GEM POV
"Happy monthsary babe.." Malambing na turan ni Art sabay yakap nito sa akin mula sa aking likuran. Hinawakan ko naman ang dalawang braso nitong naka pulupot ng mahigpit sa aking sikmura at marahang hinahaplos. Sabay naming pinapa nood ang paglubog ng araw habang naka harap kami sa baybaying dagat. Andito kami ngayon sa isang resort dito sa San Fabian upang mag celebrate ng aming unang buwan bilang magkasintahan. Sakto namang nataon na sabado kaya naisipan ni Art na mag out of town kami at mag over night dito sa nasabing resort.
Wala namang problema ang parents namin basta kaming dalawa ang magkasama sa lakad pinapayagan kami kaagad. Yun nga lang hindi pa alam ng mga magulang namin ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Si Art gustong gusto na niyang sabihin kaya lang ako kasi itong pumipigil, ako lagi yung nagsasabing huwag muna dahil hindi pa ako handang sabihin sa parents ko.''Happy monthsary too.." Tugon ko. Pinilit kong maging masigla ng sandaling ito. Kahit sa totoo lang hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Dapat lang maging masaya ako dahil mahal ko sya at sa loob ng isang buwan na relasyon namin ni Art pinatunayan nitong isa syang mabuti at responsableng boyfriend. Gaya nga ng pinangako nya sa akin bumawi ito ng husto at kung tutuusin sobra sobra pa nga.. Kaya lang.. lihim akong napa hugot ng malalim na paghinga.. Ganun ba talaga! Yung tipong hiniling mo na at binigay sayo tapos sobra sobra pa nga, bakit pakiramdam ko hindi parin sapat? Bakit parang may kulang parin?
"Ang ganda ng sunset noh babe! Napaka romantic itong moment na ito sa para ating dalawa." Wika nito sabay ikot at tumungo sa harapan ko habang hindi parin binibitawan ang aking baywang. Tuluyan na palang lumubog ang araw at nagsimula nang dumilim ang paligid ng hindi ko namamalayan dahil kung saan saan tumatakbo ang isip ko ngayon. Isa na yung pag tawag nya sa akin ng babe. Ni minsan hindi ko pa sya tinawag ng ganun mas sanay ko parin yung best! At sa tuwing tinatawag ako nito sa endearment nya sa akin napapa pitlag parin ako at minsan kumakabog yung dibdib ko bigla ding pumapasok si Kim sa isipan ko.
I hate her.. dahil sinaktan nya ako! Ayoko syang makita. Pagka tapos kasi ng party ni Mommy iniiwasan na nya ako. Ramdam ko yun, at ang pinaka masakit na nangyari yung konompronta ko sya at harap harapan niyang sinabi sa akin ng kailangan na daw naming mag iwasan. At kung pwede daw magpanggap na kaming hindi magkakilala.. Bakit ganun ba iyon kadali! pagka tapos naging malapit ako sa pamilya nya ganun din sya sa parents ko. Ganun na lang ba yun? Nang dahil dun sobrang nasasaktan ako ngayon ng hindi ko mapigilan. Medyo naiibsan lang dahil sa atensyon na binibigay sa akin ni Art.
"Okay ka lang babe? Kanina ka pa tahimik." Puna tuloy ni Art. Oo nga eh, dapat sa kanya lang ang atensyon ko nang buong buo. Kaya lang kahit pigilan ko ang sarili kong huwag kong isipin si Kim hindi ko parin maiwasan.
"Uhm.. yeah! I'm fine." Binigyan ko sya ng matamis na ngiti para hindi na sya mag isip pa ng kung ano ano. Yan tuloy nahawa sya sa ngiti ko at napa ngiti din ito ang guwapo talaga ng boyfriend ko,bukod sa guwapo sobrang bait pa. Umangat ang isang kamay nito na naka yakap sa aking baywang at marahang hinaplos ang aking pisngi. Napa pikit naman ako ng sandaling iyon habang dinadama ang marahang pag haplos ni Art sa pisngi ko.
