Chapter 4

2.9K 115 0
                                    

KIM POV







Malalim na ang gabi pero hirap parin akong dalawin ng antok hindi dahil sa maraming tumatakbo sa isip ko kundi-









"Aminin mo na kasing may babae ka....." Sigaw ng hipag ko sa kabilang kuwarto at katabi lang nang kuwarto na inookopa ko. Ganito na lang laging eksena dito sa bahay nila paano naman kasi napaka selosa ng asawa ng kuya ko.






"Anong aaminin ko sayo eh wala namang katotohanan ang mga pinag bibintang mo sa akin.. Tumahimik ka na nga nakaka bulahaw ka na natutulog na ang mga tao.." Saway naman ng aking kuya. Magandang lalaki kasi ang kuya ko kaya hindi maiwasan ng asawa nitong magbintang ng kong ano ano..








"Totoo naman eih.. Umamin ka na umamin ka!!" Argh!! Tinakpan ko nalang ang magkabilang tainga ko nang unan. Sa totoo lang gusto ko sanang humanap ng matitirhan habang nag aaral ako dito kaya lang dalawang gabi lang naman sa isang linggo kong tutulugan. Sayang lang ang pambayad ko ng upa.. Kaya tinitiis ko ang ganitong eksena nila.








"Wala nga... Paulit ulit nalang tayo.. kaya kita nasasaktan dahil sa pinipilit mo na hindi naman totoo.. walang katotohanan!! Tama na ha tatamaan ka na naman sa akin!!"
Yun! Kaya hindi maiwasan minsan na napapagbuhatan ng kamay ni kuya ang kanyang asawa.. Buti nga at wala silang anak,kawawa lang yung anak nila kong lagi naman silang ganyan.






Kaya lang.. kaya siguro nagkaka ganyan din ang hipag ko dahil nga may deperensya ang bahay bata nito kaya hindi nya nabigyan nang anak ang kuya ko. Pakiramdam nya may ibang babae ang kuya ko o di kaya ipagpalit sya sa iba.. Kung ganun sana ang kuya ko di sana noon pa ginawa na nya yun!! Sadyang mahal lang din nya ang kanyang asawa.









Kahit nga ganyan ka praning yang hipag ko hindi magawang iwan ng kuya ko.. Napa buga tuloy ako ng hangin. Habang patuloy parin ang pagbabangayan nung dalawa sa kabilang silid. Mukhang napag buhatan na naman ng kamay ng kuya ko si ate Lenny wala kasing hinto ang bibig. nasagad na naman nya si ang pasensya ng kuya ko..







Naalala ko na naman yung ex boyfriend ko. First boyfriend ko since high school hanggang nag college kami. Sobrang seloso din at dumating din yung point na nasasaktan nya ako sa kaka selos nya ng walang basehan kahit nobyo ko lang sya. Tiniis ko yun ng ilang taon sa pag aakalang magbabago din ito dahil gusto din sya ng parents ko. Kaya lang lalo naman syang lumala pati mga kaibigan ko pinag seselosan na nya. Nasasampal nya ako,sinisikmuraan hanggang hindi ko na matiis kahit sobrang sakit tinapos ko ang relasyon naming dalawa.. Mula noon parang may takot na akong umibig muli parang nagka phobia na yata ako at naging single na ako ng ilang taon.






Lalo pa at ganyan ang nakikita sa sitwasyon ngayon ng kuya ko at asawa niya..Hayy!!







Pinilit ko nalang matulog dahil may pasok pa ako bukas. At pagka tapos nang klase ko diretso uwi ako ng Basista maka iwas man lang sa ganitong eksena.








Pag tunog nang alarm clock ko ay marahan naman akong nagmulat nang mga mata.
Umaga na naman at pansin kong tahimik na ang kapaligiran. Naka tulugan ko na ang pagbabangayan ng dalawa kagabi tiyak may pasa o black eye na naman ang hipag ko. Ginusto naman nya ang ganun! Pinilig ko nalang ang ulo ko bago nagpasyang bumangon.







Buti nalang at may sariling banyo itong kuwarto at hindi ko na kailangang lumabas para maligo at mag ayos nang katawan. Nag pasya din akong sa labas nalang mag almusal ang awkward kasi ng eksena kagabi. Dadalhin ko na din yung kotse ko para diretso na ako pagka tapos ng klase ko.. bihira ko lang kasing dalhin sa eskwelahan dahil walking distance lang naman mula sa bahay nang kuya ko hanggang sa university. Kaya kadalasan nilalakad ko lang.











Matapos kong mag paalam sa mag asawa ay nag drive na ako ng kotse ko patungong university at dahil maaga pa nagpasya akong mag stay muna sa cafeteria ng school maka pag basa muna ng lesson. Nag order ako ng coffee at pancakes ito ang breakfast ko at umupo sa bakanteng mesa. Inumpisahan ko na ulit ang pag babasa..






Abala ako sa pag babasa nang libro nang pakiramdam kong may mga matang tumutingin sa akin kaya marahan akong nag angat ng tingin at nilibot ko ang aking paningin sa loob ng cafeteria. May mangilan ngilan palang na estudyante sa loob at abala naman ang mga ito. Guni guni ko lang siguro.. kaya binalik ko na ulit ang atensyon ko sa binabasa ko.






Bigla ko namang naalala si Gem gustong gusto talaga akong maging kaibigan nang batang yun! Ayos lang naman sa akin mukha naman syang totoo at mabait. May mga kaibigan naman na ako pero pare pareho na din kaming busy sa kanya kanyang career sa buhay. Kung gusto talaga akong maging kaibigan ni Gem bakit naman hindi at least hindi ako masyadong bored dito sa school.










"Hi- Kim!" Oh speaking of her.. andito na sya.. Mukhang maaga yata itong pumasok hindi katulad kahapon na pareho kaming nag mamadali at hayun nagka banggaan tuloy kami.. Agad naman akong nag angat ng tingin at awtomatikong sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Ganito na kasi ako pala ngiti sa mga taong kakilala ko. Naka titig na naman ito sa mukha.








"Alam ko namang maganda ako.." Biro ko rito na kina bigla nito at kina pula agad ng kanyang mga pisngi.. Bilis naman mag blush ang batang ito.. Napa tawa nalang ako nang mahina. ''Breakfast tayo treat ko..'' Bawi ko rito pero nanatili parin itong walang kibo at naka tayo parin sa harapan ko. Pansin ko lang sa kanya lagi nalang syang tulala may problema kaya ito?








"Ahm..." Narinig ko na naman ang pag tikhim nito bago magsasalita.. "San ka pala naka tira dito.?" Tanong nya at tsaka naupo sa upuan kaharap ko... Pansin ko din sa kanya na bigla bigla na lang syang nag tatanong kapag may naalalang itanong..








"Dyan lang malapit lang sa kabilang kanto." Tugon ko naman.. "Naka tira ako sa bahay ng kuya ko.. I mean doon ako tumutuloy pamsamantala.."









"I see.... Malapit lang pala pero nakita ko kasi naka kotse ka kanina.." Tila nahihiyang sabi nito.. na kina ngisi ko. Pero teka paano nya nalamang may sasakyan ako mas maaga pa itong pumasok sa akin.









"Kim.... Ah!" Sabay kamot sa batok nito.








"Heay okay ka lang!!" Puna ko sabay abot ko sa isang kamay nito na naka patong sa table.. Ganito kasi ako sa mga kaibigan ko kapag pakiramdam ko may problema sila..
Marahan naman itong napa iling pero parang hindi ako kumbinsido.
"Diba magka ibigan na tayo kaya kung may problema ka sabihin mo lang sa akin baka sakaling maka tulong ako." Turan ko habang naka titig sa mga mata nito..










''Kim kasi... Kuwan! Ahm.." Nag hihintay lang naman ako sa susunod nyang sasabihin..
"Eih... May asawa ka na ba? Fiance o boyfriend.!" Napa awang naman ang mga labi ko sa sunod sunod na tanong nito.. At nang na realize ko ang mga sinabi nito bigla nalang akong napa tawa ng malakas..








"Ano ba sa tingin mo?'' Balik tanong ko dito.. Nakita kong napa kagat labi ito.. Weird talaga ang bawat tanong na naiisip nya. "Single pa ako...." Mas pinili ko nalang sagutin ang mga tanong nya.. na kina laki naman ng dalawa nyang mata tila nagulat ng husto. Weird nya talaga...







"In love With Who!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon