KIM POV
Kanina pa ako salita ng salita, kwento ako ng kwento kay Gem habang patungo kami sa parking area ng university kaya lang parang ang lalim ng iniisip nya. Wala yata ito sa focus! Kanina pa nito kinakagat kagat ang kanang hintuturo nito.
Tinatanong ko kasi kung anong kakaibang pwedeng iregalo kay Tita na dapat magustuhan niya."Gem...!" Untag ko rito. Kaya lang parang wala parin itong naririnig. Gusto ko kasing tumungo muna kami sa mall bago kami umuwi ng bagay nila. "Gem.." Humarang na ako sa dinadaanan namin at hinawakan ang magkabilang balikat nito.
"Okay ka lang?" Takang tanong ko. Dun yata ito biglang natauhan at napa kurap kurap ang mga mata nito.."Ha? May sinasabi ka ba!" Turan nito. Sabi ko na eh! Wala syang naintindihan sa mga sinasabi ko.
Napapa iling nalang ako. Huminto muna kami sa paglalakad pagka tapos ay seryoso akong tumitig sa kanyang mukha."May problema ka ba? Para kasing naglalakbay yung diwa mo eh!" Turan ko. Seryoso din nitong sinalubong ang aking tingin na tila may gusto syang sabihin.
"Kim?" Patanong nitong bigkas ng pangalan ko. Nanghihintay lang naman ako sa susunod nitong sasabihin. Napakagat ito sa pang ibabang labi nya. Don't tell me- huwag kang magpa cute ng ganyan Gemarie. Yung kiss na nangyari kung pwede lang ayoko ng maulit pa yun! Hindi yun tama,ginagawa lang yun ng isang magkasintahan. At isa pa babae parin sya. Hindi pwede!
Open minded naman ako sa mga ganung bagay sa third sex kaya lang wala kasi sa lahi namin. At straight ako alam ko sa sarili ko 100 percent. "Wa-wala.." Pag bawi ni Gem sa gusto nitong sabihin sabay yuko niyo.
Sure sya wala syang sasabihin! Kanina pa sya wala sa sarili eh.."Sure ka wala kang sasabihin?" Paniniguro ko lang. "Pwedeng pwede mo naman akong sabihan kahit ano pa yan! Kaibigan mo ako dib?" Sincere ko pang wika. Pero mabilis lang itong napa iling. Okay fine! Madali naman akong kausap.
"Okay so!'' Pag suko ko nalang.
"Samahan mo nalang muna ako sa mall!" Aya ko na kina kunot noo nito."B-bakit sa mall para saan?" Sabi ko nga walang pumasok sa utak nya sa mga sinasabi ko kanina pa..
"Mag de date tayo.." Biro ko.. Tila gulat na gulat ito sa sinabi ko at pinamulaan pa sya ng pisngi.. Biglang umiral ang kapilyahan ko. Asarin ko pa kaya lalo. Hinaplos ko ang kaliwang pisngi nito. "Date kita.. total hinalikan mo ako kagabi.." Pabulong kong turan baka kasi biglang may dumaan at marinig pa.. "Paano kong gusto kong subukan natin maging mag on-"
"Kim... Ang lakas ng trip mo." Kontra naman nito kaagad. Alam ko namang hindi sya madadala sa ganung biro dahil straight din ito at inlove sa kanyang best friend nya.
''Why?" Tanong ko naman. "Seryoso ako tara nga muna sa mall bago tayo umuwi.." Turan ko pa sabay lahad ng palad ko. "Akin na yung susi mo ako ang mag da drive. Ako yung guy sa ating dalawa.."
Napa awang naman ang mga labi nito sabay ngiti.."Sira!!" Natatawa nitong wika sabay hampas nito sa kaliwang braso ko. "Tara na nga.. ako nalang mag drive nakaka hiya naman hindi mo bagay maging guy ang ganda ganda mo eh!" Dagdag pa nitong turan.
"So,ikaw nalang ang guy sa ating dalawa..." Sabay hawak ko sa kaliwang palad nito at pinagsalikop ko sa palad ko. "Let's go babe..." Malambing kong bulong sa kanyang tainga. Dinampian ko pa ng mabilis na halik ang punong tainga nya. Narinig ko naman ang pag singhap nito. Parang ako pa yata ang madadala sa trip kong ito. Parang biglang gusto kong halikan ang mga labi niya. Mabilis kong pinilig ang aking ulo kong ano anong pumapasok sa utak ko. At hinila ko na ito patungo sa kanyang sasakyan..