"I love you babe.." Bulong nito dahilan para dahan dahan akong nagmulat ng mata at sinalubong ang titig nito. Marahan nitong nilapit ang mukha sa mukha ko alam ko ang susunod na mangyayari kaya muli kong pinikit ang aking mga mata. Hanggang sa naramdaman ko na ang pagsayad ng mainit nitong labi sa labi ko. Banayad at punong puno ng pag suyo ang bawat halik nito. Ilang sandali pa ay gumanti na din ako sa mga halik niya. Kusang kumilos ang mga braso ko at iyayakap ko na sana ang ito sa batok niya-
"Hmmnn Kim." Bigla nalang parang binuhusan ako ng malamig na tubig at agad kong naitulak si Art ng hindi ko sinasadya. Bakit biglang lumitaw ang mukha ni Kim habang naka pikit ang mga mata ko kanina at biglang sya na yung kahalikan ko."I'm sorry.." Hinging paumanhin ko kay Art pagka tapos. "Bigla kasi akong nailang.. may mga tao kasi sa paligid natin!'' Katwiran ko nalang sa ginawa ko, napa tawa lang naman ito nang mahina tsaka ako biglang kinabig at niyakap nang mahigpit.
''Ako dapat ang humingi ng pasensya dahil hindi ko napigilang halikan ka, nawala sa isip ko na nasa public place!" Turan naman nya.. Hindi nalang ako kumibo at gumanti ako sa yakap nya.. Niyakap ko sya ng mahigpit gusto ko din iparamdam sa kanya na mahal ko sya, sabagay noon pa naman mahal ko na sya.
"Tara babe may hinanda akong dinner para sa ating dalawa." Aya na nito. Kaya magka hawak kamay na kaming tumungo sa isang private cottage kong saan sya nagpa handa ng dinner. At kung saan kami mag stay ngayong gabi, dalawang kuwarto iyon tig isa kaming room ni Art. Okay lang naman kahit mag stay kami sa iisang kuwarto may tiwala naman ako sa kanya. Kaya lang sya naman itong nag decide. Napaka gentleman din nito..Wala na talaga akong hahanapin pa sa boyfriend ko, bukod sa kilala ko na sya mula pagka bata. May mga bagay pa akong na didiskubre sa kanya. Ang pagiging romantic nito, maalagang boyfriend. Sana lang may lakas ng loob na akong magtapat sa magulang ko.
Lihim nalang akong napa hugot ng malalim na paghinga nang tuluyan na kaming maka rating sa lugar. Wow naman dinner with candle light..Naka handa na rin ang masasarap na sea foods sa lamesa. Favorite naming dalawa.. Naalala ko na naman nang tumungo ako sa bahay nila Kim. Napaka special ko sa pamilya niya lahat ng gustong gusto kong pagkain hinahanda nila. Pinilig ko nalang ang aking ulo, Please!! Ayoko nang maalala ang mga bagay na iyon dahil tuwing nangyayari ang ganito. Naalala ko lang ang galit ko sa kanya.
"For you babe.. happy monthsary ulit." Nagulat naman ako ng biglang iabot ni Art ang malaking bouquet ng bulaklak. Naglalakbay na naman kasi ang isip ko. Tinanggap ko ang bulaklak tsaka ako iginiya ni Art na umupo sa upuan at pinag hila pa ako nito. Tsaka sya umikot sa table at naupo kaharap ko..Masaya naming pinag saluhan ang masarap na hapunan.. Pagka tapos nun maaga pa naman kaya naglakad lakad muna kami sa dalampasigan. Nang mapansin ni Art na panay na ang hikab ko ay nag aya na si Art na bumalik nang muli sa aming cottage at nagpasya ng matulog.
Malalim na ng gabi pero hirap parin akong dalawin ng antok. Nanibago siguro ang katawan ko sa lugar kaya hindi ako maka tulog. Siguro si Art himbing na himbing na ang tulog nya ngayon.. Bakit naman noong first time kung natulog sa bahay nila Kim, sobrang sarap nga ng tulog ko. Dahil ba komportable akong yakapin sya- Argh!! Kim na naman. Bigla tuloy akong napa balikwas ng bangon. Nagpasya akong maglakad lakad nalang muna sa labas pampa antok lang..
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomanceGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.