GEM POV
"Gem...!" Mariin akong napa pikit at binilisan ko ang aking paglalakad sa hallway patungo na ako sa may parking lot ng university. Dapat hindi nya ako maabutan kaya ni ready ko na ang susi nang sasakyan ko. "Gem wait!!'' Habol ni Art.. Kahit gaanong bilis pa ang gawin ko ay naabutan parin nya ako at naramdaman ko nalang na hawak nito ang isang braso ko.
"Gem!!" Mariin nitong bigkas sabay bitaw sa braso ko. Nang naka harap na ito sa akin."Bakit hindi ka sumasagot sa mga text message ko? May usapan tayo ngayon diba!" Galit nitong wika habang ako ay hindi maka diretso ng tingin sa kanya. May usapan kasi kami ngayon para sa surprise nito kay Kim bukas. Hindi na pala yun surprise dahil alam na ni Kim ang tungkol doon. Isa pa ang plano naman dun ni Art ay alukin nya si Kim na maging girlfriend kaharap ang maraming estudyante dito sa university. Buong klase din kasing hindi ko sya pinanpansin at kaninang lunch time ay tinakasan ko sya. Ayoko na kasi syang tulungan.. Tama kasi ang lahat ng pinayo sa akin ni Kim hindi naman pwedeng lahat ng gusto nya ay susundin ko.
"Art... Hindi pa ba obvious hindi kita matutulungan para bukas." Lakas loob kong turan.. Kaya ko to!
"What do you mean? Look Gem lahat naman ng pabor na hinihingi ko sayo hindi ka tumatanggi-"
"At namihasa ka naman..." Putol ko sa sinasabi nito na labis nyang kinabigla. "Pwes hindi na ngayon Art!! Dahil ba alam mong gusto kita hindi lang gusto. Kundi mahal kita kaya akala mo maging sunud sunuran nalang ako sa lahat ng pinag uutos mo sa akin!!" Nakita ko kung paano namula ang pisngi nito sa pagkakataong ito.
"Diba sabi mo pa hindi mo na kailangan ang tulong ko.. kaya diskarte mo na din yan Art! Panahon na din siguro para itigil ko na itong katangahan ko na umasang magugustuhan mo din ako.." Talagang inilabas ko na ang buong galit at sama ng loob ko sa kanya.
"Naka ilang girlfriend ka na ba na kundi din dahil sa tulong ko hindi magiging kayo. Pagka tapos ano!! Pag nakakita na ulit nang iba gumagawa ka ng way para mag break kayo... Itigil mo na yan Art!"Nakita ko kung paano ang pagtaas baba ng dibdib nito.. Kita ko ang galit sa mga mata nito. Pero wala akong paki alam ngayon dahil gusto ko lang sabihin itong nararamdaman ko na matagal ko nang tinatago.
"Gem... Ano bang pinagsasabi mo!" Wika nito. Pa inosente pa ang gago. Nakaka sakit ng damdamin..
"Ito Art tatanungin kita ngayon... Alam mong mahal kita diba? Gusto ko naman malaman kung ano bang nararamdaman mo para sa akin.!"
Tila nagulat na naman ito sa sinabi ko pero maya maya lang ay bigla nalang itong napa tawa nang mahina."Best naman.. ang seryoso mo dyan!!" Turan nito.
"Sagutin mo nalang kasi.. ano bang nararamdaman mo para sa akin?" Napa ngisi na naman ito...
"Alam mo naman kung sino ang gusto ko diba? At si Kimberly yun. Tanggapin mo na lang na hanggang mag best friend nalang tayo.." Yun lang din naman ang hinintay kong sasabihin nya sa akin. At least sa kanya na mismo nanggaling tama na tong pagpapaka tanga ko sa kanya..
"Pwes humanda ka na ding mabasted bukas!!" Hiyaw ko. Bago nagmamadaling humakbang palayo sa kinaroroonan nito. At nagtungo na sa loob ng aking sasakyan. Ang tagal kong umasa at tagal kung nagpaka tanga! Kaya lang masakit parin pala.
Nagmamadali na akong pumasok sa loob ng aking sasakyan. Alam ko namang hindi na nya ako susundan. Mabilis ko nang binuhay ang makina tsaka pinaharurot pero bago ako tuluyang naka alis nakita sa side mirror na andun parin si Art naka tayo sa pinag iwasan ko sa kanya..
Yes nagawa ko! Wika ko sa sarili ko at napa ngiti ng mapait bago umagos ang masaganang luha sa aking mga mata. Masakit ma reject pero gumaan naman ang aking pakiramdam.. Nag maneho ako ng hindi ko alam ang aking pupuntahan habang panay ang singhot ko at buti nalang my baon akong toilet paper. Pamunas ng luha ko. Sinipat ko ang wrist watch ko alas kuwatro palang naman nang hapon.Two hours lang naman ang beyahe patungo kila Kim. Kaya ko siguro kahit 1 and half hour? Bahala na gusto ko lang syang makita ngayon.. Ngayon lang ako mag da drive na labas sa city namin. Nang makarating ako ng tollgate habang trapik pa ay nag message ako kay Kim.
"Nagawa ko.. nasabi ko na kay Art ang nararamdaman ko. Basted ako pero ayos lang masaya ako dahil nalabanan ko yung ka duwagan ko. Thank you Kim. See you later!!" Message ko. Siguro ma gets naman nya siguro ang huli kong sinabi. Muli nang umusad ang sasakyan pagka lampas ko ng tollgate. Nag maneho na ako nang mabilis habang maluwag ang kalsada.
Excited na akong makita sya isa pa miss ko na din ito. Alam kung busy din ito sa pagtuturo kaya mula ng maihatid nya ako wala pa akong natanggap na message galing sa kanya.''Shit.. tumatawag si Kim!!" Wika ko nang biglang nag ring ang phone kong naka patong sa dashboard ng sasakyan. Agad kong pinindot ang receive call at loudspeaker.. "Hello Kim.." Masiglang turan ko. "Nagawa ko! Masakit pero importante naman nagawa ko.." Naiiyak kong turan. Naiiyak sa sobrang tuwa.
"Congrats babe. I'm so proud of you.." Masaya naman nitong sabi. Kaya napa kagat naman ako sa pang ibabang labi ko. "But wait lang ha! Ano yung huling message mo na see you later.. Gusto mo bang puntahan kita ngayon -"
"No.. ikaw ang pupuntahan ko. Malapit na ako!" Putol ko sa sinasabi nito kahit ang totoo ay may isang oras pa ako mahigpit bago ako makarating sa kanila. At hindi ko din mawari ang naramdaman ko sa sinabi nitong pupuntahan nya ako.."What?? Seryoso!! Nag paalam ka ba kay Tita na pupunta ka ngayon dito." Napa ngiwi naman ako sa sinabi nito.m
"Hindi... I mean hindi pa. Basta mamaya ko na sabihin,gusto lang talaga kitang makita ngayon.. I need you Kim!" Seryoso kong turan.. narinig ko naman ang pag tawa nito ng mahina. "Eih. Miss na din kasi kita I can't wait for tomorrow.." Dagdag ko pang wika.
"Oh brat... Sige ingat sa pag da drive.." Tugon naman nito. Hmp! Dami naman nyang tawag sa akin.. Babe,kid tapos brat pa.. Hindi naman ako brat ah.. "I'll wait you here okay.." Seryoso nitong sabi..
"Yes ma'am.. yes my hot professor.." Balik asar ko lang! Narinig ko na naman ang malulutong na tawa nito.. Na isa rin sa na miss ko sa kanya. Parang naglaho tuloy bigla yung sakit na naramdaman ko at inis ko kay Art kanina.
"Sige na bye na.. malapit na ako!" Wika ko ulit bago tinapos ang tawag..
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomanceGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.