Finale

5.4K 188 94
                                    

KIM POV


                "Hi Kirby kamusta ka na?" Naluluhang turan ko. Pagka tapos ay marahan kong ipinatong ang dala kong isang bungkos ng bulaklak sa ibabaw ng puntod ng kapatid ko. "Pasensya na kung ngayon lang ulit naka dalaw si ate ha! Busy lang ako nitong nakaraang linggo." Wika ko.
Two years na ang nakalipas mula ng iwan kami ni Kirby pero hanggang ngayon andito parin yung sakit, hindi parin namin tanggap ang mga nangyari na wala na sya. Although wala naman dapat sisihin kundi sya rin lang dahil itinakas nito ang motorsiklo ng isa nyang kaklase. Masyado na kasi itong atat magmaneho samantalang hindi pa nga sya pinapayagan ni Papa.
Wala na talaga itong pag asang mabuhay dahil sa ulo sya napuruhan.










            Sa pagka wala ni Kirby sa buhay namin sobrang dami ng nagbago. Hindi ko na naituloy yung pagma masterals ko dahil kailangan naming mag focus kay Mama dahil sobrang na depressed ito sa nangyari. Tuluyan na ring nag hiwalay si kuya Toby at ate Lenny dahil hindi na rin natagalan ni kuya kaka selos niya.
Isa pang dahilan kaya ako huminto ay sa nangyari din sa amin ni Gem. Kahit masakit..Tuluyan ko na itong iniwasan ng sabihin nitong mahal nya talaga si Art, at hindi nya ito ipagpapalit sa akin.
Napa ngiti tuloy ako ng mapait ng maalala ko na naman ang pangyayaring iyon. Kahit nga sa sarili ko mismo hindi rin ako makapaniwalang na inlove ako sa kapwa ko babae. At ang masakalap minahal ko sya higit pa sa pagmamahal ko noon kay Erick. At si Erick naging magka ibigan nalang kami, balita ko nga may nililigawan ba daw sya at masaya ako para sa kanya.
Napa hugot nalang ako ng malalim na paghinga. Hanggang ngayon mahal ko parin si Gem hiling ko nalang na sana isang araw makaka move on din ako.








           "Miss na miss ka namin bunso, mahal na mahal ka namin." Tuluyan ng bumagsak ang luha ko.
Ganun talaga ang buhay.. Walang buong pamilya meron at merong aalis, walang ding perfect na pagsasama. Napaka swerte namin sa magulang namin dahil sobrang mahal nya kami at mahal nila ang isat isa. At tanggap na tanggap nila ako nang pinagtapat ko ang totoo,na mahal ko si Gem kaya lang hindi nya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya.. Buong suporta ang binigay nila sa akin. sa amin ngayon ng kuya ko, sa pinagdadaanan namin.. Pag dating kasi sa taong minahal  namin.. wala! Minalas yata.







           
               Kaya heto,kuya ko Toby nasa bahay lang din ngayon, walang focus sa kanyang negosyo. Hinayaan muna naming maka recover sa paghihiwalay nila ni ate Lenny. Ako naman, tuloy tuloy parin ang pagtuturo ko sa UCU para naman malibang libang kahit papaano.. tuloy lang ang buhay.
Ilang saglit pa ay  nag pasya na akong umuwi hapon na din kasi, next week nalang ulit ako dadalaw dito sa puntod ni Kirby, galing kasi ako ng school at dumiretso na ako dito.







           "Bye Kirby.." Bigkas ko bago tuluyang tumalikod sa kanyang puntod.  At tuloy tuloy na ako akong humakbang patungo sa aking sasakyan.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko nang may humintong sasakyan at nagpark sa likod ng sasakyan ko.
Biglang kumabog ang dibdib ko ng makilala ko kung kanino may ari ng sasakyan. Domoble pa ng dahan dahan ng bumaba ang taong lulan ng sasakyan. Walang iba kundi ang nag iisang babaeng nag mamay ari ng puso ko.







              Lalo pa syang gumanda ngayon, sa dalawang taon naming hindi pagkikita.! A-anong ginagawa niya dito? May dala itong isang bouquet ng bulaklak, para sa akin na yun? Malamang hindi.. baka para kay Kirby. Naka titig lang ito sa mukha ko habang marahang humakbang palapit sa kinaroroonan ko. Kamusta na kaya sya kamusta na kaya sila ni Clinton? Mabilis tuloy akong nagbawi nang tingin..






              Hindi ko naman ang sasabihin ko ng tuluyang nakalapit na ito sa harapan ko.
Maya maya pa ay walang kibo itong hinawakan ang isang palad ko sabay hila pabalik sa pundot ng kapatid ko. Hindi na lang ako nag protesta at nagpa tianod nalang ako hanggang tuluyang nakalapit sa pundot ni Kirby.
Binitawan na nito ang kamay ko at inayos na nilapag ang bulaklak. Wala parin kaming imikan kaya marahan ko itong nilingon pero naka pikit ang kanyang mga mata.
Hinayaan ko nalang ulit ito, nang matapos tsaka ito humarap sa akin.

