GEM POV
"I'm so sorry..." Sabay iling nito. Habang ako ay naka awang ang mga labing pinag mamasdan si Art habang naka luhod ito sa harapan ni Kim at may hawak itong isang malaking bouquet ng red roses. Maraming mga estudyante ng SLU ang naka palibot sa lugar at ang mga iba ay humihiyaw pa kanina ng.. Say Yes!! Say Yes!! Pero biglang natahimik ng magsalita si Kimberly.. "May boyfriend na ako .. Clinton!" Umalingaw ngaw ang ibat ibang reaksyon nang mga estudyante sa naging tugon ni Kim sa alok ni Art sa kanya..
Mariin akong napa pikit ng sandaling yun! Alam kong kahiya hiya ang nangyari sa best friend ko kahit paano nasaktan ako para sa kanya.."Gemarie diba boyfriend mo sya bakit may-"
"Hindi kami mag on ni Art,mag best friend kami.." Putol ko sa sinasabi ng isa naming kaklaseng lalaki. "Kayo lang naman ang nagkakalat ng issue na yan!" Dagdag ko pa. Umiral na tuloy yung pagka sungit ko. Napa baling nang tingin si Art sa gawi ko malamang narinig nito ang sinabi ko. Hindi na dapat ako nandito ayoko sanang masaksihan ang mga nangyari ewan pero kusa akong hinila ng mga paa ko. Matalim ang tinging pinukol ni Art sa akin. Bakit kung nagagalit sya dahil sa narinig nya totoo naman yun ah! Noon umasa ako na magiging kami talaga pero ngayon unti unti ko nang natatanggap na hindi nya talaga ako mamahalin.
Marahan na itong tumayo mula sa pagkaka luhod kanina.
Sabay abot kay Kim ang bouquet ng bulaklak.
"Kahit itong bulaklak man lang sana ang tanggapin mo." Narinig kong turan ni Art na parang nagmamakaawa pang tanggapin yun ni Kim.Pero mariin paring napa iling si Kim. Talaga bang may boyfriend na sya? Nakipag balikan na ba sya sa ex boyfriend nya! Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, nasasaktan ako nang hindi ko alam ang dahilan. Dahil ba sa nasasaktan si Art ngayon at dahil ayoko syang nakikitang nasasaktan dati pa! O nasasaktan ba ako dahil nagka balikan na si Kim at yung ex boyfriend nyang gago dahil ayoko lang syang masaktan ulit! Ang gulo.. kasing gulo ng utak ko ngayon.
"May isang taong mas karapat dapat sa pagmamahal mo Clinton.." Wika ni Kim sabay baling ng tingin sa akin. Pagka tapos nya akong ngitian ng tipid ay tumalikod na ito at mabilis na humakbang palayo.
Kim! Wika ng utak ko.. Hahabulin ko ba sya? Nag baling ako ng tingin kay Art. Mas kailangan ako ng best friend ko ngayon,kahit sinaktan nya ako mas marami kaming pinagsamahan na dalawa. Mabilis akong lumapit sa kanya na halatang na shock sa mga nangyari. Malamang hindi nya inasahan na ganun ang isasagot sa kanya ni Kimberly."Halika na Art.." Wika ko sabay kuha sa bouquet of flowers na hawak hawak nito.. Hinila ko ang isang braso nito pero mukhang ayaw nitong sumunod! Pinagtitinginan na kami ng kapwa naming estudyante..
"Sabi mo single sya... Pero bakit nya ginawa sa akin ito! Siguro siniraan mo ako sa kanya dahil sinaktan kita kaya gumaganti ka-" Nagpanting ang tainga ko sa mga pinaparatang nito sa akin hindi pa ito tapos magsalita ng hindi ko napigilan ang pag dapo ng kanang palad ko sa pisngi nito..Buong pwersa kong sinampal ang pisngi nto.
Sya na nga itong tinulungan ko ako pa ngayon ang naging masama! Napa biling ang mukha nito sa sobrang lakas ng pagkaka sampal ko. Samantalang ako ay taas baba ang dibdib ko sa sobrang kabog ng dibdib ko ng sandaling ito..
"How dare you para sabihin mo sa akin ang mga bagay na yan!! Bakit Art ganyan ba ang pagkaka kilala mo sa akin?" Nangingilid na ang luha kong turan dahil natin sa galit kong nararamdaman ngayon. Gosh nasa sinapupunan palang kami ng mga nanay namin mag best friend na kami.. "Buong buhay ko Art sayo lang umikot ang mundo ko. Ang martyr ko,nagpaka tanga ako sayo tapos ganyan pa ang sasabihin mo sa akin." Hindi ko na namalayan na naglandas na pala ang luha sa aking mga mata.
"Yan.. sayo na yang bulaklak mo isaksak mo sa baga mo!!" Gigil kong turan tsaka ko diniin sa dibdib nito ang bouquet..
Mabilis na akong tumalikod at umalis sa lugar.
Nakaka inis sya na nga lang itong tinutulungan.Naglakad ako sa hallway nang university, dahil sa nangyari sa umagang ito wala na tuloy akong ganang pumasok. Kaya nagpasya na akong tumungo ng parking lot. Absent muna ako ngayong araw na ito. Nakaka inis! Mukhang nagkakalabuan na ang pagkaka ibigan namin ni Art! Pagka tapos parang ganun din kay Kim.
Gulong gulo na ang utak ko. Hindi pa ako nakaka rating nang parking lot nang biglang may humatak sa kanang braso ko.
"At saan mo balak pumunta?" Wika ni Kim. Pagka tapos ay pabalya nya akong sinandal sa pader ng hallway. Madalim ang awra nitong tumitig sa mukha ko. Sinamaan ko tuloy ang pag titig ko sa kanya.
"Wala ka na dun!!" Ewan bakit bigla akong nainis ng maalala ko ang mga sinabi nya kanina. Kagabi pa kami magkasama wala man lang syang binabanggit na nakipag balikan na pala sya sa ex boyfriend nya.. Akala ko ba kaibigan nya ako..
''Bakit parang nagagalit ka sa akin? Diba alam mo naman nang ganito ang mangyayari! Nagpaka totoo lang ako na wala akong gusto sa kanya. Sorry kung nasaktan ko ang best friend mo Gem.. Kaya lang mas okay na kesa umasa pa sya!'' Sunod sunod naman akong napa lunok dahil sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Naalala ko tuloy yung paghalik nya sa akin! First time kong nahalikan ng ganun inaamin ko nasarapan ako. Pero hindi pwede dahil isa parin syang babae..
"Hayaan mo nalang muna ako, tinamad na akong umattend ng mga lessons ko ngayong araw!" Sinabi ko nalang ang totoo bago mabilis na nag iwas ng tingin sa kanya.
"Diba dapat dinadamayan mo ang best friend mo ngayon. Kailangan ka nya ngayon!" Dahil sa sinabi nya muli akong nagbaling nang tingin sa kanya. Yun nga dapat ang gagawin ko pero anong nangyari, naging masama lang ako sa kanya. Ako nga! kailangan ko din ng karamay ngayon pero wala eh! Kaya mas pipiliin ko nalang mapag isa. Sanay naman na akong nasasaktan at kinaka kaya ko naman yun mag isa...Kusang umagos ang masaganang luha sa aking mga mata ng tumitig ako sa mga mata nito.
Alam kong masaya na sya ngayon dahil nagka balikan na sila ng ex boyfriend nya."Gem..." Turan nito. Nagtataka itong tumitig sa mga mata ko sabay pahid ng luha ko gamit ang daliri nito.. Sa totoo lang sya ang kailangan ko ngayon pero pakiramdam ko dito na rin magtatapos ang pagkaka ibigan naming dalawa. Labo labo na eh! Sinaktan nya si Art na best friend ko,sinaktan ako ni Art dahil sa kanya at kaya lang naman kami naging magka ibigan dahil din kay Art! Argh!!! Darating din naman yung time na kailangan kong mamili sa pagitan nilang dalawa.
At isa lang ang dapat kung piliin pagbali baliktarin man ang mundo. Si Art parin!
"Sige na Kim.. ayoko talagang pumasok ngayon!" Sabay pahid ng luha ko na imagos sa aking pisngi gamit ang palad ko. "Bye.." Pagka tapos ay pikit mata ko na itong iniwan sa hallway. Bye means tinatapos ko na rin ang pagkaka ibigan naming dalawa..
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomanceGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.