Kaya lang napa hinto ako sa pag hakbang ng hindi kumilos si Gem sa kanyang kinatatayuan. Napa lingon tuloy ulit ako sa kanya.
"Kim.. Nagka usap na pala kami ni Art.." Oh! Really.. Muli ko naman itong hinarap. Malamang ito yung gusto nyang sabihin kanina,kaya lang bakit naman sya naalangan? Weird nya ha!
"So okay na kayo!" Wika ko at marahan naman itong napa tango bilang tugon. "Nice.. alam na rin ba nya na sa bahay ninyo ako ngayon naka stay?" Tanong ko naman dito.
"Oo. Okay lang naman daw sa kanya.." Tugon naman nito. Habang biglang nag iwas ng tingin. Hindi ko nalang yun pinag tuunan ng pansin.. At least okay na sila. De bale ngayon lang naman ako mag e stay sa kanila,kung hindi pa talaga maayos yung lagay ko sa bahay nang kuya madami namang apartment dyan. Or kaya ko namang mag drive pauwi tuwing matapos yung klase ko..
"Halika na.." Aya ko na ulit dito para hindi kami gabihin sa pag uwi. Nagsimula na ulit kaming humakbang patungo sa sasakyan nito. Kaya lang habang naglalakad kami marahan naman nitong inalis ang palad nitong hawak hawak ko. Nang nag baling ako ng tingin sa kanya ay may kinakalkal pala ito sa bag nito kaya napa bitaw sa hawak ko. At tsaka okay lang naman sa akin kung ayaw nyang magpa hawak kaya lang biglang may kumurot sa puso ko nang sandaling ito.
"Ito na oh!" Sabay abot nang kanyang car keys ng tuluyan na kaming makarating sa kanyang lang cruiser. "Nagbago na pala ang isip ko, ikaw nalang pala ang magmaneho.." Natatawang turan nito. Agad ko naman itong kinuha sabay ngiti. Bilis magbago nang isip! Kung makipag relasyon din kaya sya mabilis din kaya magbago ang isip niya.?
Hay!! Ano ba itong naiisip ko. Iikot na sana ako sa may driver seat-"Akala ko ba ikaw tong guy.. Dapat pag buksan mo muna ako ng pinto." Pabebe nitong turan. Seriously?? Aba umiiral na naman ang pagka brat nito ah.. Well, sige magpaka brat ka lang at magpaka naughty naman ako.
''Sure babe..." Turan ko at mabilis ulit akong humakbang patungo sa gawi nito. Mabilis kong hinapit ang kanyang baywang ng tuluyan na akong maka lapit sa kanya. At mabilis ko syang dinampian ng halik sa labi. Alam kong nabigla ito sa ginawa ko kaya agad ko din namang syang binitawan sabay bukas ng pintuan ng sasakyan. Pinaakyat ko muna ito ng sasakyan bago ako muling umikot sa driver seat.
"Kim.. bakit mo ginawa yun? Nasa public place tayo paano kung may makakita..!" Seryosong turan nito ng pareho na kaming nasa loob ng sasakyan at binuhay ko na ang makina. Nang nagbaling ako ng tingin sa kanya ay matalim ang tinging pinukol nito sa akin. First time niyang ginawa sa akin ito.
"What do you mean? So okay lang talaga sayo na hinahalikan kita basta huwag lang sa public places.." Hindi ko tuloy napigilang sabihin iyon sa kanya. Ayoko lang kasi yung paraan ng pagtitig niya sa akin,para kasing ang laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya.. Para magalit sya ng ganito.. "I mean ikaw naman itong humahalik sa akin diba?" Damn it!! Bakit ba biglang nag init ang ulo ko..
Hindi naman ito kumibo..At unti unting nagbago ang ekspresyon nang kanyang mukha.. Gosh!! Nag tatalo kami dahil lang sa kiss na yun.. Argh! Okay fine tama na nga din.. saan na ba kasi nagsimula ang kiss na yan? Ako dapat ang mag adjust dahil mas nakaka tanda ako sa kanya. Muli kong pinatay ang makina ng sasakyan. Mabuti pa siguro ako nalang mag isang pupunta ng mall mag commute nang ako.
"Umuwi ka na ako nalang mag isang pumunta ng mall.. Bibili kasi sana ako ng gift ko kay Tita-"
Bigla akong napa hinto sa pag sasalita ng kitang kita ko ang pag landas ng luha sa magka bilang pisngi ni Gem mula sa namumula nitong mga mata.. Oh gosh!! Bakit ba sya umiiyak..
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
RomanceGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.