             

          

                 "Hindi ko alam na andito ka pala." Turan nito. Sabi ko nga, hindi naman ako ang sadya nya kaya sya nagpunta dito. "Sa ilang beses na akong dumalaw kay Kirby ngayon lang tayo nag pang abot.'' Dagdag pa nitong turan. So, lagi pala nyang pinupuntahan ang kapatid ko. Sa loob ng dalawang taon na hindi namin pagkikita pakiramdam ko tuloy parang kahapon lang yun nangyari. Yung pag reject nya sa akin para si Clinton ang kanyang piliin. Tanggap ko naman na yun, hindi lang ako makapaniwala na nasa harapan ko na sya ulit ngayon.






            Ano bang dapat kung sabihin, kakamustahin ko ba siya.. sila ni Clinton? Huwag na baka masasaktan lang ako sa isasagot nya na. Na ayos lang sila, na matatag ang relasyon nilang dalawa. "Ahm..." Tikhim ko."Actually pauwi na din ako!"







              "Okay tara! Uwi na tayo.." Sang ayon naman nito. Sabay lahad pa ng palad nya.. Nagtataka tuloy akong akong napa tingin sa kamay nya pagka tapos ay  tumitig ako sa kanyang mukha. Naka ngiti pa ito na lalong kina pag taka ko.







             "Ano ka ba.. kahit mauna kana masyadong malayo ang uuwian mo kumpara sa akin.." Biro ko namang turan para mabawasan ang aking pagka ilang. Sa totoo lang kanina ko pa sya gustong yakapin ng mahigpit. Kahit ngayon lang pagkaka taon ko na ito habang mag isa lang sya..Kaya lang naalangan ako!






             "Sigurado ka!!" Tugon naman nito at tinaasan pa ako ng isang kilay.. 





            "Hayy naku! Ewan ko sayo Gemarie.."  Wika ko naman na kina lukot tuloy ng kanyang mukha.. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag ang buo nyang pangalan..








              "Seryoso kasi ako.." Sabi nito at bigla ngang nag seryoso ang mukha.. marahan nitong inangat ang isang kamay at hinaplos ang kaliwang pisngi ko. Na kina pikit ng mga mata ko, gusto ko lang namnamin ang marahang pag haplos nito sa pisngi ko. "Na miss kita babe.. sobra."  Wika nito na kina mulat ng mga mata ko. At agad na sinalubong ang titig nito.
Babe?








           "B-babe..!'' Pag uulit ko. Ano bang nangyayari? Naguguluhan na tuloy ako.. Bigla nalang akong kinabig at niyakap nang mahigpit.









                   "I'm so sorry kung hindi ikaw ang pinili ko noon, pero maniwala ka wala akong pinili sa inyong dalawa ni Art.." Sabay kalas nito mula sa pagkaka yakap sa akin. "Sobrang gulong gulo na kasi ang isip ko that time.. Tapos nung dumating yung time na nakapag decide na ako..  Sinabi ni mommy na huwag akong  magpadalos dalos kailangan daw yung handang handa na ako. At ngayon handang handa na ako babe.. Sana mahal mo parin ako!" Naluluhang turan nito. "Dahil mahal kita. Mahal na mahal.." Garalgal na ang boses nya. Oh gosh totoo ba lahat ng narinig ko!.
"Sana hindi pa huli ang lahat.."
Mabilis naman akong napa iling.







            "Of course not.." Wika ko. Pagka tapos ay kinulong ko ang mukha nito gamit ang dalawang palad ko. Marahan kong pinag dikit ang aming mga noo.. "Mahal kita Gem at hinding hindi na yun mababago pa.." Wika ko pa bago ko tinawid ang pagitan naming dalawa. Masuyo kong hinalikan ang kanyang labi na kaagad din naman nitong tinugon.







                "I love you Kimberly.." Bulong nito pagka tapos mag hiwalay ang aming mga labi. "Uwi na tayo.. Sa bahay ninyo."
Gusto ko yan.. "Actually galing na ako doon kasama ko si Mommy at Daddy. Tiyak nagkaka siyahan na sila doon ngayon." Talaga? Gosh hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.. "Pumunta din ako dito para magpaalam kay Kirby kong pwede ko bang maging girlfriend ang ate nya." Sabay kagat sa pang ibabang labi  na kina kilig ko ng sobra.."So, Miss Kimberly Santos pwede ba kitang maging girlfriend?"








                "Tinatanong pa ba yan?"







               ...End

"In love With Who!" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon