GEM POV
"She's coming!!" Bulong ko sa sarili ko habang naka tago ako dito sa gilid ng pader dito sa hallway nang university kung saan ako nag aaral. Gaya ng plano inabangan ko sya ng makita ko na itong naglalakad papasok sa malaking gate ng school namin. Kahit malapit na ang oras ng klase ko ay gagawin ko ito para sa best friend ko. Ewan ko ba dun kalalaking tao napaka duwag! Hindi lang duwag torpe pa. Kaya lang mahal ko kasi sya kaya lahat gagawin ko lahat ng ipag uutos nya-
Gosh!! Andyan na sya.. andyan na. Konteng hakbang na lang habang panay sipat nito sa suot nyang wrist watch.. Mukhang ma lelate na rin yata sa first subject nya.. In fairness may taste talaga ang best friend ko aminado akong maganda itong babaeng kinalolokohan nya ngayon. Pero mas maganda parin ako noh! This is it pansit!!!
Agad na akong lumabas sa aking lungga at pikit mata ng bigla ko nalang itong banggain. Pasensya na ha miss ganda napag utusan lang... Wika ko sa sarili ko nang sumagi na ang buong lakas ko sa katawan nito.
"Ouch!!! Sabay pa naming daing habang napa upo sa sementadong sahig at tumilapon ang hawak hawak nitong dalawang libro kanina.. Ako! Wala naman akong ibang dala kundi ang shoulder bag ko lang.
Kaya lang ang sakit ng pwetan ko na bumagsak sa sahig.. Aray! Daing ko sa isip ko mukhang mapupuruhan yata ako sa kagagahang ginagawa ko."Miss okay lang!" Ha? Nakatayo na ito kaagad parang hindi man lang nasaktan sa nangyari.. Dahan dahan itong humakbang palapit sa kinaroroonan ko sabay lahad ng isang palad nito.
"Sorry ha! Hindi ko kasi tinitignan yung dinadaanan ko.." Hingi ko nang paumanhin nang inabot ko ang palad nito at tinulungan ako nitong makatayo.. Lambot nang palad mukhang yayamanin.. Sabagay mukhang may kaya nga ito kutis palang parang labanos at ang kinis ng kanyang mukha walang bakas ng pimples..
"Tititigan mo na lang ba ako.. pwede mo na rin sigurong bitawan yung kamay ko kasi pupulutin ko pa yung mga libro ko.." Naka ngisi nitong sabi. Agad ko namang binitawan ang kamay nito.. Oh gosh nakaka hiya! Hindi ko naman kasi namalayang naka titig na pala ako sa kanyang mukha.. Yung plano kailangan dun ako mag focus.
"Ahm..." Tikhim ko nang tinulungan ko itong damputin ang isa niyang libro.. Kaya lang sabay kaming napa yuko kaya di sinasadya na nag umpog na naman ang mga noo namin.
"Ouch!!!" Sabay na namang daing namin at sabay na sinapo ang aming noo.
Disgrasya pa yata ang abutin ko. Sakit pa nga yung pige ko heto na naman..Kailangan kong malaman yung pangalan nya at kung anong kurso nya..
"Ako nga pala si Gem ikaw-""Oh my gosh!! Late na ako." Turan nito na tila hindi narinig ang mga sinabi ko..
"Teka-" Habol ko pero mabilis na itong humakbang palayo.. Napa awang tuloy ang mga labi ko habang tanaw ko syang palayo na sa kinaroroonan ko.. Naman!! Tanga ko kasi.. pagkakataon ko na sana eh.. Hahabulin ko sana sya pero mukha malelate na din ako at iba kasi yung way ko..
Tatalikod na sana ako-
"I'm Kimberly Santos. Kim for short." Naka ngiting kumaway pa ito bago tuluyang naglakad palayo... Lalong napa awang ang mga labi ko nang sandaling yun at biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng hindi ko mawari kong bakit..
Kaya lang mabilis kong pinilig ang ulo ko tsaka nagmamadali nang tumungo sa direksyon ng aking classroom at tyak nag aabang na ang best friend ko doon.Pagpasok ko palang sa loob ng classroom ay sinalubong na ako kaagad ng tingin ni Art at sumensyas itong umupo ako sa bakanteng upuan sa kanyang tabi..
"Anong nangyari?" Bulong nito kaagad sa akin.. Naamoy ko naman ang mabango nitong hininga dahil sobrang lapit ng mukha nito sa mukha ko. Gusto ko syang halikan ng smack sa labi pero nag pigil ako at nagbaling ng tingin sa ibang direksyon."Ahm.. Kimberly Santos..."Ganting bulong ko pero hindi ako sa mukha niya naka tingin.. "Yun lang ang nalaman ko kasi nag mamadali na syang umalis.." Paliwanag ko naman alam ko na kasing mag tatanong lang din sya ng husto..
"Naman... Bagal mo naman best!" Pang hihinayang nito. Para naman ang dali ng pinapa gawa nya. Sya nga hindi nya kayang gawin eh! Lihim na lang akong napa irap..
"Ano palang nangyari dyan sa may noo mo bakit namumula?" Ha.. agad ko namang kinapa ang noo ko..."Ha! Ito yung nagka umpugan kami kanina.. Mukhang napa lakas yata.. masakit nga eh!" Sabay himas ng marahan sa aking noo..
"Ano? Nasaktan mo sya? Paano ko nagalit yun di palpak na yung plano natin.." Bigla tuloy akong napa baling ng tingin sa kanyang mukha sa sinabi nito.. Mas concern pa sya sa Kim na yun kesa sa akin na best friend nya..
Sasagutin ko na sana sya buti nalang at dumating na ang guwapo naming Prof.. Kaya lang itong katabi ko na kasi ang nag mamay ari ng puso ko ng hindi nya alam.
Habang nag de discuss si Prof ay lumilipad naman ang isip ko sa encounter namin ni Kim kanina. Hindi ko lang kasi maiwasang ma amaze sa kanya.. Para kasing ang bait bait nya at kung mapapalapit ito sa best friend ko mukhang talong talo ako.. Bukod kasi sa maganda na mabait pa..Psshh!! Bakit ko ba binababa ang sarili ko.. maganda naman ako mabait din,dapat hindi ako papatalo hindi dapat ako mawalan ng pag asa.. Ngitngit nang kalooban ko.
Ni wala akong naintindihan sa deniscuss ni Prof hanggang marinig kong tumunog na ang bell. Nangangahulugang tapos na ang first subject at breaktime muna ng isang oras bago ang susunod naming subject.."Best..."Sabay hawak ni Art sa kanang braso ko ng akmang tatayo na sana ako.. Kaya napa hinto ako at napa tingin sa mukha nito.. "Hanapin mo sya please.. Ngayon alam na natin yung pangalan nya kailangan malaman na natin kung anong course nya.." Paki usap nito na kina awang ng labi ko. Sa luwang nang university na ito sa dami ng estudyante.. saan ko naman umpisahan ang paghahanap!! Kulang na kulang ang maghapon sa paglilibot sa school na to' sa dami ng building sa taas ng bawat floors.. Bigla akong nanlumo sa isip palang..
"Gem please..." Hinigpitan nito ang hawak sa braso ko at ang mga mata nyang parang nag papaawa.. Kaya napa tango nalang ako ng marahan. At unti unti namang sumilay ang ngiti sa mga labi nito.. Na kina tunaw ng puso ko ng husto...
Hayy!! Kung hindi lang talaga kita mahal.. naku ewan ko nalang..Binitawan na nito ang braso ko kaya muli na akong napa tayo mula sa aking kina uupuan at walang lingon likod na lumabas ng classroom.. Alam ko namang hindi rin lang din sya sasama sa akin.. Napa hawak naman ako sa aking sikmura ng bigla itong tumunog. Hindi pa pala ako nag aagahan kakamadali kong pumasok kanina. Biruin ba naman sarado pa ang gate andito na ako masiguro ko lang na maunahan kong pumasok ang Kim na yun!
Kim Domingo as.. Kimberly Santos on media.
...
BINABASA MO ANG
"In love With Who!" (GxG)
عاطفيةGirl to girl short story.. Again: Ito ay isang kathang isip lamang sa malikot kong imahinasyon.