Chapter 12

2.6K 103 2
                                    

KIM POV



                "Hot Prof... Hot chicks..'' Sabay hagikgik ni Gem. Alam kong kanina pa itong kating kati na asarin ako nung andun palang kami sa bahay nila kaya lang tyak kasing sesermunan sya ng parents niya kung sakali.. Tuwing wala nga lang pasok ako nakaka suot ng mga hilig kong isuot  katulad ngayon. Lalo at mainit ang klima sa lugar namin.






                 "I know I'm hot!" Saglit akong bumaling ng tingin sa kanya sabay kindat.."But stop calling me Prof coz your not my student."  Saway ko naman sa pag tawag nya sa akin ng Prof  habang busy ako pag da drive.. Patungo na kami sa lugar namin.. Tawa lang ito nang tawa at tuwang tuwa sa pang aasar nya.






                "Mag transfer nalang kaya ako sa school na pinag tuturuan mo para lagi akong nakaka kita ng hot Prof.." Muli nitong asar sa akin na kina kunot noo ko naman habang tutok ang tingin ko sa daan.






                       "No way Gem!!" Mabilis kong iling.. Ayoko nga! ang  dami na nga ngang estudyanteng nagpapa lipad hangin doon at nagpapapansin sa akin. Dagdag pa sya sa stressed ko kung sakali.






              "Bakit naman!ayaw mo nun-"




               "Dahil kung nangyari yun,hindi na tayo magiging close nang ganito. Lalo na kapag nasa school tayo!" Katwiran ko. Magiging iba na yung treatment namin sa isat isa kung nagkataon.. "Isa pa madami na akong admirer no' may mga chicks din.." Ganting asar ko dito.




            " Really ha! Pero biro ko lang naman yung sinabi kong mag transfer ako,ayoko namang mangyari yun na deadmahan nalang tayo pag nasa school.!" Wika naman nito sabay baling nang tingin sa akin. Naka tutok lang naman ang tingin ko sa daan pero kita parin ng peripheral vision ko ang pag sulyap nya.. Pagka tapos ay
May dumaan yatang anghel at biglang natahimik..
"Pero honestly speaking ang hot mo talaga lalo na to oh!"
Sabay hawak nito sa pusod ko. Gosh!! "Aba ang tigas parang may abs!" Really Gem??




               "Huwag mong hawakan yan..." Saway ko naman dito. Napa hagikgik na naman ito sa pag saway ko.





             "Why? Ang cute kasi eh!" Sabay haplos nitong muli sa pusod ko. At bahagyang tinagalan pa ang pag hawak doon.Shit! Nagsi tayuan yata lahat ng balahibo ko sa paglapat ng mainit nitong palad sa pusod ko.. Na didistract tuloy ako sa pagmamaneho ko. Kung alam nya lang yan ang weakness ko kapag hinawakan na yan ni Erick  bumibigay na ako I mean naa arose ako.  Inaamin ko naman sa sarili kong si Erick ang naka una sa akin. Binigay ko yun dahil sa mahal ko sya at sa pag aakalang mawawala ang kaka selos nya pero lalo lang palang lumala. Lalong lumakas ang loob nyang saktan ako sa walang kwentang pagseselos.




            "Gem.. stop it! I'm driving okay.." Saway ko na naman dito. Tawa lang naman ito ng tawa mukhang lumalabas na ang pagiging spoiled brat nito at kakulitan. Dahil paulit ulit parin nitong ginagawa nag iinit ang pakiramdam ko kahit hindi naman dapat. pero kasi nag rereact yung katawan ko,hirap pa nyang sawayin."Stop it kid hindi mo alam ang reaksyon ng katawan ko sa ginagawa mo." Pranka kong turan..Sa sinabi ko ay mabilis itong umayos nang upo..  Namayani nang muli ang naka bibinging katahimikan.





              Pasimpleng ko itong sinusulyapan busy ito sa phone niya.. Hayy!! Isip bata parin talaga mukha namang hindi na gets yung huling sinabi ko sa kanya at mukhang tampo tampuhan pa..
"Gem nagka usap na ba kayo ni Clinton?" Pag oopen topic ko. Masyado kasing tahimik! Hindi ko naman kasi pwedeng hindi sawayin sa ginagawa nito kanina dahil hindi ako makapag concentrate sa pag da drive.





                   "Please ayoko muna syang pag usapan.. Kahit ngayon lang ayoko muna syang isipin.'' Buntong hininga naman nitong turan.




               "Okay I'm sorry..." Paumanhin ko sabay gagap sa isang palad nitong nakapatong sa kanyang hita.. Kaya ko namang mag hawak ng manibela kahit isang kamay lang at banayad lang naman ang pagmamaneho ko.. Pinag salikop ko ang palad naming dalawa. Kapag naiisip ko yung pinag dadaanan nito may malamig na hanging humahaplos sa puso ko. Alam kong kailangan nya ng comfort ko. "I promise mag eenjoy ka sa amin.." Nagbaling ito ng tingin sa akin.





             "Bakit mo ito laging ginagawa?" Sabay tanong nito..Anong ibig nitong sabihin na ginagawa! Alin ba dun? Naramdaman kong umangat ang kamay naming magka salikop. "This.. holding my hands.." Yun lang pala, lihim naman akong napa ngiti.






               "Dahil yan ang paraan ko na mag comfort ng kaibigan.." Tugon ko naman. Ganun kasi ako sa mga friends ko kapag may pinag dadaanan sila,hinahawakan ko ang kamay nila at niyayakap ng mahigpit.
"Your too innocent kid." Bulong ko nalang.. Habang mahigpit parin akong naka hawak sa malambot nyang kamay..





               Nag eenjoy na ako sa pag hawak ng bigla namang nag ring ang phone nito kaya mabilis itong napabitaw sa kamay ko.
"Si Art tumatawag!" Wika nito. Napa sulyap naman ako sa kanya at saktong napa baling naman sya ng tingin sa akin. Nag senyas naman ako sagutin nito ang tawag ng best friend nya.





               "Hello b-best.." Turan nito. Hinayaan ko muna silang mag usap at nag concentrate nalang ako sa pagmamaneho ko. Mga isang oras na lang ay makaka rating na kami at saktong lunch time na din.
Narinig ko ang pag hugot nito ng malalim na paghinga makaraan ng ilang sandali halos hindi naman ito nag salita sa kausap niya at mukhang tapos na silang mag usap na dalawa.




          "Sabi nya sa text.. hindi na nya kailangan ang tulong ko.. Tapos ngayon hihingi na naman sya ng favor!'' Buntong hininga nitong muli. "Nagpapa tulong sya sa akin sa Thursday daw may surprise sya sayo.." Wika nito.






              "Karapatan mo namang tumanggi Gem.. hindi naman lahat ng hiling nya sayo kailangan sundin mo! Lalo lang tumataas ang confident nya na patay na patay ka sa kanya.




               "Kim-"



            "Nagsasabi lang ako ng totoo Gem.." Buntong hininga ko namang turan..




             "Tsaka ko nalang isipin yan pagbalik ko.  Gusto ko muna syang kalimutan kahit isang araw lang.." Malungkot nitong turan.. ayoko syang nakikitang ganyan, sa magulang nga nya walang kaalam alam sa pinag dadaanan nya ngayon andito ako para tumulong..





            "Tama yan Gem.. hindi sa kanya nalang umiikot ang mundo mo.." Wika ko.. wala na ulit kaming imikan hanggang makarating rating na kami sa amin. At alam kong kanina pa naka abang ang magulang ko sa kanya. 






           Maluwang ang bakuran namin at napapalibutan ito ng ibat ibang punong kahoy. Karimihan ay puno ng mangga na hitik sa bunga nag dala pa nga ako at pinasalubong ko sa Mommy ni Gem. Kinulit kasi ako ni Mama dahil tyak mahal daw doon sa kanila.Hayun tuwang tuwa nga si Tita Dianna sa dala ko para sa kanya.. Hindi na rin kailangan ng gate dahil tahimik ang lugar namin..





            Naipark ko na nang maayos ang aking sasakyan sabay patay ko nang makina. Napansin ko naman ang pagiging tahimik ng kasama ko.











          "Let's go Gem." Sabay tanggal ko sa seatbelt ko. Pero wala paring kibo itong katabi ko ni hindi man lang kumikilos. Kaya ako na mismo nang tanggal sa kanyang seatbelt alam kong naka suot ang tingin nito sa ginagawa ko. Nang makalas ko na ay mabilis nitong hinawakan ang isang braso ko kaya napa baling ang mukha ko sa kanya. Sobrang lapit lang dahil nagka bungguan pa ang ilong naming dalawa.








                  

                    "Kim... Kinakabahan ako!" Wika nito at wala syang pakialam kahit sobrang lapit ang mukha namin. At tumama pa ang mabangong hininga nito sa labi ko.







              "Gem...." Bulong ko. Nang biglang kinatok ang bintana ng kotse ko...

"In love With Who!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon