Chapter 15

2.6K 123 18
                                    

KIM POV




San na kaya sya? Wika ko sa sarili ko habang andito ako sa aming living room at hindi mapakali. Dumidilim na kasi ang paligid pero wala pa si Gem,sabi nya kasi kanina malapit na sya. Saktong paalis na ako ng university nung tumawag ito kanina at nagmamadali na akong umuwi pagka tapos. Kanina ko pa gustong tawagan si Tita Dianna kaya lang nagdadalawang isip naman ako. Gusto ko lang sanang ipaalam na patungo si Gem ngayon dito sa amin. Baka kasi mag alala o di kaya magalit sya! Mamaya isipin nya bago palang kaming magka ibigan ni Gem pero bad influence na ako. Ano ba kasing naisip nya at kailangan pa nya akong puntahan dito samantalang magkikita naman na kami bukas..






"Kim.. tignan mo nga yung naka park na sasakyan sa gilid ng kalsada.. baka si Gem na yun!" Wika ni Mama habang papasok ito ng living room galing sa labas nang bahay. Napa kunot noo naman ako sa sinabi nito. Nasabi ko din kasi kanina na papunta ngayon si Gem dito. Na excite nga sila at nagmamadaling umalis si Papa at nag tungo ng palengke maghahanda daw sila ng masarap na hapunan. "Pansin ko kasi huminto sa tapat ng bakuran natin!'' Dagdag pa nitong turan. Bakit dipa kasi sya tumuloy nagpark dito sa bakuran namin! Napa kamot tuloy ako ng ulo at nagmamadaling lumabas ng bahay..




Malayo palang ako ay tanaw ko na ang sasakyan ni Kim.. Kaya nagmamadali na akong tumungo sa kinaroroonan ng land cruiser nya.. Nang tuluyang maka lapit mabilis kong kinatok ang bintana ng sasakyan at agad naman itong bumukas.
"Gem..'' Wika ko. Dumukwang ako na agad naman nitong kinabig ang aking baywang tsaka niyakap ng mahigpit naka suot pa ito ng school uniform. Mataas kasi ang loob ng sasakyan kaya kahit naka upo ito ay halos nagpantay lang kami.. Marahan ko namang hinaplos ang kanyang bumbunan ng marinig ko ang pag hikbi nito..






"Tahan na.. dika pa ba tapos umiyak nyan pumapangit kana!" Biro ko dito.Maganda si Gem,morena type ang beauty nito maganda pa ang height nya mas matangkad nga ito ng two inches sa akin. At isa pa hindi lang kasi ako sanay nang ganito yung masyadong senti. Agad naman itong kumalas mula sa pagkakayakap tsaka humarap sa akin. Pinahid ko ang mga luha nito sa kanyang pisngi gamit ang aking mga daliri.







"Tears of joy?" Patanong nitong sabi tsaka napa tawa ng mahina. Saglit ko ulit itong niyakap bago ko sinabing iayos ang pag park nang kanyang sasakyan.







Inaya ko muna itong tumuloy sa aking kuwarto habang naghahanda palang sila Mama ng hapunan. Tahimik lang ito habang naka upo sa aking kama pinag mamasdan ko naman ito habang naka tayo sa harapan nya. Ang lungkot lungkot kasi ng awra nito at mukhang malalim ang iniisip.





"Gem.. nakapag paalam ka na ba kay Tita?" Bigla kong naalala na itanong sa kanya. Marahan naman itong napa tango na para bang wala sya sa sarili. Lihim nalang akong napa buga ng hangin.
Bigla itong nag angat ng mukha at naka tulis ang nguso na tumingin sa aking mukha.







"Umupo ka kasi dito sa tabi ko.." Sabay takip sa bandang kanan nito. "Para kang tangang naka tayo dyan!" Aba ako pa talaga.. Sya kaya tong parang timang na super emote..







Marahan naman akong tumungo sa gawi niya at naupo para wala naman itong masabi..
"Tignan mo yang mga mata mo mugto na.." Wika ko. Nagulat pa ako ng bigla sumumsob ang kanyang mukha sa dibdib ko. Naka sando lang kasi ako at naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa may cleavage ko.







"Kim.. hindi parin talaga ako makapaniwalang nasabi ko lahat ng yun kay Art!.." Wika nito sabay angat ng mukha.. Buti naman umalis na ito sa dibdib ko.. Kaya lang napa pitlag na naman ako ng dinukdok nito ang mukha sa leeg ko.. Gosh!! Super clingy hindi ako sanay.. Mga friends ko hindi sila ganito sa akin. Si Erick lang! Ginagawa lang naman kasi ito ng magka relasyon eh. Ganito rin kaya sya kay Art? Nagulat na naman ako ng bigla nalang nag ring ang phone ko na hawak ko.






"Si Mommy mo tumatawag..!" Taranta kong turan.. Tatayo na sana ako pero agad nya akong pinigilan.







''Sagutin mo na! Pero dito ka lang para marinig ko yung pag uusapan ninyo.. Pag
magtanong sya tungkol sa akin sabihin mo tulog ako." Wika nito at iniyakap ang mga braso nito sa akin. Wala tuloy akong nagawa kundi sagutin nalang ang tawag ng Mommy nya.








"He-hello po Tita!" Nauutal kong turan at narinig ko namang napa hagikgik itong katabi ko..







"Hi Kim.. andyan na ba si Gem? Pasensya ka na ha! Ikaw muna ang bahala sa kanya medyo nagka tampuhan yata sila ng best friend niya. Actually kagagaling nga lang dito ni Art hinahanap sya.. Bigla naman kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang pangalan ni Art. Baka kasi nalaman na nitong close na close na kami ni Gem. Heto na nga sobrang close at parang tukong nakakapit sa akin..







"Ah- opo Tita andito na po sya. Pinagpahinga ko muna mukhang napagod sa pagmamaneho..!" Nagsisinungaling ko. Kasalanan nitong- Oh gosh!! Yung isang palad nya nasa loob ng sando ko at pinaglalaruan na naman ang piercing ko.. Tigas talaga ng ulo ng brat na to' bakit ko pa kasi ito kinaibigan.. "Ahm-Tita ano pong sabi nyo kay Art?" Pilit ko paring inaayos ang pakikipag usap ko kahit sa totoo lang sobrang distracted na ako. Hindi ko naman kasi masaway baka marinig ni Tita.




''Sabi kasi nyang si Gem sa akin na ayaw nya munang makita si Art! Kaya yun ang sinabi ko. Kaya umalis din kaagad.'' Salamat! medyo naka hinga ako ng maluwag doon. Wala paring alam si Art,kaya lang nakaka konsensya din kasi sila naman yung unang naging magka ibigan. ''Ganyan talaga ang mag best friend na yan,minsan nagkaka tampuhan. Pero magkaka ayos din lang yang dalawang yan! Sige Kim ha ikaw muna ang bahala kay Gem.."
Tita.. please off muna tong anak niyo sumusobra na...





"Si-sige po Tita don't worry po ako na po ang bahala sa kanya..bye po!" Agad ko nang tinapos ang tawag tsaka ko hinarap si Gem na busy parin sa pusod ko..






"Gem... Stop it please.." Paanas kong wika sabay tanggal ko sa kamay nito doon..
Agad naman itong nag angat ng mukha at humahagikgik na naman..





"At least alam ko ang kiliti mo!" Pang aasar pa nito. Hindi naman kiliti eh! Mukhang naka limutan na agad nya yung sinabi ko dati nung nasa sasakyan kami.. "Ganito nalang... Thank you Kim!" Hinawakan niyang bigla ang aking mukha saka pinupog ng halik? Gosh! Ano bang pinag gagawa ng batang ito.. walang hinto ang pag halik nito sa buong mukha ko. Huminto lang nang aksidente nitong madampihan ng halik ang mga labi ko. Akala ko ilalayo na nito ang katawan sa akin kaya lang..Bigla ba nalang niyang nilasahan ang kanyang labi.







"Ahm- bakit ganun.. ang tamis ng lips mo lasang cherry talaga.." Tuwang tuwa pa nitong turan tsaka nya muling dinampi ang labi nito sa labi ko.. "Lasang cherry talaga!" Seriously Gem? Nagawa mo pang pag tripan ang labi ko samantalang ako hindi ko na alam kung paano mag react sa pinag gagawa mo!.. Wika ng isip ko.
Akmang hahalikan na naman nya ako ng pinigilan ko na ito.







"S-stop it.." Natataranta kong turan pagka tapos ay mabilis na napatayo.

"In love With Who!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon