KIM POV
Napa ngiwi ako nang marinig kong may nag doorbell sa labas. Mukhang tinotoo yata ni Clinton ang sinabi nitong dadalaw sya dito sa bahay ng kuya ko. Ikasaktong alas otso pa na gabi gaya nang sinabi nito kanina nang magkita kami sa parking lot ng university. May dala dala na naman itong bouquet of flowers at binigay nito sa akin.
"Tignan mo na kung sino yung nag doorbell Kim baka yung bisita mo na yan." Wika ni kuya habang naka upo ito sa may couch at abalang nanonood sa television.. Nasabi ko kasi ang tungkol kay Clinton syempre nakaka hiya naman kahit kuya ko sya nakiki tuloy lang ako sa kanila. Yung hipag ko naman abala ito sa paghahanda ng hapunan.
Naalangan parin akong tignan kung sino yung nasa labas kaya marahan akong tumungo sa may pintuan at dahan dahan ko ding binuksan ang pinto. Naka suot lang din ako nang pambahay,maong short at v-neck na white T-shirt.
"Hi Kimberly good evening.." Seryosong bati nito at may bitbit na naman itong bouquet ng bulaklak at isang box na chocolate. Typical na panliligaw! Napaka pormal pa ang suot nito bigla tuloy akong naghiya sa itsura ko."Para sayo pala.." Sabay abot nito sa kanyang dala wala akong choice kundi tanggapin na lang yun!
"Thanks Clinton.. halika tuloy sa loob.." Alok ko naman dito. Two storey house din itong bahay nang kuya ko at may apat na kuwarto sa itaas lahat ng kuwarto. Dito sa ibaba ay maluwag na sala may bar counter pa. Separated na dining room at kitchen.
Tumuloy na kami sa loob tsaka ko sinarang muli ang pintuan. Medyo nagulat yata si Clinton ng makita nito ang kuya ko. Malaking tao kasi at alaga ito sa work out kaya maganda ang pangangatawan.. Samantalang si Clinton halatang totoy pa! Lihim tuloy akong napa ngiwi.
"Maupo ka.." Alok ko at halatang naalangan itong naupo sa pang isahang upuan. Inilapag ko naman ang ibinigay nito sa may table sa gilid ng pinto.
"Ah.. Clinton kuya ko nga pala si kuya Toby.."Pakilala ko. Humarap naman si kuya ko sa kanya.. at pinaka titigan nang husto nang kuya ko si Clinton tila kinikilatis ng husto..
"Hi po.. Clinton Bonifacio po.." Nahihiyang turan nito..
"Manliligaw ka ba ni Kim? Ilang taon ka na? Saan mo nakilala ang kapatid ko? Seryoso ka ba sa ginagawa mo-"
"Kuya pwedeng isa isa lang naman.." Putol ko sa sunod sunod na tanong ng kuya ko. Tsaka ako umupo sa tabi nito sa malaking couch.
Narinig ko namang napa tikhim si Clinton."19 po.. A-alam ko po na mas ahead si Kimberly sa akin. Pero hindi naman edad ang basehan di po ba. Kapag g-gusto mo ang isang tao!" Kanda utal nitong tugon. At least hindi sya na duwag.. Kaya lang kahit malamig ang panahon kita kong pinag papawisan na ito.
"Sige ituloy mo lang.. maganda yan para makilala ka namin ng husto.. Saan mo nakilala ang kapatid ko?"
"Sa- university po kung saan ako nag aaral..." Tugon naman nito kahit lahat na tetense sya bilib na din ako sa kanya dahil naglakas loob itong tumungo dito sa bahay ng kuya ko..
Muli namang pinasadahan ng kuya ko ng tingin si Clinton tila kinikilatis ng husto."Clinton alam mo bang masyado ka pang bata para sa kapatid ko. Estudyante ka palang anong alam mo sa pakikipag relasyon.." Seryosong wika ng kuya ko.. "Dimo ba alam na asawa na ang kailangan ng kapatid ko-"
"Kuya!!" Saway ko naman kaagad dito at nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Clinton sa pagka gulat.
"Alam mo namang gusto ng magkaroon ng apo ni Mama!" Sabay bulong ni kuya sa akin. Oo at alam ko ding hindi yun maibibigay ni kuya.
"Ahm- Clinton ang ibig kong sabihin wala ka pang maipagmamalaki sa pamilya namin kung sakaling magustuhan ka din ng kapatid ko." Biglang nag seryosong baling muli ni kuya Toby kay Clinton."Alam ko naman po pero may negosyo naman po ang pamilya namin at balang araw sa akin din lang ipapasa ang mga iyon ng Daddy ko. Dahil solo po akong anak. Nag aaral pa ako oo pero gusto ko talaga si Kimberly.." Sabay baling nito sa akin at tumitig sa aking mukha..
Narinig ko namang napa tawa si kuya ng mahina.May sasabihin pa sana ang kuya ko nang tinawag na kami ni ate Lenny para sa hapunan. Niyaya ko na din si Clinton para makilala pa namin sya ng husto. Halata naman kasing may kaya ang pamilya nito pero mabait naman ito at magalang.. May konting hangin lang! Naalangan lang talaga ako dahil walong taon ang tanda ko sa kanya..
"Thank you sa masarap na hapunan Kim, sobrang sarap magluto ng hipag mo.." Wika ni Clinton nang hinatid ko na ito sa labas na bahay at naka park ang sasakyan nito sa gilid nang daan.. Pansin ko naman sa sasakyan nito parang pamilyar sa akin. Parang nakita ko na-
Ah kaparehas ng sasakyan ni Gem,parehong pareho sa kulay lang magka iba."Pasensya ka na sa kuya ko ha! Parang si Papa ko lang..." Natatawa ko namang turan pero nakita ko ang pangamba sa mukha ko nito.
"I-ibig mong sabihin mas istrikto pa ang Dad mo?"
"Hindi naman sa istrikto nag iingat lang sila dahil nasaktan na ako dati ng unang naging boyfriend ko.." Tugon ko naman.. Bigla naman nitong hinawakan ang kamay ko tsaka seryosong tumitig sa aking mukha..
"Seryoso ako sayo Kimberly,unang kita ko palang sayo noon sa university tinamaan na ako.." Natawa naman ako ng mahina sa sinabi nito. "Sobrang ganda mo at nabihag mo kaagad ang puso ko.." Korny pero nakaka kilig naman.
"May gusto pa akong aminin sayo.." Napaka seryoso naman ng lalaking ito nakikinig lang naman ako habang hawak parin nito ang isang kamay ko."Ang totoo nyan duwag ako Kim kaya inutusan ko ang best friend ko para kilalanin ka nya ng husto.." Wika nito.. best friend? Sinong tinutukoy nya.. Hindi kaya si-
"Best friend ko si Gem at hindi aksidente yung unang encounter ninyong dalawa kundi sadya yun.. Plano namin yun!" Pagtatapat nito.. Na kina singhap ko naman. Totoo ba? Yung pagka banggaan namin ni Gem-
"Sadya yun lahat Kimberly pati yung pagdala nya sayo sa karenderya kong saan tayo nagkakilala.." Bigla akong napa bitaw sa kamay nitong naka hawak sa kamay ko. Ibig sabihin ba nun lahat ng pinakita sa akin ni Gem- hindi totoo at ayon lang sa plano nila?"Mga bata pa kami mag best friend na kami ni Gem.. at alam kong in love sya sa akin kaya lahat ng pinag uutos ko sa kanya sinusunod nya. Gaya nalang nung-"
"Sige na Clinton umuwi ka na.. gusto ko na ring magpahinga may klase pa tayo bukas." Bigla kasing sumama yung pakiramdam ko sa mga pinag tapat nito..
"Ah- Kimberly galit ka ba sa akin? Sa sinabi ko-"
"Hindi.. bukas na lang ulit tayo mag usap" Tugon ko. Hindi naman ako galit kaya lang.. Gusto ko lang mag isip,ngayon ko lang kasi naranasan ang ganito. Madali kasi akong nagtitiwala sa isang kaibigan pakiramdam ko niloko ako ni Gem.. Sana naman simula palang sinabi na nito sa akin maintindihan ko naman..
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomanceGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.