pag drive see you." Wika ko. Hindi ko na sya na hintay sumagot at tinapos ko na ang tawag.. Mag eempake pa kasi ako ng gamit ko. First time ko kayang makikitulog sa ibang bahay nang hindi kasama ang parents ko.. May maliit naman akong maleta dinadala ko kapag nag a outing kami kasama ang parents ko. Yun nalang ang gagamitin ko. Nang matiyak kong okay na lahat ng dadalhin ko  at wala na akong naiwan nagpasya na akong lumabas nabg aking kuwarto at bumaba ng hagdanan.









               "Mom!!" Tawag ko kay Mommy habang tumungo muna ako sa may living room at nilagay sa ibabaw ng sofa ang mga gamit ko. Si Dad naman ang nakita ko galing nang kitchen naka bihis na rin ito ng panlakad tyak maglalaro na naman sila ng golf kasama ang Daddy ni Art at iba pa nilang kaibigan.  Kadalasan Sunday lang ito nasa bahay.. "Morning Dad.." Bati ko rito.












             "Morning baby.. nasa kitchen ang Mommy mo!" Turan naman nito. "Ingat ka sa lakad mo ha! Alam ko naman big girl ka na,pero sana sinama mo si Art." What? Please huwag muna ngayon nakaka umay na din syang kasama... Kahit sa sarili ko hindi ako makapaniwalang nasabi ko ang bagay na yun..








                "Nakakahiya naman po kay Kim DAd.. Ako lang po ang inaya at magdadala pa ako ng kasama." Katwiran ko naman. Marahan naman itong napa tango bilang pag sang ayon sa sinabi..











          "Hi good morning-" Sabay pa kami ni Dad na napa baling nang tingin sa main door. "Sa labas ko nalang pinark yung sasakyan ko para hindi abala.." Naka ngiti nitong turan. Napa titig lang ako sa kanya habang naka awang ang aking mga labi.Ang hot lang kasi nito sa out fit nya ngayon naka maong short at hanging blouse! At naka tsinelas lang habang ang buhok nito ay naka pusod ng mataas.. Gosh ibang iba ang itsura nito kapag nasa university, napa dako ang tingin ko sa pusod nito wala man lang baby fats at my piercing pa sya sa pusod.
"Ahm-hi po.." Bati nito kay Dad.







                "Hi.. Ikaw si Kim? Kung may anak lang akong lalaki. Mamanugangin talaga kita." Really Dad? Nakita ko naman ang pag tawa ni Kim ng mahina.. 

"In love With Who!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon