KIM POV
"Mom.. I'm home!" Masiglang wika ni Gem pagpasok namin sa loob ng bahay nila.. Malaki din ang bahay nila katulad sa bahay ng parents ko magka iba lang nang design.
Bigla naman akong napa kapit sa braso ni Gem ng sandaling yun,tinignan naman ako nito sabay tawa ng mahina.."Andito ako sa may kitchen baby naghahanda nang lunch sabi mo kasi na half day ang class mo.." May sumagot naman sa bandang pintuan sa kaliwa..
"Tara dun tayo..." Aya nito at hinila na ako patungong kusina. "Mom may kasama pala ako-"
"Kung si Art din lang hindi na ako masusurprise!" Tugon naman ng Mommy nito. Sino naman kaya si Art? Akala ko ba si Clinton lang ang kaibigan niya. Napatawa naman si Gem.
"Of course not Mom.." Nakarating na kami maluwag nilang kitchen area.
"Tamang tama malapit na itong maluto.." Wika nang mommy nito saka humarap sa amin. Oh! Kamukhang kamukhang nya si Gem,parang pina tandang version lang. Agad ko naman itong nginitian ng nagbaling sya nang tingin sa akin.
"Mom.. si Kim nga po pala- kaibigan ko. Kim pinaka maganda ko palang Mommy si Mommy Dianna.." Masayang turan ni Gem..
"Oh hi Kim.." Masiglang wika nito.. sabay hubad ng kanyang apron pagka tapos ay lumapit sa akin saka nagbeso. "Nice to meet you hija,buti naman nagkaroon na ng bagong kaibigan itong si Gem, hindi nalang puro si Art!"
"Mom!!!" Saway naman ni Gem.. na kinatawa lang nang Mommy nito.
"Well,nagsasabi lang ako ng totoo.. At tsaka Kim ang ganda ganda mo naman.. at nararamdaman kong magkaka sundo tayo." Napa ngiti naman ako sa papuri kong natanggap kay Tita Dianna. "Oh sya magpa hinga muna kayo ipatawag ko nalang kayo mamaya kapag naka handa na ang ating lunch. Excited na akong maka kwentuhan ka Kim!"
"Halika na nga.." Natatawa namang turan ni Gem tsaka hinila ang braso ko. Nagpa tianod nalang ako hanggang sa paakyat kami sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng bahay nila. "Tara muna sa room ko.." Sabi nito. Binuksan nito ang isang pintuan sa bandang kanan tsaka kami pumasok sa loob. Wow!! Napaka girly naman ng room nito pink na pink ang buong paligid pati.
"Akin na muna yang bag mo.." Wika nito sabay lagay sa tabi ng kanyang bag sa ibabaw ng drawer.. Tsaka ako hinila para umupo sa kama nito.. Parang magkasing luwang lang din kami ng kuwarto.
"Pasensya ka na kay Mom ha! Sabik lang talaga sya na magkaroon ako ng ibang kaibigan.." Wika nito. Pagkakataon ko na din siguro para e open topic si Clinton sa kanya.."Sino pala si Art?'' Curious kong tanong at napa titig kami sa isat isa. Pero agad itong nagbawi nang tingin.
"Si Art- sya yung best friend ko na nabanggit ko sayo. ahm- Kim!" Sabay tingin nitong muli sa mukha ko. Tila naalangan naman ito sa gusto niyang sabihin.
"Alam ko na ang tungkol sa gusto mong sabihin Gem.." Seryoso ko namang turan na kinalaki ng mga mata nito. Marahan kong hinawakan ang isang kamay nito. "Si Art ba at Clinton iisa lang?''
"Kim-" Turan nito. Halatang kabado na ito base sa ekspresyon nang kanyang mukha.. "I'm sorry.. Kaya nga umiiwas na ako sayo dahil nagi guilty na rin ako sa ginawa ko. Kaya lang ginawa ko lang yun dahil sa best friend ko dahil gustong gusto ka nya!"
Napa hugot naman ako nang malalim na paghinga ng sandaling yun! Parang pinipiga ang puso ko ng makita kong nangingilid ang luha kanyang mga mata. Alam ko kasing naiipit lang sya sa sitwasyon at nasasaktan dahil sa nararamdaman nya para kay Clinton.
"Gem.. It's okay I'll understand,pero sana huwag mo akong iwasan.. magka ibigan na tayo diba?" Napa iling naman sya sa sinabi ko..
"Hindi mo maintindihan. Kahit gusto kitang maging kaibigan pero hindi pwede.." Paanong hindi pwede!
"Bakit? Dahil ba sinusunod mo lang ang gusto ng best friend mo.. dahil gusto mo sya?" Halatang naguluhan ang ito sa mga sinabi ko.
"Kim-"
"Sinabi sa akin ni Clinton...Alam nya ang tungkol sa nararamdaman mo para sa kanya. At lahat ng inuutos niya sayo sinusunod mo.'' Napa singhap ito ng marinig ang mga sinabi ko at kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata.
"But don't worry Gem wala akong gusto kay Clinton willing akong tulungan ka sakanya-""Bakit mo sinasabi ang mga ito sa akin? Kung wala kang gusto kay Art dapat pala maging masaya ako. Kaya lang kung masasaktan naman sya masasaktan din ako." Napa buga naman ako nang hangin, ganun ba kalakas ang tama nito kay Clinton. De bale sya na lang ang masaktan?
"Please huwag mong e reject si Art? Ayokong masaktan sya!" Ano bang gagawin ko sa babaeng ito.. napaka martyr! Nagpa ka tanga din ako kay Erick noon pero natauhan din naman ako. Hindi na ako tumugon sa sinasabi nya bagkus ay kinabig ko nalang ito tsaka ko sya niyakap nang mahigpit. Buo na ang pasya ko tutulugan ko sya kay Art.
"Change topic nalang tayo.." Wika ko nang bitawan ko na ito.. "Ang cute naman ng room mo!" Sanay libot nang paningin ko sa kabuuan nang kuwarto nito habang naka upo parin kami sa kanyang kama. Hindi naman sya kumibo alam kong hindi parin ito okay sa mga nangyayari.
"Kim-" Seryoso nitong wika sabay hawak sa isang palad ko. At tumitig ako sa mga mata nito. Tsaka ko sya nginitian na para bang sinasabi kong magiging maayos din ang lahat. Maya maya pa ay may kumatok na sa pintuan at naka handa na daw ang lunch sa ibaba. Hinintay ko naman saglit si Gem dahil nagpalit muna ito ng damit.. Bago kami bumaba at dumulog sa dining.
"Pasensya na guys medyo natagalan. Nag dagdag pa ako ng isang putaheng ulam para sa espesyal nating bisita.." Masiglang wika ni Tita Dianna. "Kain na alam kong gutom na kayo.." Pinag hila ko naman si Gem nang upuan at magka tabi kaming umupo.. Nag lead muna ako ng prayer bago kami nag simulang kumain..
Sarap naman magluto ng Mommy ni Gem, nakaka tuwa lang kasi kahit marangya ang buhay nila hands on ito sa gawaing bahay. Parang si Mama ko lang!"Malapit na pala ang birthday ko,nextweek na yun at huwag kang mawawala Kim ha! Kundi magtatampo ako sayo.." Wika ni Tita Dianna. Halatang tuwang tuwa ito na mayroon bagong kaibigan si Gem. Nagbaling naman ako ng tingin kay Gem na kanina pa tahimik.
"Promise po Tita pupunta po ako." Wika ko naman.. May klase pa dapat ako pero napa sarap na ang kwentuhan namin ng Mommy ni Gem kaya nahiya naman akong magpaalam ako total minsan lang naman ako umabsent..
Nagtungo kami sa garden nila pagka tapos naming kumain at doon namin tinuloy ang aming kwentuhan."Ito ang pinagkaka abalahan ko sa araw araw hija kapag wala ang mag ama ko. At alam mo bang pinagkakakitaan ko na din ang mga ito.."
"Same lang din pala kayo ng Mama ko. Mga halaman nalang din ang pinag kakaabalahan nya ngayon. Retired teacher po kasi sya." Turan ko naman.
"Really.. gusto ko din tuloy mameet ang parents mo especially your Mom! Sama mo din sila sa birthday ko." Napa tawa naman ako sa sinabi nito.
"Try ko po Tita ha!" Tugon ko naman. Naramdaman ko namang humawak si Gem sa braso ko.
"Diba may klase ka pa?'' Pabulong nitong wika sa tainga ko..
"Wala na.. diretso na talaga akong uuwi pagka galing ko dito!" Tugon ko. Nagsinungaling ako dahil ayoko namang mapa hiya ang mommy ko Gem. At isa pa enjoy naman ako sa pakikipag kwentuhan sa kanyang Mommy..
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomanceGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.